"Arturo!, Pinapangako ko sa'yo na mamahalin ko si Laura!" Sabi ni papa Ricardo Kay Tito Arturo.
"Anong mamahalin sinasabi mo?" Wala kang may pagmamalaki sa akin at kay Laura ng dahil sa'yo namatay ang aming mga magulang sa pagpupunta dito sa bahay ampunan." Habang sinusuntok si Ricardo.
"Kaya ngayon ang aking kapatid ang kukunin mo sa akin!" Sigaw ni Arturo Kay Ricardo habang walang tigil ang kanyang suntok.
++++++++
Samantala,
"Ate!!ate!, Tulungan natin si papa binubogbog sya ni Tito Arturo ohh!"ang naiiyak na sabi ni Jay.
Gusto ko na sanang lumapit dahil naawa ako Kay papa sa mga pinaggagawa ni Tito sa kanya.
Ng makita ko na tumatakbo ang aking kapatid na si jay at pinuntahan si Tito Arturo at pinagsusuntok sa paa.
Kaso walang nanyari at para kaming mga hangin sa mundong ito.
Kaya pinuntahan ko na si jay at niyakap habang umiiyak.
"Tama na jay at wala tayong magagawa dahil ito ay nakaraan na sa kanila at tayo mga anak ni Papa ang makakasaksi sa kanyang pinagdadaanan sa kamay ni Tito Arturo!" Naiiyak kong sabi.
"Ate pinagilan mo Sila! Ahhhhaahh!!"Ang sigaw ng kapatid ko.
Nakita namin na inawat ni mama si Tito pinapalayo nya ito kay papa.
"Arturo maawa ka sa akin, buntis ako at magpapakasal kami ni Ricardo." Ang naiiyak na sabi ni mama kay Tito.
Kaya napatingin si Tito sa kanya at sinampal.
"Wala kang utang na loob at nagawa mo ito sa akin, ako ang gumabay sayo dahil namatay ang ating mga magulang." Ang hinanakit ni Tito kay mama.
"Ibinigay ko ang buhay ko na ipagpatuloy ang negosyo at gabayan ka sa paglaki! At ito ang igaganti mo sa akin!" Sigaw ni Tito sa kanya.
"Arturo patawarin mo ako!" Pero mahal na mahal ko Ricardo kahit mga bata pa tayo mahal ko na sya!" Ang pagsusumamo ni mama kay Tito.
"Kapag sumama ka sa kanya ay wala kang mamanahin kahit Isang pirasong pera at Kalimutan mo narin ako na iyung kapatid!" Galit nyang sabi ni Tito at tumalikod sa dalawa.
Kaya naiwan ang dalawa sa buhangin at nagyakapan.
"Mahal na mahal kita Laura!" Ang madamdamin Sabi ni papa kay mama.
"Mahal din kita Ricardo" naiiyak sa Sabi ni mama kay papa habang nagyayakapan sa isat-isa.
At kaming tatlo ay yumakap sa kanila kahit para kaming mga hangin na lumulusot sa kanilang dalawa.