NAYA MALIA Tumayo rin siya agad at sa inis ko ay itunulak ko na siya palabas ng kwarto habang pulang-pula ang mukha. "Umalis ka na!" Sabay hawak ko sa door knob at huli kong nakita ang nakangising mukha niya nang pasalampak kong isinara ang pinto sabay lock! Nag-tungo ako sa kama at naupo sa gilid nito at yumuko na lang ako habang ang magkabilang bisig ko ipinatanong ko sa magkabila kong hita at tinakpan ng kamay ang mukha at napahilamos. Tumayo rin ako at nag-tungo sa closet ko, kumuha ng pares ng pajama, halos natuyo na rin ako kanina kaya mabilis lang rin akong nag-bihis at paspasan baka bigla pa siyang pumasok! Kalilipat ko lang ng bago kong bahay pero heto siya at grabeng purwisyo at pangaabala ang ginagawa niya sa akin! Kaya sana lang umalis na siya. Tiningnan ko sa wall clock

