NAYA MALIA Yakap ko ang dalawa kong tuhod habang nakaupo sa malamig na sahig ng banyo sa ilalim ng maliliit na patak ng tubig na panay ang daloy mag-mula sa aking mukha pababa sa hubad kong katawan at kasabay nito ang walang tigil din na pag-daloy sa ng luha sa magkabila kong pisngi. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito, tuliro ang isip ko. Para na akong mababaliw… Wala si Fabian at umalis din ito matapos ng kahindik-hindik niyang ginawa matapos ipalinis ang salas. At tulad ko tulala rin si Mommy na lumabas ng bahay nang pagbigyan niya ako na wag na itong idamay at gawan pa ng masama, and there, she just spare her. Mariin akong napapikit, ni lamig hindi ako makaramdam hanggang sa dumako ang tingin ko sa bathtub na ngayon ay apaw na ang tubig. Ngumiti ako. I am so tired wit

