Chapter 9.

585 Words
Nang bumalik na sila sa lamesa ay pinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain hanggang sa matapos at habang naglalakad sila patungo sa kanilang kwarto ay nagsalita si Karl. "Natatakot ako kay papa ate Melissa!, Nakakatakot si papa" wika ni Karl sa kanyang papa. Nang biglang sumulpot si Tito Arturo sa amin at tinawag si Karl na sumama sa kanya sa opisina. Kaya sumama si Karl sa kanyang papa habang nakayuko at nanginginig sa takot. Nang pumasok na sa opisina si Tito ay pumunta kami sa amin kwarto at nagpahinga. "Ate Melissa pwede na ba tayo pumunta sa attic?" Pagtatanong ni jay kay Melissa. "Mamaya pa!. Kapag tahimik na ang lahat."Sabi ni Melissa sa kanyang kapatid. May Isang oras din sila naghintay sa kanilang kwarto. "Tayo na." Utos ni Melissa sa kanyang mga kapatid. Nagsihanda na sila at dinala na ang kanilang lampara. Habang papunta sila sa attic ay kinakabahan silang tatlo habang naglalakad patungo sa attic. Nang mabuksan na nila ang pinto ng attic ay napakadilim kaya itinaas na ni Melissa ang dalang lampara para makita ang loob ng kwarto at tinungo ang pinto sa likod ng kabinet. At ng binuksan nila ang pinto ay napakalamig kaya pinatay na nila ang lampara at nilagay sa kilid ng kabinet. Pumasok na silang tatlo at bumungad sa kanila ang magandang tanawin ng kanilang lugar. "Ate!, Gusto kong maligo sa dagat na mi-miss ko na ang paglalaro sa buhangin!" Sabi ni jay sa kanila. "Ako din ate!" Pagsang-ayon ni Vickie. "Oh!, Sige pumunta tayo doon basta bat hindi tayo magtatagal ha!" Sabi ni Melissa sa kanyang mga kapatid. Habang naglalakad sila patungo sa dagat at nagku-kulitan ng may nakita silang dalawang tao na nagyayakapan sa tabi ng dagat. Kaya napahinto sila at napatingin sa dalawang tao dahil na mumukhaan nila ang dalawang taong nagyayakapan. Ang kanilang papa at mama tatakbo na sana sila kaso ay may nakita silang lalaking papalapit at biglang sinuntok ang kanilang papa. Kaya ito ay napahiga at sinuntok ulit ng lalaki ang kanilang papa kaya hinarangan ito ng kanilang mama. "Arturo Tama!, Hindi mo na kami mapaghihiwalay pa mahal namin ang isat-isa!" Sabi ng kanilang Ina. Si Tito Arturo pala ang lalaking sumusuntok sa kanilang ama. "Ate bat malalaki na Sila at hindi na mga bata?" Pagtatanong ni Vickie. "Hindi ko din alam Vickie" pati nga sya ay naguguluhan sa mga nangyayari. Ang akala pa nila ay babalik Sila na mga bata pa ang kanilang mga magulang at Tito ngayong ay mga dalaga na at binata. Tahimik lang sila na nanonood sa kaganapan ng kanilang pamilya. "Arturo Tama!, Ibibigay ko sayo ang mana at mga ari-arian ng pamilya Basta hayaan mo na ako sa taong mahal ko!" Nagmamakaawa ang kanilang Ina sa kanilang Tito Arturo. "Hindi ka sasama jan sa taon iyan dahil hampas lupa nyan!" Dahil may ipapakasundo sayo Isang mayamang tao na naninirahan sa ibang bansa!" Sabi ng kanilang Tito Arturo. "Hindi ako magpapakasal kahit sino pa ang ipapakasundo mo sa akin Arturo kung buhay lang Sina mama at papa ay ayaw nilang gawin mo ito sa akin." Ang hinaing ng kanilang Ina. "Wala kang magagawa dahil ako ang iyung kapatid at ako ang nangangalaga sayo." Sabi ni Tito Arturo sa kanilang Ina. "Maawa ka sa akin Arturo!, Kapatid mo ako sana pagbigyan mo ang aking hiling na hayaan mo na akong mamuhay sa taong mahal ko!" Ang naiiyak na sabi ng kanilang Ina. Naiiyak ang tatlong bata habang sila ay nanood sa nanyayari sa kanilang mga magulang at sa Tito Arturo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD