NAYA MALIA "I'll go to the comfort room excuse me," I excused myself immediately hindi ako makahinga at nauna na akong umalis sa harapan ni Fabian na nakatingin lang sa akin. Hindi ko na hinintay pa na lalo niya akong ipahiya in front of those gentlemen. Inaamin kong kasalanan ko, ano ba kasing pinaggagawa ko? Para akong nawawala sa sarili kanina, hindi dapat ako maging apektado pero naninikip ang dibdib ko. Mabibigat ang naging bawat paghakbang ko na may kabilisan kulang na lang tumakbo ako papalayo sa mga kalalakihan dahil sa labis na hiya sa kanila. Nakakahiya ka, Naya. Nakakahiya ka. Nagtanong ako sa isa sa mga servant kung saan ang comfort room at itinuro sa akin, dali-dali naman ako nag-tungo dito at pumasok at itinuon ang mga kamay sa sink. Humarap ako sa salamin at kitang-ki

