Chapter 13.

1153 Words
Habang naghihintay sila ng tamang oras para pumunta sa attic. "Ate Melissa bakit kaya hindi alam ni Karl kung nasaan nakalibing ang kanyang ina?" Pagtatanong ni Vickie sa akin. "Hindi ko rin alam Vickie si Tito Arturo lang ang makakasagot ng lahat na nangyayari dito sa kanyang Mansion!" Iyun lang ang nasabi ko sa kanya dahil ako mismo ay nalilito rin kung bakit hindi alam ni Karl kung nasaan ang libingan ng kanyang Ina. "Oras na" at naghanda na kami para pumunta sa attic. Naglalakad kami sa hallway ng may naramdaman akong may taong sumunod sa amin. Kaya napalingon ako sa likod ko kung sino ang sumusunod sa amin. Paglingon ko ay wala naman akong makitang tao kaya nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa attic at binuksan ang pinto. Itinaas ko ang dala kung lampara para makita ang loob ng kwarto pumasok na kami at nagtungo na sa likod ng kabinet. Excited na kaming pumasok sa attic ng biglang bumakas ang pinto ng attic. "Bakit kayo nandito?" Sigaw ni Tito Arturo sa amin. Kaya bigla kaming umulis sa pinto at pumunta kay Tito na may hawak na lampara. "Anong ginagawa nyo dito?" Nagtatakang tanong nya sa amin. "Ahh!, Nag ha..hanap po kami ng libro Tito Arturo!" Kinakabahan kong sagot kay Tito Arturo. Habang sya ay tumitingin sa loob ng attic. "Alam nyo bang gabi na at lumabas pa kayo sa inyong mga kwarto at maghanap ng libro sa ganitong oras." Na pwedeng ipabukas nyo na lang ang paghahanap ng mga libro!" Sabi nya sa amin. "Lumabas na kayo! at sasamahan ko kayong pumasok sa kwarto nyo!" Sabi nya habang naghihintay sa amin sa labas. "Opo Tito!" Sabay namin sagot sa kanya. Sinamahan kami ni Tito Arturo na bumalik sa aming kwarto. "Matulog kayo ng maaga dahil may pupuntahan tayo bukas." Utos ni Tito Arturo sa amin. "Opo Tito, saan po tayo pupunta bukas? Tanong ni Melissa. "Bukas nyo na lang malalaman, matulog na kayo" at sabay na isinara ang pinto. Humiga na kami sa amin kama at dito na natulog si Vickie sa amin dahil ayaw na nya'ng lumabas pa at pumunta sa kanyang kwarto. "Ate saan kaya tayo pupunta?" Tanong ni Vickie sa akin. "Ewan ko rin Vickie Wala rin akong alam kung saan tayo pupunta bukas!" Ang mahinang sagot ng dalaga. Hanggang sa nakatulog na ang tatlo sa kakaisip kung saan sila pupunta bukas. Maaga silang gumising at naghanda para kanilang pupuntahan. Naghanda sila ng mga pagkain at inumin at inilagay sa basket habang masayang nag kukwentuhan kung saan sila pupunta. Nang matapos na silang mag-ayos ay lumabas na sila ng mansion at sumakay sa karwahe. "Tito Arturo saan po tayo pupunta? Pagtatanong ni Melissa habang nasa tabi nya si Vickie at jay. Habang sa harapan nila ay ang kanilang Tito Arturo na tumitingin sa labas ng karwahe. "Pupunta tayo sa himlayan ng aking mga magulang na inyong mga Lolo at Lola." Ang mahina nyan sabi habang patuloy na nakatingin sa labas. "Talaga po, Tito Arturo? Pupunta tayo sa kanila?" Ang pagtatanong ni jay kay Tito Arturo. "Oo, dahil matagal ng hindi kami nakakapunta ni Karl sa libangan ni mama at papa at kayo rin na mga apo nila!" Habang ng pabuntong hininga. Kaya tahimik kami sa karwahe hanggang sa dumating kami sa libangan ng aming mga Lola't Lolo. Dumating kami sa kakahuyan at pinababa na kami ni Tito Arturo at sumunod kami sa kanya. Naunang naglakad si Tito Arturo at Karl na magkahawak kamay na sinusundan namin tatlo. Pumasok kami sa kakahuyan habang magkahawak kami ng kamay nina jay at Vickie. Hindi kami nag-uusap dahil nakakatakot ang aming dinadaanan papunta sa libangan. Maraming mga puno na wala ng buhay at kung ikaw lang mag- Isa na pupunta o makakapunta ay maliligaw ka o di kaya'y matatakot. Dahil nagiging liblib na ang lugar na dinadaanan namin patungo sa libingan. Mahaba-haba na rin ang nilalakad namin, ng may unti-unti na kaming na naaaninag na liwanag. Dahil nagiging madilim ang nilalakaran namin dahil sa mga puno na matataas na nakapalibit sa lugar. Kaya ng lumabas na kami kung saan ang liwanag na amin nakikita ay ibang - iba sa kaninang nilalakaran namin. Napakaganda at napakaaliwalas ng lugar, Napakalapad ng lupang puno ng mga bulaklak. Nang makalabas kami ay biglang tumakbo si Karl at hinawakan bigla ang mga kamay ni jay. Sabay silang tumakbo kung saan may nakatayong pigura sa malayo. Kaya napapangiti lang kami ni Vickie dahil ang saya ng mga bata habang tumatakbo patungo duon. Nang magsalita si Tito Arturo na. Ang nilalakaran natin hanggang dito ay lupa ng inyong Ina. Napanganga kami sa narinig mula kay Tito Arturo. Napakahaba ng amin nilalakaran at itong lupang aming nakikita ay lupa ni mama. "Lupa po ito ni Mama, Tito Arturo?" Tanong ni Vickie. "Oo, minana nya ito sa aming mama at papa" sagot ni Tito at pumitas ng mga bulaklak. Kaya pumitas din kaming dalawa ni Vickie habang naglalakad. Malayo pa kami sa puntod ng aming lolo at Lola kung saan nanduon na sina jay at Karl na naghihintay sa amin. Habang papunta kami sa libingan ng amin Lolo ay natatanaw ko, ang tahanan ni Tito Arturo malapit pala ito sa bangin. Kung saan matatanaw mo ang kabuuan ng siyudad. Inuutusan kami ni Tito na ilatag ang mga dala namin mga tela sa harap ng libingan. Dalawa kami ni Vickie ang naglalatag ng tela at sina jay at Karl ay masayang nagtatakbuhan. "Jay, Karl halikayo rito! At lumuhod kayo sa harap ng puntod." Sabi ni Tito Arturo sa dalawang bata. "Opo pa, Opo Tito" sabay sagot nina jay at Karl at lumapit na sila sa amin. Lumuhod kami sa puntod at nagbigay ng panalangin sa aming namayapang mga mahal sa buhay. Nang matapos ay pinalabas ni Tito sa amin ang mga pagkain na dinala namin kanina. Masaya kaming kumain at kinukwentuhan kami ni Tito Arturo tungkol sa amin mga Lolo at Lola. "Ang inyong mga Lolo at Lola ay Isa sa mayamang mga taong nakatira dito sa Esmeralda." "Lahat ng mga taong nakatira dito ay kilala ang inyong Lolo at Lola na isang mapagkawanggawa. Lalung-lalo na sa bahay ampunan ng San Francisco." "Kung saan kayo nakatira, Melissa." Mahabang kwento ni Tito Arturo sa amin. "Hindi po ito sinasabi sa amin ni mama, Tito Arturo!" tanong ni Melissa. Ngunit may nalalaman na ang dalaga kung bakit hindi sinasabi ng kanyang Mama ang mga ganitong bagay sa kanila. "Malapit ng dumilim ang paligid, kailangang na natin umuwi bago pa tayo maabutan ng ulan dito." At tumayo si Arturo. Tinawag nya ang kanyang anak na si Karl para magpaalam sa puntod ng kanyang mga magulang. Kaya nagsimula na lamang sina Melissa at Vickie na magligpit ng kanilang kinainan. Nagmadali na silang magligpit dahil dumidilim na ang kabilang parte ng bundok. Kaya ng matapos na silang magpaalam ay nagmadali na silang naglakad palabas sa libingan. Malapit na silang makalabas ng magsimula ng umulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD