Bata pa lang ako, alam ko na 'yong salitang mahirap. Hindi tulad ng ibang bata, lumaki ako na alam ko na 'yong dapat kong tahakin... na dapat ganito lang ako at hindi ako pwedeng lumagpas sa ganito kasi baka may mangyaring hindi maganda. Hindi rin kami sinanay ni mama na laging masaya ang buhay. Ang sabi niya sa'min, bawat tagumpay raw ay dapat pinaghihirapan. Kaya naman sinunod ko ang laging sinasabi ni mama, naging mabuting anak ako– sa tingin ko. Hindi ako naging pasaway tulad ni Hyd at Nase. Nagsisimba rin ako lagi at nagpa-participate sa mga programs ng church namin. si Nase, laging tumatakas. Baliktad kasi ang utak no'n. Si Hyd, nakatagilid lang. Sinunod ko ang mga inuutos ni mama. Five years old ako nang magsimula akong mag-aral sa kindergarten. Doon natuklasan ang sinasabi

