NAYA MALIA Nilibot ko ng tingin ang kabuan ng magiging bago kong bahay, maganda, katamtaman lang ang laki, at maaliwalas. May mga tao akong kasama na nagpapasok ng mga gamit ko at ng mga gamit sa bahay mga bago na si Warren ang personal na bumili. Sinabi ko na sa kanya wag na at mabilis namang makasadya kapag may sarili na akong kita pero ayaw pumayag, kailan pa raw iyon. Kaya napa-iling na lang ako habang ipinapasok nila ang mga naglalakihan gamit. Si Vicente hindi na sumama, pupunta na lang daw siya kapag balak niya na akong bisitahin, pero duda ako, because I know he's still hurt but I am happy that we're both okay before we seperate ways. Himalang hindi naman nanggagambala si Fabian pero sana nga ay wag na para tahimik na ang buhay ko. Huminga na lang ako ng malalim at dumako s

