NAYA MALIA "Vicente," tawag ko sa pangalan niya nang lumabas ako ng hardin at nakitang malayo ang tingin niya. Nakaupo siya sa isang silya ng lamesa, hindi siya kumibo kahit narinig na niya ang boses ko. Kaya huminga ako ng malalim at nagpakawala ng marahas na hangin, lumapit ako sa kanya at tumigil sa gilid niya. Tumingin ako kung saan siya nakatingin, sa kawalan. Naiintindihan ko kung bakit masama ang loob niya pero kailangan niya rin maintindihan. "I know you're mad about my selfish decision," I said with a hard breath but I still continue. "But this is not just for me, but for all of the people around me." Hindi pa rin siya nagsalita kaya mariin akong napapikit. Sinasabi ko na nga ba sa kanya ako mahihirapan. Kita ko ang pag-igting ng panga niya saka siya sumulyap sa akin. "Why

