NAYA MALIA Lumipas ang mga araw, linggo at buwan... wala nang Fabian ang nanggulo pa sa akin, kaya dapat masaya ako, higit payaba ang kalooban ko dahil mukang tuluyan na niya akong... Huminga ako ng malalim habang may nakasalang ako sa oven, and yes I am now a full time baker. Perfect spot ang location ng city, daanan ng mga tao kaya mabilis nadiskubre ang bagong tayong bakery ko. Naging maganda naman ang simula ko at mag-iisang buwan na nang sinimulan ko ang negosyo kong pastry shop, isang buwan na rin simula nang hindi na siya magparamdam pa sa akin... At hindi ko na dapat siya iniisip, kasi nga masaya na ako na wala na siya sa buhay ko, oo totoong masaya ako. Muli na lang akong napahinga ng malalim at tumingin sa kawalan nang napatingin ako sa labas ng baking room sa may counter s

