At tumalikod na lamang ito at sumakay muli sa kanyang karwahe.
Kaya nakatingin na lamang ang kanilang mama sa kanyang kapatid na sakay sa karwahe na lumalayo na sa kanila.
Lumapit ang kanilang papa sa kanyang mama at niyakap sya nito.
"Hindi ka ba nagsisi sa desisyun mo? Mahal ko." Habang niyayakap sya ng kanilang ama.
"Alam kung hindi papayag si kuya Arturo ngunit kailangang kung gawin iyun. Dahil nakatayo na ang buhay natin!, Kapag hindi ako pumayag sa gusto ni Attorney.
"Dahil makukulong ang kapatid ko " Naiiyak nitong Sabi.
"Bakit hindi natin sabihin sa kapatid mo na, ang inyong attorney ay may kagagawan sa lahat.
Matagal na nya'ng niloloko ang inyong pamilya at isa-Isa na nyang binibinta ang inyong lupa at ang nasa kamay mo ay nais pang kunin ng inyung attorney." Ang kanilang pag-uusap ng kanyang asawa.
Dahil kapag hindi ko sinunod ang gusto ni Attorney ay makukulong ang kapatid ko.
Dahil ilang taon ng hindi isinakaso ni kuya ang negosyo dahil nawalang na sya ng gana para patakbuhin ito, kaya nagkaroon ng interest ang amin attorney sa lahat ng amin mana .
"At nasa kanya ang mga papeles na at kaya nyang baliktarin ang mga ito. Ang naiiyak na sabi ng kanilang mama.
Di makapaniwala si Melissa sa kanyang naririnig dahil ang akala nyang masama ang kanilang Tito Arturo ay hindi pala.
Kundi Isang mapagmahal na kapatid sa kanilang mama at iniisip nito ang magiging kapalaran ng kapatid kung wala na itong mamanahin.
Kaya nakita na lamang nila na unti-unti na silang naglalaho sa hangin.
Nagising ang tatlong bata sa kanilang kama. Napa-upo silang lahat ng may naramdaman silang may tao sa kanilang kwarto.
Nakita nilang nakaupo sa upuan si Karl at natutulog.
Tumayo si Vickie sa kama at pupuntahan sana nya si Karl para gisingin ito ngunit nagising na ito.
"Ate Melissa nandito na pala kayo?" Pagtatanong ni Karl sa kanila.
"Oo, bakit saan pa ba kami pupunta?" ang pagmamaangan nito.
"Ate sinundan ko kayo kagabi sa attic ngunit nun pumasok na ako ay wala na kayo?" Ang pagtatanong ni Karl sa kanila.
" Ah, kasi!, Emmmm". Habang nag iisip ng isasagot si Melissa ng may kumatok sa kanila
Ang Tito Arturo nila.
"Melissa?, Vickie nandito ba si Karl? Pagtatanong ng kanilang Tito Arturo.
Na agad sumagot si Karl sa kanyang papa.
"Nandito po ako papa" at agad na lumabas ito ng pinto at naiwan kinakabahan si Melissa dahil wala syang maisagot sa tanong ng kanyang pinsan.
"Ahhh!" Muntik na tayo duon ah!, pero ano ang sasabihin ko kung magtatanong uli si Karl!" Ang mahinang sabi ni Melissa habang napa-upo sa kanyang kama.
"Ate!, lumabas na tayo, nagugutom na ako!"Sabi ni jay habang hinahawakan ang kanyang tyan.
Lumabas na kaming tatlo sa kwarto at bumaba. Habang naglalakad kami ay papunta sa kusina ay nakita namin si Tito Arturo na lumabas ng mansion at parang nagmamadaling umalis.
Kaya pumunta kami sa pinto at nakita namin na nakasakay na ito, ng kabayo at agad na pinatakbo.
Nakita namin si Karl na nakaupo sa sala ng mansion at malungkot.
Nilapitan namin at tinanong kung ano ang nanyari.
"Di ko rin alam ate, Basta kanina may dumating na sulat at nang mabasa ni papa ay agad s'yang lumabas ng mansion."
Ang malungkot nitong salaysay sa amin.
Umupo ako sa tabi ni Karl at hinawakan ang kanyang kamay.
"Karl, malalgpasan din ng iyung papa at ng ating pamilya kung ano man iyun problema na ating malalaman."
Habang niyayakap ko si Karl at tumingin sa dalawa kong kapatid.
(Dahil unti-unti ng lumilinaw ang lahat sa amin. Kung ano ang totoong ugali ng amin Tito Arturo.) Ang nasa isip ni Melissa.
Isang mapagmahal na kapatid at lumalabas na mag-isa lamang syang lumalaban para sa kanyang pamilya.
Kaya isinama na namin si Karl sa lamesa para mag-agahan.
Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na kami ng mansion at naglaro kami ng habulan.
Nagta-takbuhan sila pero napagod na ako kaya umupo na lamang ako sa bato na malapit sa kakahuyan.
(At napapaisip na maraming mga sekreto ang amin pamilya na unti-unti na namin nalalaman.)
Di nagtagal ay may nakita akong maraming mga karwahe na paparating sa mansion at maraming nakasakay na mga taong may hawak na mga baril at may dalang kahoy.
Nagsitakbuhan ang mga bata palapit sa akin.
"Ate Melissa!, Ate!!! Sigaw nila sa akin."
Kaya tumakbo ako sa kanila.
At yumakap sila sa akin, kahit na natatakot ako ay pilit kung nilalabanan.
Tumakbo kami sa mga ka-kahuyan upang duon magtago para hindi kami makita ng mga taong nakasakay sa karwahe.
Maya-maya ay tumigil na ang mga karwahe sa mansion at nakita namin na isa-isang bumababa ang mga sakay ng karwahe.
At tumakbong pumasok sa loob ng mansion na may dalang mga baril.
Maya-maya ay dumating din na dalawang karwahe at nakita namin na nakasakay si Tito Arturo na papalapit na.
Kaya tumakbo kami patungo sa kanila, Upang makita kami ni Tito Arturo.
Ngunit pinigilan nya kami dahil nakita namin ang kanyang kamay na nagbibigay ng signal na tumigil kami sa kakatakbu papunta sa kanya at pinapabalik kami ka-kahuyan upang magtago.
Kaya di na kami lumapit sa kanila at bumalik sa aming pinagtataguan.
Nakita namin na tumigil na ang karwahe at Bumaba si Tito Arturo sa karwahe na kasama ang mga pulis ng Esmeralda.
Tumakbo sila sa loob ng mansion at may naririnig kaming putukan ng mga baril.
May mga pulis din na nagpaiwan at kasama namin na binabantayan kaming apat.
Ilang minuto pa ang labanan sa loob ng mansion at natatakot kami para sa kalagayan ng amin Tito Arturo.
Umiiyak si Karl habang nagtatago kaming apat sa kakahuyan habang tumitingin sa mansion kahit malayo ito. Ay naririnig namin ang mga putukan sa loob.
Kaya naghawak kamay kaming apat at nanalangin na huwag pabayaan ang amin Tito Arturo.
Di nagtagal ay lumabas na ang mga taong pumasok sa mansion at nakaposas ang mga kamay.
Nagsigawan kaming apat dahil ligtas si Tito Arturo na lumabas sa mansion.
Kaya tumakbo kaming pumunta sa kanya at yumakap.
Nakita namin ang mga taong pumasok sa mansion, ito din ang nagbugbog kay Tito Arturo kahapon.
Pero may Isang taong nakaupo sa karwahe na hindi ito kasama sa paglusob sa mansion, at lumabas sa karwahe.
Ito pala ang attorney ng pamilya si Attorney Mansu ang matagal ng attorney ng pamilya. Na pinagkatiwalaan ng mga magulang ni Tito Arturo na sya rin, ang magsasabutahi sa yaman ng pamilya.
Pina-upo ito na kasama ng mga taong nakadapa at nakataas ang mga kamay.
"Di ako makapaniwala na ikaw ang magloloko sa amin ng pamilya, pinagkatiwala sa'yo ng mga magulang ko, ang yaman ng pamilya ngunit niloko mo lang kami.