"Hi..." Umupo ako sa may damuhan at sumandal sa puno. Best place talaga 'tong garden tuwing recess. Plus na 'yong presence niya. Minsan ko lang din kasi siya maabutan dito pero ang nakakatuwa... saktong nandito siya lagi tuwing kailangan ko ng kausap at malalabasan ng problema.
Hindi ako palasimba at hindi rin ako banal pero sobrang thank you kay Lord dahil nakilala ko siya. Kahit bilang kaibigan. Well, wala pa naman akong balak na ayain siya sa mas deep na relasyon... at hindi ko rin naman alam ang nararamdaman niya sa'kin.
More or less, friendship pa lang ang sure ako na mayro'n sa pagitan namin.
I don't also want to get rejected. Masyadong out of question na 'yon.
"Hi," Rinig ko ring bati niya. Inabot ko sa kanya 'yong sandwich na dala ko pero nasa harap lang ang tingin ko.
"Gusto mo?" Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa kamay ko.
Nakakailang na ewan... parang may kuryente bigla na dumaloy sa katawan ko dahilan para mahila ko agad ang kamay ko palayo sa kanya.
Damn it.
I really have a crush on him.
"Thanks..."
But the problem was...
"W-Welcome,"
How would I confess to him? Or was it much better to say, would I confess to him?
Hindi na siya nagsalita kaya minabuti kong 'wag na lang din magsalita. Tuwing gabi, iniisip ko kung sino ang nasa likod ng punong 'to. Gusto kong tingnan kung sino ang nasa likod nito pero natatakot ako, baka kasi kapag nalaman ko na kung sino siya, wala na akong masabihan... katulad ng sabi niya.
But if the time would come, then, I'd gladly accept him. With all my heart, of course.
Hindi nga lang gano'n kadali ang makita siya. Ilang beses ko ng tinry na sumilip at sa lahat ng trial na 'yon, may isang beses na muntikan na... pero wala. Nakamask siya. Nakita ko ang part ng gilid ng mukha niya... may mask.
Simula no'n, sumuko na ako sa pagtry.
Napabuntong hininga na lang ako.
Though, I still believe that one day would come and I'd get the chance to meet him. Face to face. And that time... magco-confess na ako sa kanya. For sure.
Tinanong ko siya rati kung nakita ko na ba siya o nakausap, ang sabi niya sa'kin, oo raw. May iba pa akong tinanong pero hindi niya naman sinagot nang maayos.
Tiyak na isa siyang estudyante rito sa school. Pero sa dami ng estudyante rito, mahirap sabihin kung sino siya at nasaan siya. Alam ko rin na gumagamit siya ng voice changer. May isa kasing pagkakataon na parang naiba ng slight 'yong boses niya... kahit na mahinahon pa rin 'yon, parang may naiba talaga.
At 'yong naibang 'yon... pamilyar. Parang narinig ko na sa kung saan pero hindi ko maalala kung kanino galing.
"Hmm... may itatanong sana ako." I shyly said while looking at my fingers.
"What is it?" It was his calm voice again.
This garden was my utopia.
Huminga muna ako nang malalim. Gusto ko kasing itanong sa kanya 'yong napag-usapan namin ni Deanne. Para na rin sa advice.
"Alam mo naman na gusto kong maging rank one, 'di ba?" Lahat ng mga hindi ko masabi kay Deanne... best friend ko kasi si Deanne kaya sa kanya ko lahat sinasabi 'yong mga nararamdaman ko pero minsan, mayro'n din naman akong hindi masabi sa kanya... 'yong gusto ko, private lang. Ako lang iyong nakakaalam.
Pero mahirap din kasi kapag hindi mo mailabas ang nararamdaman mo. Parang anytime, sasabog ka.
Kaya sa kanya ko na lang sinasabi. Iyong lalaking nasa likod ng punong 'to.
"Oo..." Hinayaan ko lang ang pagtakip ng ilang hibla ng buhok ko sa mukha ko.
"May naisip kasi kaming plano ng kaibigan ko." Pumulot ako ng mga maliliit na bato at hinagis-hagis.
"Ano 'yon? Kailangan mo ba ng suggestion ko?" Tanong niya.
"Uhm... well, hindi naman suggestion, I needed your advice... kung gagawin ko ba o hindi,"
Sa kanya ko muna ipagkakatiwa ang pagdedesisyon. Wala akong lakas o anumang guts ngayon para gumawa ng sariling akin o mag-isip ng ibang resolve.
"Ano bang gagawin mo?" Huminga ulit ako nang malalim. Nakakailang hingang malalim na ba ako? Nakakakaba naman kasi.
Pumikit ako at dire-diretsong nagsalita. "Ise-seduce ko si Yttrium."
Humangin nang malakas at ilang minuto kaming natahimik. Walang magsalita sa amin. Para kaming natulala parehas. Ako, sa hiya. Siya naman ay sa gulat siguro. Probably, jinujudge na niya ako ngayon sa sinabi ko.
"Uy... o-okay ka lang?" Mahina kong saad. Ako na ang nagfirst move na magsalita dahil mukhang wala siyang balak.
"Yes. I'm okay. Medyo nagulat lang do'n... ano ba kasi 'yang sinasabi mo?" Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakakahiya. Babae pa naman ako tapos sasabihin ko sa kanya na may ise-seduce ako? To think na lalaki pa siya? At soon enough ay aaminin kong crush ko siya?! I miscalculated everything! I've been really cursed about anything that involved Math.
"Hindi ko dapat gawin 'yon, 'di ba? Parang ang desperada ko talaga," I sadly said as I tried to smile out of disappointment in myself.
"Pero... bakit niyo naman naisip 'yon ng kaibigan mo?"
Tumawa ako nang malakas pagkasabi ni Deanne na baka raw ma-fall ako. Definitely insane!
"Deanne talaga, hindi mangyayari iyon kaya wala kang dapat alalahanin, okay?" I said, laughing. It was hilarious!
She nodded. "Okay, sabi mo, e. Anyway, okay lang din naman kung ma-fall ka sa kanya o hindi. Desisyon mo na 'yon. Either way, it's still your win pa rin naman..."
I just nodded. Hindi naman ako mafa-fall kay Yttrium. I was certain of it. Very certain.
Pagdating sa bahay namin, kumuha muna kami ng cookies at mga snacks bago pumuntang kwarto ko, wala si mama at si dad dahil nasa business trip daw.
Hindi naman ako nabother at sanay akong mag-isa.
Umupo agad si Deanne sa kama ko at binuksan iyong TV.
"Upo ka." Tinuro niya pa iyong couch sa tabi ng kama ko. Napailing na lang ako at umupo. Hindi njya ba alam na bahay namin 'to? Hay, whatever.
"Ba't ko siya ise-seduce?" Diretso kong tanong sa kanya. Ayaw ko kasi ng paligoy-ligoy na tanong as much as possible.
At medyo absurd din ang word na seduce para sa katulad namin na teen pa lang. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Deanne sa pagsabi niya nito.
"Alam mo kasi may pinsan ako na matalino." Huminto siya at sinubo 'yong marshmallow.
"Oh? Tuloy mo na..." Inip kong sabi.
"Taposh nagkashboyshprend iy–"
I cut her off with my glare. "Stop. Lunukin mo muna 'yan." Kinuha niya 'yong juice sa table at ininom.
"So ayon nga, may pinsan ako na babaeng matalino. Fifth yata 'yon sa ranking nila sa school tapos nagkaboyfriend daw sabi ni Tita. E, ayon, biglang bumaba sa ranking, from rank five naging rank ten na lang siya. Kaya grounded ngayon 'yong pinsan ko!" Tumawa siya nang malakas.
If the person was still sane, she should be worried about her cousin but she looked like enjoying that. What was with her?
"Oh? Anong connect?" Inismiran niya ako.
"Matalino ka ba talaga? Ang slow mo minsan." Kinuha ko 'yong tsitsirya sa tabi niya at binuksan.
"Sabihin mo na lang kasi, ang dami pang satsat, e..." She knew that I was really bad at my temper.
"Ang sinasabi ko lang, try mong i-seduce si Yttrium. Akitin mo siya, sanayin mo siya sa presence mo at gawin mo siyang in love na in love sa'yo. Dapat bago matapos 'tong school year natin, or as much as possible itong second or third grading ay maging kayo na, ma-inlove siya dapat sa'yo at i-distract mo siya gamit 'yang love na sinasabi nila. Sabi kasi nila, ang matatalino raw kapag na-in love na, nagiging mahina rin. Nagets mo ba ako?" Mahaba niyang paliwanag sa'kin. I unconsciously nodded.
"Yes." A smile appeared on her face.
"So... gagawin mo ba? At saka, may twist pa nga pala 'yon." Kumunot 'yong noo ko.
"Ano naman iyon?" May twist talaga?
"'Di ba sabi mo, hindi ka naman mai-in love sa kanya? Kung gano'n, makipagbreak ka sa kanya kapag naging rank one ka na para mas mawala 'yong focus niya sa studies. Well, nasasayo pa rin kung ibi-break mo siya kasi 'di ba, malay mo habang sine-seduce mo siya, bigla ka ring mafall sa kanya, e 'di okay din naman. Nafirst ka na may love life ka pa." Humahalakhak na sabi niya. Napailing na lang ako. Gaga talaga.
"Ise-seduce mo talaga siya?" Tanong niya ulit pagkatapos ko ipaliwanag ang napag-usapan namin ni Deanne.
"Hindi ko rin alam, e. Somehow, nafi-feel ko na 'yong guilt." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
Guilt... natatakot akong baka kainin ako ng konsensya ko sa huli.
Parang hindi ko kayang kuhanin kay Yttrium ang pwesto niya gamit ang ganitong paraan.
"It's normal. Kapag may gusto kang makuha, kailangan mong gumawa ng paraan. Syempre, kailangan na may isakripisyo ka. Pwedeng bagay o nararamdaman... kahit nga tao ay pwede. I just have one question for you." Inayos ko 'yong bangs ko at nagsalita.
"W-What?" What he said was already a piece of advice.
"Is it okay for you to hurt someone? Are you that tired in competing so you'll need to hurt someone?" Parang natulala ako sa sinabi niya. I felt speechless.
Pagod na ba ako?
O nawalan lang talaga ako ng pag-asang magiging rank one pa?
Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang sinabi niya 'yon. Tamang-tama ako. Walang iwas.
"Hindi... ko alam..."
Pagod na ba ako? Natanong ko na ba 'to sa sarili ko?
"Pero kung ano mang iniisip mo, gawin mo lang... kung ise-seduce mo man siya, ikaw na ang bahala ro'n. Alam mo naman ang dalawang pwedeng maging consequence ng gagawin mo, 'di ba? It's either happy ending or... such a despair kind of ending..." Tumayo ako at pinagpag 'yong palda ko.
Alam ko na 'yon.
Pero may kakaiba pa rin akong nararamdaman kahit alam ko na 'yon. Takot at kaba.
Magpapaalam na sana ako pero bigla siyang nagsalita.
"Just don't forget that there are many people out there who really love you. First example is me..." My face was turning red. "Second is your own parent. Hindi nila sinasabi 'yon pero mahal ka nila. Hindi mo nakikita 'yon kasi nakafocus ka lang lagi sa negative side na ganito ang tingin nila sa'kin at ganito dapat ako. Third... your friends. Marami kang kaibigan kaya maswerte ka. Don't you dare to forget it, okay?"
Ewan ko pero bigla na lang tumulo 'yong luha ko. Thankful talaga ako dahil dumating siya sa buhay ko. Siya kasi talaga lagi 'yong nagsasabi sa'kin ng mga bagay na dapat kong marealize.
"Aihmiel Jazz Yntela..." Ito ang unang beses na tawagin niya ako sa buo kong pangalan. Kadalasan kasi ay Jazz lang ang tawag niya sa'kin.
"Hmm?" Nanatili pa rin akong nakatayo.
"Pwede ka ring umiyak minsan, hindi naman masamang ipakita na may kahinaan ka rin." I smiled kahit na alam kong 'di niya ako nakikita.
"I'm okay. Una na ako. Kailangan ko pang magreview..."
Pagbalik ko sa library, nakita ko na 'yong kumpol ng mga kasama ko sa journalism na todo review. Bukas kasi ay last day na para magreview. Iyong iba naman, nanonood lang sa YouTube para makakuha ng tips kung paano mas gaganda ang paggawa nila ng news, editorial, feature, science at sports writing. May free wifi naman kasi rito sa library.
Umupo ako sa tabi ni Kuya Aiden at ngumiti. Sa tabi sana ni Kuya Paolo kaso may nauna na roon. Lipat muna ako sa ibang crush pero syempre kay Kuya Paolo pa rin uuwi.
"Where's Yttrium?" I whispered.
Napansin ko rin na wala pa ang liit-mata na 'yon.
"Dunno. Why?" Umiling lang ako. "Na-realize mo na ba na gusto mo siya?" Seryoso lang iyong boses niya habang nakafocus ang tingin sa dino-drawing niya.
Magsasalita pa sana ako nang makita ko si Yttrium na palapit sa'min habang nakangiti. Err... heto na naman 'yong mata niya. Inayos ko 'yong bangs ko at inipit ang mga takas kong buhok sa tainga ko.
Ngayon, sure na ako. Gagawin ko 'to dahil desisyon ko ito.
Hintayin mo lang Yttrium Dash Villafuerte, mahuhulog ka rin sa'kin.