"Ano, hija?" tanong nito. Soledad swallowed hard. Right. Why was she so confident to argue with Jake right here inside their mansion? Sa sobrang inis niya sa lalake ay nawala sa isip niya na maaaring may makarinig no'n. Umiwas siya ng tingin kapagkuwan ay bumuntong-hininga. "Boyfriend ko na po si Adi," sagot ni Soledad, hindi na iyon itinanggi. Matagal siyang tinitigan ng ginang kapagkuwan ay napabuntong-hininga rin ito. "Una pa lang naman ay naisip ko ng maaari kayo dahil sa paningin ko ay bagay kayo," mahinahon nitong saad. Mukha naman itong kalmado. Bahagya siyang nabigla sa reaksyon ng mayordoma dahil hindi iyon ang inaasahan niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito. "H-hindi po ba kayo galit?" she asked. Ngumiti nang bahagya ang ginang. "Bakit naman ako magagalit, hija? Mabait

