Kaya nagsimula na silang tumakbo papaunta sa karwahe. Malayo pa sila ng may mga taong nag -a antay sa kanilang pagbabalik sa karwahe.
Huminto sila sa pagtakbo ng sumugod ang mga ito sa kanilang Tito Arturo.
Pinagsusuntok nila ito at pinagsisipa sa buong katawan ng kanilang Tito Arturo hanggang sa matumba ito sa lupa.
Di lumaban ang kanilang Tito dahil sa dami ng mga taong nanakit sa kanya.
Umiiyak na ang mga batang kanina lang ay masayang masaya at ngayon ay napilitan ng takot at pangamba sa kanilang Tito Arturo.
Lalung-lalo na ang kanyang anak na umiiyak habang nakayakap sa kanyang ama.
"Tama na po!, Tama na po, maawa kayo kay papa!, Ang kanyang pagmamakaawa sa mga taong nanakit sa kanyang ama.
Huling paalala na namin sa'yo Arturo na ibigay mo na ang lupa kung ayaw mong buhay mo ang kapalit sa pagmamatigas mo.
Sabi ng leader na sumugod sa kanila.
Nang makita nilang di na gumagalaw si Arturo ay umalis sila at parang wala lang may nanyari sa pagbugbog nila kay Arturo.
Nang maka-alis na ang mga tao ay nilapitan ng mga bata si Arturo.
"Papa!, Umiiyak na sabi ni Karl habang nakayakap sa kanyang ama na nakahiga at puno na ng dugo ang kanyang mukha.
Kahit umuulan na ay hindi ito ramdam ng mga bata habang umiiyak sa kanilang Tito Arturo.
Tinulungan nila ito na makatayo kahit na mabigat ang kanilang Tito Arturo hanggang sa makarating sila sa karwahe.
Nang dumating sila ay nakita nilang nakabulagta ang lalaking kutsero sa lupa. Pati rin pala sya ay binubogbog ng mga taong nanakit sa kanilang Tito Arturo.
Kaya nilapitan nila ito at tinignan kung ano ang kanyang lagay meron syang dugo sa mukha at mga galos sa katawan.
Tinulungan nila itong makatayo at dinala sa karwahe upang paupuin sa loob dahil sa lakas ng ulan.
Nanduon silang lahat habang buong hapon nagpapalipas ng malakas na ulan at hindi sila maka-alis dahil natutulog ang kanilang kutsero.
Naunang nagising ang kanilang Tito Arturo at tinanong anong nanyari kanina? at kung sila bang apat ang nagdala sa kanya sa karwahe.
Napakamot sya ng batok ng malaman na buong hapon silang nasa loob ng karwahe at hindi pa nagigising ang kanilang kutsero.
Kaya sya na lamang ang nagpatakbo ng kanyang karwahe dahil wala ng ulang at maka-uwi na sila sa kanilang Mansion.
Nang dumating sila sa Mansion bago bumababa ay nagising rin ang kanilang kutsero at humingi ng paumanhin kay Arturo.
"Wag kang humingi ng paumanhin Seliro, kami dapat ang humingi ng paumanhin sa nanyari sa'yo." Sabi ni Arturo.
"Dahil nadamay ka sa amin problema sa lupa." Dagdag pa nito.
Kaya tumango lamang si Seliro kay Arturo.
Nagtataka naman Sina Melissa at Vickie kung bakit may problema sa lupa ang kanilang Tito Arturo.
Pumasok na sila sa mansion at dumiritso na ang kanilang Tito Arturo sa kanyang opisina.
Naiwan sila sa sala dahil sinabihan sila ng kanilang Tito Arturo na huwag ng sumunod sa kanyang opisina.
Kaya nasa sala silang apat at naghahanap ng sagot sa kanilang katanungan.
Kung ano ang dahilang ng kanilang galit sa kanilang Tito Arturo.
Nang gumabi na ay nasa dinning table silang apat at hindi pa bumababa ang kanilang Tito Arturo para kumain ng hapunan.
Hanggang sa natapos na silang kumain ay hindi parin bumababa ang kanilang Tito.
"Okay lang ba ang papa mo Karl? " Pagtatanong ni Vickie kay Karl .
"Oo, Ate okay lang si papa, nagpapahinga lang sya?" Tugon ni Karl sa amin.
"May nalalaman kaba sa away ng lupa ng iyung papa, Karl? Tanong ni Melissa kay Karl.
"Wala rin akong alam ate!, Ngayon nga ako isinama ni papa sa libangan ng ating lola't Lolo."
Kaya ng umakyat sila ay napagdisisyunan ng tatlong bata na papasukin nila ang attic upang malaman kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang pamilya.
Nakaupo sila sa kanilang kama at pinapakiramdaman ang nasa Paligid.
"Ate!, Mukhang tahimik na." Ang mahinang Sabi ni Vickie sa kanyang ate Melissa.
"Oo, Vickie. Maghanda na tayo at lalabas na tayo ng kwarto." Sabi ni Melissa.
Naghanda na ang tatlong bata para papasok ulit sa mahiwagang pinto ngayon gabi.
Lumabas na sila na may dalang lampara at upang malaman pa ang sekrito ng kanilang pamilya.
Habang naglalakad sila ay abot tainga ang kanilang kabang nararamdaman.
Nang nakapasok na ang tatlong bata ay agad na nilang pinuntahan ang pinto.
Naunang pumasok si Jay kasunod naman si Vickie at ang huli si Melissa na naghahangad ng kalinawan sa problema ng pamilya.
Nakapasok na silang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng attic at may pumasok na ibang tao.
At nagpalinga-linga ito na parang may hinahanap.
Samantala.
Lumabas na ang tatlong bata sa lumang tunnel. At agad na pinuntahan ang bahay Ampunan.
Ngunit pagpunta nila ay wala na ang bahay ampunan, nawasak na ito.
Kung nasaan duon sila unang pumunta sa kanilang unang dating dito.
Naglibot sila at nakita nila ang matagal ng kinasasabikan ng lahat ang kanilang bahay.
Nakita nila na lumabas ang kanilang mama at ito'y buntis. Kasunod naman ang dalawang batang babae na masayang naglalaro at tumatakbo palabas ng kanilang bahay.
Napatulala lamang ang tatlong bata habang pinagmamasdan ang mga eksina.
Naluluhang pinupunasan ni jay ang kanyang luha at tumakbo sa kanyang mama.
Kahit alam naman nya na hindi sya makakayakap dito dahil lumulusot lamang sila sa panahon ito.
"Mama!" Ang tangis ni jay at umiiyak sa kanyang mama.
Nakita nila na natumba ang Isang batang babae na kamukha ni Vickie.
"Ahhhhaah!" Iyak ni Vickie na agad na pinuntahan ng kanilang mama.
Anong nanyari mahal ko?" Tanong ng kanilang mama.
Na sumagot agad ang batang Melissa na nadapa si Vickie dahil sa kakatakbo.
"Tahan na anak!" Mamaya ay nandito na ang inyong ama.
Masayang sabi ng kanilang mama at sumaya na ang lahat habang excited na sa kanilang ama na uuwi galing sa kanyang trabaho.
Dahil Isang mangingisda ang kanilang ama at simpleng may bahay lang ang kanilang mama.
Kahit sa simpleng buhay lang sila pinalaki ay mayamang naman sa pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Maya-maya ay dumating na ang kanilang ama.
Nagtakbuhan ang dalawang bata dahil nag- uunahan sila para yumakap sa kanilang ama.
Nakita ng tatlong bata ang nagaganap at mas lalung umiiyak si jay dahil nakita nya ang kanilang ama.
Kaya tumakbo rin si jay para yumakap din sa kanilang ama.
Nakalapit na si jay sa kanyang ama na yumayakap sa dalawang bata.
At duon umiiyak dahil hindi nya ito, mayakap-yakap. Kaya nilapitan na lamang ni Melissa at Vickie si jay na umiiyak at niyakap na lamang nila ito.
Nang maya-maya ay may dumating na karwahe at tumigil ito sa kanilang bahay.
Bumababa ang Isang lalaki.
Nabigla ang lahat ng ito'y dumating dahil ilang taon na itong di nagpapakita sa kanila.
"Kuya Arturo?" Tanging sambit ng kanilang mama.
Lumabas sa karwahe si Arturo at pinuntahan si Laura.
Sumisigaw ito sa galit.
"Bakit mo? Pinabigay ang lupang minana mo sa ating mga magulang?" Tanong ni Arturo sa kanyang kapatid.
"Kuya ang lupang iyun ay bukas sa loob ko, na ipamahagi sa mga taong walang lupa at naghihirap!." Sabi ng kanilang mama na kinakarga ang batang si Vickie.
Nakatingin naman ang batang Melissa ngunit napakabata pa nito.
At ngayon lang nila nakita ang kanilang Tito Arturo.
Kaya di tumatak sa kanila ang mukha ng kanilang Tito Arturo.
Alam mo ba na pinaglalaban ko, ang lupang iyun sa ating attorney na kinamkam ang ibang yaman ng ating mga magulang.
At ang lupang napaglibingan ng ating mga magulang ay syang kaisa-isang minana mo.!" Ang kanyang sigaw.
"Kuya Hindi ko na kailangang ang lupang iyun. Masaya na ako sa buhay kung ito.
"Kasama ang mga anak ko na iyung pamangkin!" Sabay lumapit sa si Laura sa kanyang kapatid ang at pinalapit nito ang dalawang bata sa kanilang Tito Arturo.
"Kahit ano pang sabihin mo ay hindi ko ibibigay ang lupang iyun dahil sa'yo iyun. At sa mga taong nais tayung paghirapan."
At tumalikod na lamang ito at sumakay muli sa kanyang karwahe.