Chapter 3

2276 Words
"Class dismissed." Lumabas na si Mrs. Alcaraz ng classroom namin kaya napakawalan ko na ang hikab na kanina ko pa pinipigilan. Narinig ko na rin 'yong bell hudyat na lunch na. Sa wakas, makakalaya rin sa katabi kong sinumpa. Cursed element... was it? It was something like that. Something curse that I really don't like to see. It always ticked me off!  "Jazz, sasabay ka bang maglunch?" Tanong sa'kin ni Deanne habang inaayos ang mga gamit niya. Nilabas pa nito ang salamin at tinitigan muna ang sarili bago tuluyang tumayo. Habit niya 'yan. Hindi siya makakalabas na hindi tinititigan ang sarili niya – rules daw ng magaganda. "Yea—" Hindi ko pa man tapos ang gusto kong sabihin ay may naramdaman na akong mabigat na pumatong sa balikat ko. Braso ni Yttrium! At sino siya para akbayan ako?! "Hindi siya sasabay. Sabay kami maglunch ng baby labs ko." Kumunot 'yong noo ni Deanne pero maya-maya ay bigla na lang siyang tumawa. "Okay? Baby labs, ha? Nice." Umalis na rin agad si Deanne kasama si Chylla at Donna. Inis kong hinarap si Yttrium at mahigpit na hinawakan ang braso niya. Gusto kong pigain pero ang tigas! Mas nadagdagan lang 'yong galit ko nang makitang mas maputi pa siya kaysa sa'kin. Medyo maugat din ang kamay niya. Halata dahil nga maputi siya. "Anong katangahan ang sinasabi mo d'yan? At saka, tayo sabay maglunch? Ha! Mas gusto ko pa kasabay ang langaw maglunch kaysa sa'yo." I rolled my eyes out of frustration. Naiwan na tuloy ako ni Deanne! Iyong punyemas na 'yon, hindi man lang din nilinaw ang sitwasyon. "Hoy! Grabe ka naman sa'kin, baby labs, nilalambing ka na nga. Tara na, lunch na tayo." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa wrist ko. s*******n niya akong hinila palabas ng classroom! Pinagtitinginan nga kami ng mga classmates ko dahil parang ewan kami na push at pull sa harap. Hindi ko rin maiwasang mainis habang naglalakad kami sa corridor. Wala na ang pagkakahawak niya sa wrist ko perp naaasar pa rin ako. Bawat babae na nadadanan namin, nagha-hi sa kanya. As expected from a not so famous baseball player. Ace siya, sabagay. Isa pa, matalino rin si element kaya hindi nakakapagtaka na maraming may kilala sa kanya. But it still ticked me off! He was so cocky, damn it. Kahit anong gawin niya, kumukulo ang dugo ko. Pagdating namin sa cafeteria, naghanap lang kami ng pwedeng upuan. Tatayo na sana ako para um-order pero bigla rin siyang tumayo. "Ako na ang o-order." Umayos ako ng upo at nagkibit-balikat. "Okay," Pero hindi naman siya umalis. Kahit ni isang galaw ay wala siyang ginawa at tanging nakatingin lang sa'kin. I raised an eyebrow as a sigh escaped my lips. Such a pain. "Hoy, element, akala ko ba ikaw ang o-order? Um-order ka na, nagugutom na ako. Aba naman, masamang pinaghihintay ang mga dyosa." I flipped my hair. Nilahad niya 'yong kamay niya sa'kin. "Where's your money? Wala akong balak bayaran 'yong lunch mo." Bagsak ang balikat ko kasabay nang pagbagsak ng buhok ko. Natameme ako ro'n. Parang binara ako ng ilang sponge. Come to think of it, hindi naman nga siya gano'n kagentleman para bayaran ang kakainin ko. Napairap akong kinuha ang wallet ko at bumunot ng isang libo saka binigay sa kanya. "Oh. Keep the change na kamo." Ngumiti siya sa'kin. Nawala na naman ang mga mata niya. "Libre mo na lang 'yong lunch ko, ha? Thank you." Bago pa ako makapag-react ay umalis na siya sa harapan ko. Napangiwi na lang ako at hinayaan. That was a way to go. Wala namang masama sa panlilibre. At medyo makapal din ang mukha niya sa part na 'yon. I mean, lalaki ang dapat na nanlilibre sa babae, 'di ba? Ghad! He was making me insane. Nang bumalik siya rito sa table, dala-dala ang sinabi kong pagkain at ang ngiti niya na abot langit. Parang lumubog na sa mukha niya ang mga mata niya. Sa ngayon, parang medyo bumait naman siya sa'kin. Hindi niya ako inasar hanggang sa nakabalik kami sa classroom. Feeling indebted siya siguro dahil sa nilibre ko sa kanya. Parang gusto ko na lang siya ilibre araw-araw – but, that wouldn't do the trick. I couldn't treat an enemy like that. "How's your grade? Wala bang violent reaction d'yan? Is everybody okay with their grades?" Tanong sa'min ni Sir Christian. Teacher namin sa English. Nagbulung-bulungan 'yong mga kaklase ko, probably, tungkol doon sa mga grade nila. "Wala po," sagot nila. Nanatili lang akong nakatingin sa harap. Tumango lang naman si sir. Ilang saglit pa at pinamigay niya ang test paper para sa pre-test namin. Sa one whole sheet of paper kami nagsagot, 'yong mga kaklase kong asungot, halos ubusin na 'yong papel ko. Kaliwa't kanan may nanghihingi ng papel. Ano 'to, sponsor nila ako? May muntik pang umiyak dahil nagsisimula na ang test pero wala pa rin siyang papel. Kasalanan 'to ni sir. Tinamad sigurong magprint ng maraming copy kaya kinailangan namin ng papel. Pagkatapos naming magsagot, nagcheck kami ng mga answers namin. Well, I got perfect score although hindi pa 'to natuturo, I already knew it. It was easy, actually. At syemore, gano'n din si Yttrium, perfect din siya. As expected of him. Hindi talaga magpapatalo. "Wow. Villafuerte and Yntela got the perfect score." Manghang sabi ni sir habang nakatingin sa papel namin. "Sineseryoso nila, sir, masyado 'yong test kahit 'di naman recorded. Mga halimaw!" Tawang-tawa na sabi ni Christian. Napaismid ako. Ano bang paki ng pasmado na 'to? Palibhasa three over 20 lang ang nakuha. Siniko ako nang mahina ni Deanne. "Sineseryoso mo masyado." Siniko ko rin siya sa tagiliran niya. "Madali lang naman kasi," I silently said. "Woah! I almost forgot that every test for you is just a piece of cake." Napailing na lang ako sa sinabi ni Deanne habang ngumingiti. "Hindi naman lahat. Peste kasi 'yong math," matabang kong ani. "H'wag mo ngang inaaway 'yong Math. Ang bad mo, hindi naman niya kasalanan na mahina ka sa kanya." Inis kong sinulyapan 'yong bwiset na element. Bigla-bigla ba namang sumasabat sa usapan ng iba? "Wala kang paki. Galit ako sa Math. Pati sa kampon ng Math kaya galit ako sa'yo." Inirapan ko siya at pinagkrus ang dalawang braso ko. "Easy ka lang. Pumapangit ka, e." Inosente itong ngumiti. Inalis ko 'yong tingin ko sa kanya at tumingin kay sir na ngayon ay may sinasabi pala. "Pikon siya~" Pakanta niyang saad. He really ticked me off. "Hoy, pangit na element, tigil-tigilan mo lang ako, ha. Akala mo ba nakakatuwa ka?" Nakakadistract siya! "Hmm, oo. Feeling ko, sa'kin ka sasaya, e..." Napamaang ako at umiwas ng tingin. Damn his little eyes and him! He really knew how to make me weak! That was awkward. His last line was awkward... I don't have the guts to answer it. Humanda na lang talaga siya sa'kin mamaya. Mararanasan niya ang batok na hindi niya pa nararanasan mula nang pinanganak siya. But for the mean time, nakinig muna ako kay sir para sa mga upcoming lessons though, may mga background na rin naman ako. Nasasayang ang dalawang buwang bakasyon ko sa puro aral – hindi naman talaga nasasayang dahil ito na 'yong mismong kapalit no'n... pero kulang pa rin. Hindi pa rin sapat para matalo si Yttrium. Kailan ko pang doblehin ang oras na nilalaan ko. I couldn't enjoy my highschool life with this but I would definitely achieve my dream in the near future – for sure. Because I study hard. "Wala raw si Ma'am Celine! Malapit na raw kasi 'yong Journalism. Gawin niyo raw muna 'yong page 34. Copy and answer. At saka, Dash at Jazz pumunta kayo sa library sabi ni ma'am," anunsyo ni Anna sa harap. Napangiti ako. Yes! Kaya love na love ko 'yong mga contest, e! Kapag kasali ka kasi sa isang contest tapos kailangan niyo nang magpractice o review, pwede ka ng ma-exempted sa mga activities or seat work na gagawin niyo. Pero kapag long test or kahit anong klase ng test, pinapakuha pa rin ng mga teachers para sa better grade daw. Mayro'n namang iba na tamad na magbigay kapag lumipas ang panahon kaya ine-exempted na lang din. Pero once in a blue moon ka lang makakakita ng gano'ng teacher dito. "Hindi ka pa ba pupunta?" Nilingon ko si Yttrium na ngayon ay nakatayo na at may dalang payong. Tumayo ako. "Pupunta na rin." "May payong ka bang dala?" Tinaasan ko siya ng kilay. Para namang babae 'tong element na 'to, ang daming tanong, e. Worried ba siya sa'kin? "Ba't ko naman kailangang magdala? Wala ng araw. Duh," 4pm na. Siguro, nabaliw na 'tong si Yttrium kakaaral. May araw pa naman pero hindi na ganoon katirik. At saka, library lang naman ang pupuntahan namin. Paglabas ko ng classroom, napahilamos na lang ako sa mukha ko sa nakita ko. Asar. Ba't umuulan? Tirik na tirik ang araw kanina at mas clear pa sa crystal ang langit. Climate change... Science-ralated pero pakiramdam ko, kampo ni element 'to. Sabagay, saan mang subject, nag-e-excel naman talaga siya. "Una na 'ko." At talagang nilagpasan pa niya ako! Nag-make face ako. May araw rin siya sa'kin. But for now, couldn't he just sense anything? Grasp the situation? I needed someone to cover me from this rain! Dahil walang choice at hindi ko na kinayang maghintay sa prince charming ko, tumakbo na ako papunta sa library habang iyong panyo ko ay nakalagay sa ulo ko. Hindi naman ako masyadong nabasa dahil sa corridor ako dumaan. Medyo naanggian lang. Nakita ko na 'yong ibang journalist na nakaupo. Pumunta ako sa tabi ni Kuya Paolo. Grade 12 na si kuya Paolo at siya lang ang ka-close ko rito sa journalism... medyo pa lang 'yong iba. Kaming dalawa lang kasi ni Yttrium ang sumali rito— may sumali pa palang iba kaso hindi nakapasa. Grade 7 to grade 12 naman ito. "Hi, Jazz." I smiled as he greeted me. "Hi po, kuya..." Nag-smile rin siya sa'kin dahilan para halos manlambot ang tuhod ko. Kapag ngumingiti talaga si Kuya Paolo, feeling ko, maiihi ako ng wala sa oras. Ang gwapo kasi! At may mata siya kapag nakangiti. Hindi tulad ng bwiset na Yttrium na 'yon! Bahagya kong pinukpok ang ulo ko at pinilig. Ba't ko ba sila pinagkukumpara? Ang layo nila sa isa't-isa at mas better naman si kuya! Kulang lang siguro ako sa tulog. "Are you okay?" Tumingin ako kay kuya at tipid na ngumiti. "Okay lang po..." Ghad. Para akong lumulutang sa cloud nine! Iba talaga ang feeling kapag close mo ang crush mo. "'Yong isa d'yan, nagpapacute para mapansin ni Paolo." Parang may pumitik sa trigger ng pagkainis ko nang marinig ko ang boses ni Yttrium. Tiningnan ko siya nang masama. Letse talaga sa buhay ko ang isang 'to kahit kailan. "Ba't ang sama ng tingin mo sa'kin?" Inosente niyang tanong at lumambot ang emosyon ng mukha. Gusto ko siyang sabunutan! Nai-stress ako sa mga ginagawa at sinasabi niya. "Ewan ko sa'yo." Pagbigay ko at bumuntong-hininga na lang. "Kayong dalawa talaga, lagi na lang kayong magka-away. Akala ko pa naman, magjowa na kayo ngayon. Kailan ba kayo magkakatuluyan?" Natatawang sabi ni Ate Shane. Sabay kaming napatingin ni Yttrium sa isa't isa. "Yuck," "Ew," Natawa naman silang lahat dahil sabay pa kaming nagsalita. Palihim kong inirapan si Yttrium. Maka-yuck siyang punyemas siya! "Tama na nga muna ang asaran. Sa simbahan din naman ang tuloy niyong dalawa," Pang-aasar sa'min ni Ate Lexie. "Hindi ako magkakagusto sa element na 'yan, 'no. Ayoko sa mga walang mata," Maarte kong sabi. Pinatong niya iyong siko niya sa table at  nagpangalumbaba. "Ano bang problema mo sa singkit, ha? At saka, mas hindi ako magkakagusto sa'yo, 'no. Ayoko sa mga may airport." Nagtawanan na naman 'yong mga kasama namin. Samantalang ako, sobrang sama na ng tingin kay Yttrium pero ang loko, nakangisi lang sa'kin at parang enjoy na enjoy sa nangyayari. Hindi naman ganoon kalapad 'yong noo ko, e! Nagpabangs na nga ako! Lahat talaga napapansin niya, ah. "Mukhang masaya kayo d'yan, ha? Grabe makatawa si Princess Ai, oh." Napaayos agad ako ng upo pati 'yong iba kong kasama. Nand'yan na si Ma'am Bea. Siya 'yong coach namin sa journalism. Hindi naman KJ si ma'am, may pagka-strict lang talaga kapag kailangan. "Sa August 23 na ang contest niyo." Anunsyo nito nang makaupo sa harapan. "Ma'am?" "Weh, ma'am?" "Hala. Hindi nga?" Nagulat rin ako. Sa August 23 na agad? August 17 na kaya. Five days to review na lang. Hindi ba kulang 'yon? Though, kay Yttrium, sobra-sobra pa ang time na 'yon para makapag-aral. Pero hindi naman lahat ay kasing-level ng utak niya. "Yes. Kaya magmi-meeting tayo ngayon..." Aniya. Pinag-usapan namin ang magiging schedule ng review namin. Mukhang maghahabol na naman ako sa mga darating na lessons. Ie-excuse na kasi kami sa klase para makapagfocus dito sa Journalism. "See you tomorrow, mga anak. Ingat kayo sa pag-uwi. Umuulan pa naman..." Paalam sa'min ni ma'am. "Sige po, ma'am. Ingat din po kayo!" Sabay-sabay naming paalam. Mag-a-ala sais na ang oras. Nagreview pa kasi kami saglit at nagbigay rin si ma'am ng tips sa News Writing, Editorial Writing at Sports Writing. Copy reading kasi ako— kami pala ni Yttrium. English category ako at Filipino category naman siya. Tamad akong lumabas at pinagmasdan ang bawat pagtulo ng ulan mula sa langit. Kainis. Bakit ba kailangang umulan ngayon? Lowbat kasi 'yong cellphone ko kaya hindi ako makapagpasundo kay Manong Albert... 'yong driver namin. Medyo malayo pa naman ang parking lot dito sa library at wala na akong corridor na madadaanan para hindi mabasa. Bawal akong magpaulan kasi baka magkasakit ako. I couldn't afford to make an absent! Lalo na't palapit na ang contest namin... sa ibang school pero para sa akin... contest 'to sa pagitan namin ni Yttrium. I couldn't afford to lose to him. "Tara na. Ihahatid kita sa parking lot." May humawak sa kamay ko kaya umawang bigla ang labi ko. I was just thinking about him and now, he was holding my hand... tightly. Si Yttrium. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD