Umalis ang kanilang Tito Arturo na dala ang hinanakit sa kapatid dahil noon pa man ay may ingit na syang nararamdaman kay Ricardo kahit na anak sya ng kanyang mga magulang at nasa kanya na ang lahat ay naiingit sya sa pagmamahal ng kanyang pamilya kay Ricardo.
Dahil palaging pinupuntahan ng mag-asawa ang bahay ampunan at dinadalhan ng mga regalo o ano mang bagay na makapagpapasaya sa mga bata lalung-lalo na kay Ricardo.
Kaya ng araw na pumunta ang mag-asawa sa bahay ampunan ay na aksidenti ang kanilang sinasakyan karwahi at namatay ang mga ito.
Naiwan ang magkapatid at napilitan si Arturo na tumayong magulang sa kanyang nakababatang kapatid na si Laura.
Kaya ng nalaman nyang buntis ito ay hindi nya napigilan ang kanyang sarili na sampalin at bumitaw ng mga masasakit na salita sa kanyang kapatid at makapaghihiwalay sa kanilang dalawa.
Ang gusto nya lamang ay gumanda ang buhay ng kapatid at ayaw nyang makatuluyang ni Laura si Ricardo na syang kanyang isinisisi sa pagkamatay ng kanilang magulang.
Kaya umuwi si Arturo na masama ang loob sa kanyang kapatid at pinangako sa sarili na puputulin na nya ang kanilang ugnayan.
************
Melissa (pov)
Nang umalis si Tito Arturo ay naiwan sina papa at mama na nagyayakapan sa buhangin at maya-maya nagsalita si papa kay mama.
Magpapakasal tayo Laura sa lalong madaling panahon! Ayaw ko na lumaki ang iyun tyan na hindi pa tayo kasal!" Sabi ni papa kay mama.
"Oo, Ricardo handa ako magpakasal sa'yo" sagot ni mama.
Masaya ang mga bata ng makita nilang nagkaayaan nang magpakasal ang kanilang magulang.
Ngumingiti silang tatlo habang pinapanood ang nanyayari sa kanilang magulang nang bigla silang nahigop ng kung anong bagay.
Hindi ito ang unang nanyari sa kanila dahil noon una nilang pagpunta dito ay ganoong din ang nanyari.
Kaya alam na nila na babalik sila sa mansion ng kanilang Tito Arturo.
*******
Unang nagising si Melissa at naalala nya ang mga pangyayari sa kanilang napuntahan magkakapatid at masaya sya na nakita muli ang kanyang mga magulang.
Maya-maya ay pumasok si Vickie at napa-upo ito sa kama at niyakap ang kapatid.
"Ate!, Ang ganda talaga ni mama sa tagal nyang nawala sa atin ay unti-unti ko nang nakalimutan ang kanyang mukha!" Naiiyak nyan sabi sa akin.
"Tumahan na Vickie, malulungkot si mama kapag nakikita nya tayong umiiyak." Ang pagtatahan ko kay Vickie.
Nagising si jay at bigla nyang hinanap si mama at kung nasaan na sya.
" Huwag kang mag-alala jay! nandito lang kami sa tabi mo, kahit wala na si mama at papa ay nandito kami ng ate Vickie mo" sabi ko kay jay habang pinupunasan ang kanyang luha.
Biglang may narinig silang nagkakagulo sa labas ng kanilang kwarto kaya binuksan nila ang pinto at lumabas para tignan kung ano ang nanyayari ng biglang may narinig silang sigaw na nangaling sa opisina.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina at lumabas si karl na umiiyak habang nagpupunas ng kanyang luha.