"Di ako makapaniwala na ikaw ang magloloko sa aming pamilya, pinagkatiwala sa'yo ng mga magulang ko, ang yaman ng aming pamilya ngunit niloko mo lang kami!"
Ngayon ko lang nalaman kung bakit Ayaw na ng kapatid ko na habulin ang kanyang yaman ay dahil din sa'yo.
Di pa ba sapat na ginamit mo ang anak mo, para linlangin ako.
"Kahit sinabi mo na patay na si Alicia ay hindi mo kami pinagbigyan makita ang kanyang bangkay!" Ang madamdamin lahad ni Tito Arturo.
Napatulala lang si Karl dahil ang kanyang Ina ay si Alicia na matagal nang patay na sinasabi ng kanyang papa.
Kaya pala hindi makadalaw si Tito Arturo sa mama ni Karl ay dahil ang ama ni Alicia ay si Attorney Mansu.
"Di kaba naawa sa apo mo, na anak ng Pinakamamahal mong anak na si Alicia."
"Ginamit mo lang anak mo!, Para kamkamin ang mana ng pamilya, Attorney Mansu. At humantong pa sa paglusob nyo sa amin mansion!"Ang nagagalaiti nitong sigaw.
"Ang iyung magulang ay matagal ko nang pinagsilbihan, Arturo. Ako!, Ako!, Ang nagpayaman sa pamilya ninyo."
"Dahil sa akin nagkaroon ng yaman ang inyong pamilya." sabi ni Attorney Mansu.
Dahil sa akin kaya napasakamay ng inyong pamilya ang yaman na dapat ay kay Ricardo della Casa.
Magkaibigan ang iyong papa at ang mga magulang ni Ricardo
Kaya lang ng mamatay sa Aksidenti ang mga magulang ni Ricardo ay napunta ang yaman ng pamilya ni Ricardo sa iyung papa.
At imbis na kupkupin ay ipinasok pa nila sa bahay ampunan na pinagmamay-ari ng pamilya ni Ricardo.
Kaya di nagtagal ang bagay ampunan dahil hindi mo na ito, binibigyan ng pera.
Dahil mag-asawa na ang iyung kapatid na si Laura at si Ricardo.
Kaya binabalik ko lang ang mga gawain ng iyung ama sa inyong magkakapatid."
Ang mahaba nyang paliwanag sa amin.
"Ano po!, Ang papa namin na si Ricardo ay anak ng mayaman." Ang pag-uulit ko ng tanong sa kanya.
At napatingin sya sa akin.
"Ikaw ba si Melissa na anak ni nina Laura at Ricardo " Napatango ako sa kanyang tanong.
Kayo ang tunay na tagapagmana ng yaman ng iyung papa.
Sabi ni Attorney sa amin.
Di kami makapaniwala sa mga sinasabi ni Attorney Mansu sa amin.
Dahil ng mamatay ang pamilya ni Ricardo ay inahabilin nya sa akin ang kanyang anak na si Ricardo ngunit dahil sa gahaman ang pamilya ni Arturo ay hawak nila ang aking leeg.
Ang pinagsasabi ni Attorney Mansu.
Ngunit naguguluhan si Melissa dahil sa kanilang pagkakaalam ay nais na kunin ng attorney ang yaman nina Arturo at Laura.
"Totoo ba ang sinasabi mo?, Eh. Bakit mo pinagbantaan sina mama at papa na ipapakulong mo si Tito Arturo? Biglang sabi ni Melissa kay Attorney Mansu.
Kaya napatingin si Arturo kay Attorney Mansu.
Na gustong marinig ang sasabihin nito .
Ngunit tumahimik ito, at tumawa ng tumawa sa tanong ni Melissa.
"Paano mo nalaman na pinagbantaan ko ang iyung mga magulang."
Tanong ni Attorney Mansu kay Melissa na hindi ito makapaniwala sa tanong ng dalaga.
"Ano ang iyun sinabi sa kapatid ko , Attorney na pinagbantaan mo syang ipapakulong ako." Lumakas ang sigaw nya.
Kaya pala nung pumunta ako kay Laura at sinabihan na babawiin ang lupa na ninakaw mo, ay ayaw ng kapatid ko ang mangi-alam sa lupang minana nya sa amin mga magulang.
At alam mo ang totoo kung ano ang tunay na nangyari noon. Kaya ng mamatay sina Mama at Papa ay nagmadali kang harangan ang mga documents na inilaan na ni papa para kay Laura.
Iyun pala ay may motibo kang kunin ang yaman nya." Nagsisigaw na si Tito Arturo dahil sa labis na Kasamaan ni Attorney Mansu.
"Nasaan na ang mga bangkay ni Lucille nasaan na ang asawa ang asawa ko bakit mo? inilayo sa akin ang babaeng nagpabago sa akin." Ang madamdamin na pahayag ni Tito Arturo.
Tumingin kami kay Tito Arturo na hinahawakan na nya ang kuwelyo ni Attorney Mansu.
"Di pa ba sapat na meron ka nang anak!" At gusto mo pang malaman kung nasaan si Lucille.
Ang nakangiti nitong sabi kay Tito Arturo.
May pakiramdam akong may tinatago pa ang matandang ito.
Nang maya-maya pa ay may nakita kaming karwahe na papunta sa amin.
Natarangta si Attorney Mansu at ito ay lumundag- lundag ng makita nya ang karwahe papunta sa amin.
"Ahhhhaah!, Sinabi ng huwag pumunta dito!, Sigaw nya habang papalapit na ang karwahe at may Isang pigura ang nagpakita sa amin.
Isang babaeng maganda at umiiyak ito na habang nakadungaw sa bintana ng karwahe.
Biglang tumakbo si Tito Arturo na sumisigaw.
"Lucille!, Lucille!" Ang sigaw ni Tito Arturo ng makita nya ang babaeng nakadungaw sa bintana.
"Mama!, Mama!, Sigaw naman ni Karl habang lumulundag sa tuwa.
Di kami makapaniwala sa nanyayari ngayon sa mansion.
Papaanong buhay si Tita Lucille dahil lagi nilang sinasabi na patay na ito.
Naguguluhan ang tatlong bata habang na nakikita ang mga nagaganap sa mansion.
"Anak!, Bat ka pumunta dito?" Sigaw naman ni Attorney Mansu sa kanyang anak na papalapit sa amin.
Tumigil ang karwahe nung makalapit na si Tito Arturo sa sinasakyan ni Tita Lucille.
Binuksan ni Tita Lucille ang karwahe at lumundag ito kay Tito Arturo at yumakap sa kanya habang naghahalikan na ang dalawa.
Habang papunta na si Karl sa kanyang Ina at masayang yumakap dito.
Napangiti na lamang kami sa amin nasaksihan mahal na mahal ni Tito Arturo si Tita Lucille.
Nakakandong si Lucille habang naglalakad sila ni Tito Arturo papunta sa amin.
Nakita namin na namumula na sa galit si Attorney Mansu.
Nang makalapit na ang tatlo sa amin ay agad na nilagay ni Tito Arturo si Tita Lucille sa paanan ng mansion.
At saktong dating ng karwahe kung saan ito ang sinakyan ni Tita Lucille.
May ibinaba ang kutsero upuang de gulong galing sa loob ng karwahe at binuhat ni Tito Arturo si Tita Lucille upang isakay sa kanyang upuang de gulong.
May kapansanan Lucille hindi ito nakalalakad kaya kinakailangan nyang gumamit ng wheel chair.
"Lucille diba ang sabi ko sa'yo na huwag kang babalik dito!" Ang nagagalaiti sigaw ng kanyang ama.
"Papa may asawa't anak ako. Kailan mo akong pakakawalan kapag tuluyan na akong mamatay." Ang naiiyak sa sabi ni Lucille sa kanyang ama.
At yumakap si Karl sa kanyang mama,
"Mama, huwag mo akong iiwan ha!" Ang naiiyak sabi nito sa kanyang Mama Lucille.
"Anak , di na kita iiwan." Dahil may sasabihin ako sa inyong lahat.
Ang kanyang tinig ay nag-iba at tumingin ng diretso sa kanyang ama.
"Ang aking ama ang syang may kagagawan ng lahat, mahal ko. Sabay kuha ng kamay ni Tito Arturo.
Na hindi na namin alam na kanina na pala lumalayo sa amin.
Kaya napabalik ito sa amin, ng marinig nyang nagsasalita na ang kanyang anak.
"Si papa, si papa ang may pakana ng lahat ng ito. Sya ang kumuha ng mga yaman ninyo ni Laura. Dahil sa ingit na kanyang nararamdaman ng malaman nyang nais ibalik nang inyung mama at papa ang kanilang ninakaw na yaman kay Ricardo della Cassa." Habang umiiyak at tumitig sa kanyang papa.
"Kaya ng pinanganak ko si Karl sa hospital ay pinalabas nyang patay na ako, At tinago ako sa bayan ni mama."
"Anim na taong nya akong tinago para maisakatuparan nya ang kanyang binabalak."
Ang naiiyak na salaysay ni Tita Lucille habang hinahawakan ni Tito Arturo ang mga kamay ni Tita Lucille.
"Patawarin nyo ako, Arturo mahal ko."
Kaya nagpadala ako ng mensahi sa'yo na babalik ako dito sa inyo.
Iyun mensahi na kanina nya natanggap ni Arturo ay galing kay Lucille kaya nagpunta si Arturo sa himpilan ng mga pulis.
Marami pang isinawalat si Tita Lucille sa amin. Kaya nagbigay linaw na sa amin ang lahat na nangyayari.
Lahat pala ay kagagawan ni Attorney Mansu ng mamatay ang mga magulang ni Tito Arturo at ni Mama ay nag Plano syang nakawan ang mga ito .
Dahil nais ng mag-asawa na ibalik ang yaman kay Papa Ricardo na kanilang ninakaw dahil nakikita nilang nagmamahalan sina Mama laura at Papa Arturo.
Kaya sila tumulong sa bahay ampunan dahil may kasalanan silang nagawa kay Papa Ricardo.
Kaya ng malaman ng Attorney na nais ng ibalik ng mag-asawa ay may nanyari naman masama sa kanila.
Kaya naipagpatuloy ni Attorney Mansu ang kanyang masamang balak.
Pinuntahan nya si Mama at kinausap na papakulong nya si Arturo dahil may hawak syang papeles na pwedeng magamit sa pagpapakulong dito.
Kaya hindi na lumaban pa ang kanilang mama upang hindi matuloy ang nais ng attorney.
Nang manganak ang kanilang mama sa kanilang bunsong kapatid na si jay ay nagkaroon ng kumplikasyon at namatay ito.
Kaya buong buhay ng kanilang ama ay nagtrabaho ito, para mabuhay silang tatlo hanggang sa nagkaroon ng sakit.
At hindi na naagapan pa dahil sa walang perang maipagamot.
Ngunit ang totoo pala'y Isang syang taga pagmana ng kanilang pamilya Della Cassa.
Ngayon lang nalaman ni Melissa ang totoong nanyari sa kanilang pamilya.
Umiiyak ang tatlo at niyakap sila ng kanilang Tito Arturo pati narin ang kanyang anak na si Karl.
"Ate Melissa, sorry." Habang umiiyak ito na at yumayakap sa kanyang pinsan.
"Humihingi ako ng paumanhin sa inyong magkakapatid sa lahat ng kasalanan na nagawa namin sa inyo" habang niyayakap ang tatlong bata at umiiyak dahil sa kanyang nalaman.
"Ibabalik ang perang kinuha ko, Basta't pakawalan nyo ako." Sabi ni Attorney Mansu.
Sabay nguso nito sa kanya labi.
Tumawa lamang si Karl sa nakikita nya sa kanyang Lolo Mansu.
Dahil ngayon nya lang nakita ang kanyang Lolo at nakita na rin nya ang kanyang Ina.
Natapos ang buong araw na Puno ng ka dramahan at lumabas ang katotohanan.
Hindi nga nakakulong si Attorney Mansu, ngunit pinagbawalan na s'yang humawak ng mga kaso.
Ngayon araw ay maaga kaming nagising dahil mag-aayos pa kami ng mga gamit ng mga kapatid ko.
At pupunta na kami sa bayan kung saan malapit ang paaralan sa bagong lilipatan namin ng mga kapatid ko.
Kaya bago kami bumaba ay tinignan namin ang attic para sa huling pagkakataon.
Pumasok kami ng attic at tinignan ang pinto sa likod ng kabinet.
Na bigla kami sa aming nakita dahil wala na ang mahiwagang pinto. Kung saan nakakapasok kami at nakakapunto sa nakaraan.
"Ate Melissa, Wala na ang pinto? Tanong ni Jay sa amin.
"Oo, nga ate Melissa. Asan na iyun!" ang tanong naman ni Vickie na kumakamot pa ng Ulo"
Naguguluhan din ako. Ngunit Isa lang ang nasa isip ko.
"Siguro ay nawala na ang mga pag-alala sa ating nina mama at papa. Kaya nawala na ang mahiwagang pinto." Iyang lang ang nasabi ko ng may tumawag sa amin. Si Karl at si Tito Arturo na nakangiti sa amin.
Masaya na si Tito Arturo dahil bumalik na si Tita Lucille sa kanya at buo na ang kanyang pamilya.
"Opo, Tito Arturo. Bababa na po kami."
Sabay namin sagot kay Tito Arturo na nagkatinginan kaming tatlo at Nagtawanan.
Hanggang sa lumabas na kami ng pinto at bumaba hanggang lumabas ng mansion at sumakay kami ng karwahe upang lumipat na sa bayan.
Habang lulang sila ng karwahe para pumunta sa bayan ay napapangiti na lamang si Melissa habang nakatanaw sa paligid na kanilang dinadaanan.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa ng sumali na si Melissa sa kanilang pinag-uusapan.
Puno ng halakhak ang karwaheng pupunta sa bayan at duon na magsisimula ang pagbuo ng kanilang mga pangarap sa bawat Isa.
The end.