"Aihmiel?" Ito na naman siya. Pinikit ko nang madiin ang mata ko at palihim na huminga nang malalim bago tumingin sa kanya.
I needed to survive this.
"O-Oh?" Punyemas. Letse. Peste. Ba't ba ako nagkakaganito? Was this what you called awkwardness-at-its-finest disease? Damn! What a bother! Nakakainis talaga 'tong element na 'to. Tuwing mapapatingin ako sa kanya, para akong nawawala sa sarili ko. 'Yong feeling na lumilipad 'yong utak mo sa kung saan.
I wasn't like this! I was certain that Yttrium has something to do with this! Kapag nalaman ko 'yon, humanda talaga siyang element siya sa'kin. Hindi niya ako matatakasan. I'd find him even on the end of the world!
"Kanina ka pa d'yan tulala. Sabi ni ma'am, pwede raw munang magrecess." Tiningnan ko 'yong mga news na ine-edit namin at napahinga nang malalim.
But for now, kailangan ko muna siyang i-ignore. For starters, I still needed to have a good name. For the world, that was it. I'd pursue my dreams first.
Then, I would make a decision for myself alone. Iyong para sa'kin talaga at sasaya ako. Soon enough.
"Sige lang. Hindi ako magre-recess." Kinuha ko 'yong ballpen ko at nagsimula nang basahin 'yong news kung may grammatical mistakes ba, typographical errors, hindi naka-indent, walang tuldok and whatever.
First step was definitely hard, though.
I said it myself. This was just a first step. There was still more and more path to be walked. I couldn't ran away... I already started it.
Napabuntong hininga rin siya. "Hindi ka talaga magre-recess? Sige ka, wala ka niyang mai-edit nang maayos. Hindi ka niyan mananalo." Huminto ako sa pagbabasa at umiling. Ba't ba ang kulit ng isang 'to? Seeing him being persistent like this... it ticked me off.
"Ayoko nga. Kung gusto mo, ikaw na lang." Bumuka 'yong bibig niya pero inunahan ko na siya. "Kapag nagsalita ka pa, papasakan ko na 'yang bibig mo ng typewriting." Sumara rin agad iyong bibig niya at nagkibit-balikat na lang.
"Bahala ka." Tumayo na siya sa upuan niya at umalis na.
I let out a deep sigh. Buti naman at hindi na naging matigas ang ulo niya.
Sa Wednesday na 'yong contest namin. Dumukdok ako sa table at pumikit. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi naman ito ang una kong contest, well, ngayong year ito ang una. Hindi na rin naman ako bago sa copy reading, mula Grade 7 ay ito na talaga ang sinasalihan ko at masasabi kong bihasa na ako rito. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.
Marami kasing nag-e-expect sa'kin. Kapag maraming nag-e-expect, asahan mo na rin na maraming madi-disappoint. Magkadugtong ang dalawang 'yon. Ang hirap din minsan kapag masyado kang matalino at palasali sa contest.
Lagi kasi silang nakaasa na lagi kang panalo. Tapos kapag natalo ka, nakakahiya pa. Iyong parang disappointed na disappointed sila sa'yo. Hindi nila sinasabi 'yon pero ramdam ko.
Pero si mama... Lagi niyang sinasabi na hindi ako magaling. Hindi ako matalino. Kahit gaano kataas ang grade ko, kahit ilang contest ang maipanalo ko... gano'n pa rin. Walang nagbabago.
Bata pa lang ako, mulat na ako sa mga ganitong bagay. Kailangang number one ako lagi. Kailangang walang mas magaling sa'kin. Ako dapat ang laging nasa taas at tinitingala.
Kaya nga siguro galit ako kay Yttrium.
Ang dali niyang nakukuha lahat ng gusto ko. I envy him. For a longer time... until now.
Napadilat na ako at umayos ng upo.
Nagulat ako nang makita ko siya sa harap ko na nakaupo na at nakangiti. Napailing na lang ako. Walang mata.
"Gusto mo?" Inabot niya sa'kin iyong isang sandwich na hawak niya. Umiling ako at bahagyang winagayway ang kamay ko.
"No, thanks." Pero kinuha niya 'yong kamay ko at nilagay roon 'yong sandwich.
"Kumain ka, baka mangangayat ka n'yan." Tiningnan ko 'yong sandwich sa kamay ko. Bakit niya ginagawa 'to? Hindi naman kami magkaibigan. Bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Anong paki mo?" Walang ganang tanong ko at kinagatan 'yong sandwich. Ngumiti lang siya sa'kin. "H'wag kang ngumiti, dudukutin ko 'yang singkit mong mata." Pero nanatili pa rin siyang nakangiti. Seriously, what was he trying to do?
"Ang cute mo." Bigla kong naibuga sa kanya iyong kinakain ko dahil sa biglaan niya ring pagsasalita... ng isang bagay na dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko. Disgusting. "Yuck naman, Aihmiel! Binigyan na nga kita ng pagkain, dinumihan mo pa 'yong polo ko." Pinunasan niya ng panyo 'yong tumalsik sa kanyang sandwich.
"Kung anu-ano kasi 'yong sinasabi mo!" Asik ko sa kanya.
"Ano bang sinabi ko?" Inosente niyang tanong habang nagpupunas pa rin.
"Sabi mo kasi... c-cute ako." Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kasabay ng pag-iwas ko ng tingin sa kanya. Damn. Namumula ba ako? It couldn't be! For grade's sake, it couldn't be!
Tiningnan niya ako. "Cute ka naman talaga." How could he say that with a straight face?! I couldn't believe him! Binigyan niya ako ng mineral water na tinanggap ko rin naman.
"Thanks..." He just nodded.
Hinayaan ko na lang. Wala lang siguro sa kanya 'yon. Tss! Knowing this damn smart as monster with little eyes, normal lang sa kanya ang pagcompliment sa mga babae.
Sinagutan na lang namin ulit 'yong mga sample news. Minsan nagpapalitan rin kami ng idea kung paano ang gagawin naming title.
Dapat kasi catchy ang title. Kailangan, unang tingin pa lang ng mga mambabasa, magkaka-interes na sila dahil sa title.
Malaki rin ang impact nito sa magiging score namin.
Inaamin ko, magaling gumawa ng title si Yttrium kaya minsan ay nagpapatulong ako sa kanya pero hindi naman lagi.
Ayokong masanay, hindi naman siya laging nasa tabi ko. Saka kaaway ko siya at hindi kaibigan. Wala akong intesyon na maging dependent sa kanya.
Napahinto na lang ako sa pagsusulat ng mga candidate para sa title no'ng tumunog ang bell. Lunch na. Ang bilis ng oras. Nakita ko 'yong mga kasama namin sa journalism na palapit sa'min.
"Hindi pa kayo maglu-lunch, ate?" Tanong ni Princess Ai sa'min. Ngumiti ako at umiling.
"Mamaya-maya na lang, tatapusin ko muna 'to. Hindi pa ako nakakapagdecide ng magandang title, e." Tumango siya.
"Uhm, sige po. Tara na, Sharrish." Umalis na sila no'ng kaklase niya. Nagsimula na ulit akong mag-isip ng mas better na title.
Palpak lahat ang naiisip ko. Parang may kulang at lagi akong may hinahanap.
"Mamaya na 'yan." Ramdam ko ang pagtayo niya.
"H'wag mo nga akong kausapin. Nag-iisip ako." Inis kong sabi sa kanya nang hindi siya tinitingnan.
Magsusulat pa lang ulit ako ay hinablot niya na sa'kin ang sample news paper at tinaas kaya s*******n akong napatingin sa kanya.
What a bothersome...
"Hindi ko sa'yo 'to bibigay kapag hindi ka naglunch." Napakibit-balikat ako.
"E 'di wag. Mayro'n pa namang iba." Kinuha ko sa bag ko 'yong ibang sample news at sinimulang i-edit.
Sakit pa rin siya sa ulo. Kung kailan nakakapag-isip na ako ng magandang title doon para sa isang news, saka pa talaga siya umeksena.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero binaliwala ko lang. "Bahala ka nga d'yan..." May ilan pa siyang binulong kaya inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya.
"What?" I irritatedly asked.
"Wala. Sabi ko ang pangit mo. Airport." Patayo pa lang ako para sipain siya pero tumakbo na palabas ng library ang pesteng element na 'yon. Buti na lang at umalis 'yong librarian kundi napagalitan at nasigawan na siya no'n.
Inayos ko 'yong bangs ko at umihip ng hangin.
Pangit daw ako? Sabi niya kanina, cute ako. Tapos ngayon, pangit ako? Ang g**o talaga ng element na 'yon.
Tiningnan ko 'yong ine-edit ko na sample news. Maybe, I should really have my lunch first. Inayos ko saglit 'yong gamit ko at nilagay sa bag. Pagkatapos ay lumabas na ako ng library.
Pagdating ko sa cafeteria, imbis na upuan at table ang hanapin ko ay si Yttrium agad ang hinanap ng mata ko pero... wala akong nakitang element. Nasaan kaya 'yon?
Sabi niya, maglu-lunch lang daw siya.
Ewan ko sa kanya. Ang g**o niya talaga kahit kailan. Baka nasa field na naman 'yon... busy sa pagpi-pitch niya. Umorder na lang ako at umupo na roon sa nakita kong bakanteng upuan.
"Hi." Inangat ko ang tingin ko at nakita si Kuya Aiden. Grade 12 student din. Editorial cartooning siya. Magaling magdrawing, syempre, kaya idol na idol ko si kuya tapos idagdag mo pa 'yong cute niyang mukha.
"Hi po," nakangiti ko ring bati.
For a minute, pakiramdam ko ay nagtaksil ako kay Kuya Paolo. Hindi ito maaari.
"Pwedeng makiupo?" Tumango lang ako at tipid na ngumiti. "Shy type ka pala, 'no?" Pabiro niyang sabi.
"Hindi naman po... hehe..." Ghad! Kahit na ilang beses akong inasar ni element ngayon, walang-wala 'yon dahil nakasama kong kumain ng lunch si kuya ngayon.
No to ka-grade tayo, yes to kuya!
"Crush mo si Yttrium?" What? What, what? Napamaang ako sa tanong niya at saka mabilis na umiling. Ano ba namang tanong 'yan, nakakasuka.
Tuwing gaganda talaga ang buhay ko, lagi na lang sumisingit 'yang si Yttrium!
"Hindi po, ah. Hindi ko 'yon magiging crush. Never," Diniinan ko 'yong huli kong sinabi para dama.
He chuckled. "Alam mo ba na lahat ng nagsasabi na hindi nila magiging crush ang isa tao ay nakakatuluyan nila sa huli 'yong taong 'yon?"
I stopped thinking for a minute.
May point si kuya. Marami akong movies na napanood at nabasang libro na ganito. Iyong hindi naman nila crush pero nagiging crush nila sa huli?
Teka, paano kung mangyari sa'kin 'yon? Anong gagawin ko?! Paano na ang pag-aaral ko? Paano na 'yong mga pangarap ko?
What... what was I thinking?
I was overreacting and exaggerating things. I needed to calm down. Hindi mangyayari sa'kin 'yon. Not even in my wildest dream... or even in my nightmare.
"Hindi po totoo 'yon. That's an opinion." Sumipsip ng mango shake si Kuya Aiden at nagkibit-balikat.
"If you say so." Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hindi na siya pinansin.
There was no way na magugustuhan ko si Yttrium. Well, may part na gusto kong maging siya. Pero malayo sa crush 'yon, 'di ba? As far as I know, crush ay 'yong bumibilis ang t***k ng puso mo kapag nakikita mo 'yong isang certain na tao.
Sa case niya, imbis na bumilis ang t***k ng puso ko, tumataas lang ang pressure ng dugo ko dahil sa inis sa kanya. Daig ko pa ang kumain ng sandamakmak na taba ng baboy.
"Kamusta na?" Tanong ko sa kanya habang nakasandal ako rito sa puno samantalang siya naman ay nasa likod ng puno.
"Still fine," mahinahon nitong sagot. Natawa ako nang bahagya.
"Kailan ka magpapakilala sa'kin?" Humangin bigla nang malakas kaya natakpan ng ilang hibla ng buhok ko ang mukha ko. Hindi na ako nag-abalang ayusin 'yon. Ang hangin talaga rito sa garden kaya ang sarap tambayan.
"Kapag handa ka na. Kapag wala ka ng problema." Napapikit ako at dinama lang ang sariwang hangin.
"Handa na naman ako," Yeah... if it was him, I was always ready.
"Pero may problema ka pa. Kapag nakilala mo na ako, hindi mo na sa'kin masasabi ang problema mo. Hindi na kita mako-comfort." Napahinga ako nang malalim.
Still kind as ever...
"Sige. Kung 'yon ang gusto mo... pero kahit naman pangit ka, hindi kita iiwasan." Narinig ko ang pagtawa niya na ikinakunot ng noo ko.
Why was he laughing? Iyon naman talaga ang kadalasan na dahilan kung bakit ayaw magpakita ng ibang tao. Natatakot sila na iwasan kapag nakita na ang appearance nila. Pero hindi ako gano'n. Kaibigan ko siya.
"Seriously? Gwapo ako, ah." Tumawa rin ako.
"Sige na nga, sabi mo, e..."
Nanahimik na kami. Tiningnan ko 'yong wristwatch ko, 1:05pm na pala. Mamaya-maya na ako babalik sa library. Ayaw ko rin namang makita muna 'yong pagmumukha ng element na 'yon. Tiyak na nagsasaya na siya roon sa library dahil wala ako.
"Uy," Tawag ko sa kanya. Hindi ko kasi alam ang pangalan niya. Wala siyang sinasabi sa'kin na tungkol sa kanya.
"Oh?" Ang alam ko lang, laging mahinahon at mahina ang boses niya.
"Paano mo ba masasabing crush mo ang isang tao?" Hindi ko alam kung ba't ko 'to tinanong. Wala lang, feel ko lang siyang itanong.
"Hmm... may crush ka na ba?" Tunog nang-aasar ang boses niya.
"W-Wala, 'no!" My face was turning to red because of embarrassment.
"E, ba't mo tinatanong?" Pang-aasar niya.
"Wala! 'Wag mo na ngang sagutin. Kalimutan mo na lang." Tumawa naman siya.
"Ito talaga, ang pikon. Well, masasabi mo kasing crush mo ang isang tao kapag hinahangaan mo siya, 'yong parang idol mo? Iyong siya 'yong inspirasyon mo kung ba't mo ginagawa ang bagay na 'yon. Mostly, lagi siyang nasa isip mo. Para sa'kin lang naman 'yan," paliwanag niya.
Napahawak ako nang mahigpit sa mga d**o at unti-unti itong hinila. Nangangatal ang mga ngipin ko dahil sa sinabi niya.
Crush ko nga yata si Yttrium...
Well, inspirasyon ko siya. Siya ang dahilan kung bakit ako nagsisipag mag-aral – para matalo ko siya. At lagi ko rin siyang iniisip. Lalo na kapag gusto ko siyang gantihan sa mga pang-aasar niya sa'kin.
Could it be?
No.
"Ah... I see,"
Pinukpok ko ang ulo ko. Ano ba 'tong iniisip ko?
Of course, it couldn't be.
Hindi ako magka-crush sa element na iyon. Siguro, rito sa lalaking nasa likod ng puno, magka-crush pa ako. Pero kay Yttrium? Hindi talaga. Never.