NAYA MALIA "I heard what happened yesterday, Fabian came here?" saad na may tanong ni Don Patrio habang hawak ang tungkod at kaharap ako ito nang ipatawag niya ako sa study room. Tanging kami lang dalawa at hiniling nitong sarilinan akong makausap. Sa isang buong taon na pananatili ko rito, ngayon lang siya umimik sa akin. Dahil noon, parati siyang nakasinghal at hindi ako pinapansin sa tuwing makikita niya ako pero ngayon himalang gusto niya akong makausap. Kahapon ng umaga pumarito si Fabian at wala pala sila mag-asawa dahil may out of town sila at inasikasong negosyo kaya buong araw silang wala ngayon lang umuwi na halos pagabi na rin. Yumuko ako habang tuwid na nakaupo at tumango. "Opo, Don..." mahinahon kong sagot. "I see." Tumango-tango siya. "Didiretsuhin na kita, alam mo nam

