Last day to review. Sobrang haggard ko na, naisipan ko rin na 'wag munang ituloy 'yong Operation: Seducing Yttrium. Syempre, kailangan ko munang magfocus dito... kailangang manalo ako rito para naman kahit papaano ay may maipagmalaki ako sa parents ko. Ito 'yong unang step ko para sa victory.
Iyong plano... susunod na lang 'yon kapag maayos na ang lahat.
Though, kahit naman ano yatang gawin ko, hindi na sila magiging proud sa'kin hangga't hindi ko nasusungkit 'yong first place. Last year, nagsecond lang ako rito sa category ko at tulad ng inaasahan... ni isang congrats, wala akong narinig kay mama.
Napapikit ako at napailing. Hindi ko muna 'to dapat isipin dahil kailangan kong magreview nang mabuti. That would come later. I needed to do this first.
"Seryoso kayo masyado, ah..." Nakangiting ani sa'min ni Ma'am Celine, siya iyong teacher namin sa Filipino. Coach din namin siya sa journalism para sa mga Filipino Category.
"'Di naman po." Ngumiti rin si Yttrium kay ma'am. Ngumiti lang din ako.
Umupo si ma'am doon sa tabi ni Yttrium at tiningnan 'yong mga ine-edit namin.
"Galingan niyo bukas, ha?" Masiglang sabi nito.
Galingan... iyon naman talaga ang laging sinasabi nila. Medyo nakakatrauma rin ang mga gan'yang words minsan lalo na kapag wala kang confident sa sarili mo.
Paano kung matalo ako? Mga gan'yang mindset ang papasok sa isip mo.
"Oo naman, ma'am!" Nakangising sabi ni Ate Thea.
Pero sa case nila, mukhang namang confident sila na manalo.
"Basta ma'am, kapag nanalo kami, 'yong libre, ha. Pwede na po kami sa Burger King." Nakapangalumbaba na sabi ni Kuya Jerome. Mga loko-loko talaga. Napailing at natawa na lang si ma'am.
"Basta tandaan niyo lang, pangalan ng school ang dinadala niyo, hindi lang ang pangalan niyo kaya kailangan gawin niyo ang best nyo." She widened her smile and tapped our heads one by one.
I couldn't help but to secretly sigh.
Yeah... pangalan ng school. Apelido ng angkan namin. Yntela.
No'ng bata ako, lagi kong iniisip na sana iba na lang iyong parents ko, hindi na lang sila 'yong naging magulang ko o sana hindi na lang ako pinanganak.
Nakakadepress kasi. Minsan, hindi mo na alam kung saan ka lulugar... minsan, para ka na lang ewan na sunod nang sunod sa utos nila.
Wala akong freedom. Hindi ko kayang magdesisyon para sa sarili ko. Iyon ang hindi ko na-exercise no'ng bata ako kaya pagdating sa gano'ng bagay... inaasa ko lagi sa ibang tao.
Ganito kasi ako dapat. Isa akong Yntela, kailangang naging nasa taas ako.
Hindi nila maintindihan na mahirap 'yon.
Kadalasan, naiingit ako sa mga kaklase ko. Paano nila nagagawang easy-han lang 'yong buhay nila? Bakit sila nakakapag-online ng magdamag kahit bukas na 'yong test? Bakit okay lang sa kanila kahit hindi gano'n kataas 'yong grade nila?
Syempre, higit sa lahat, bakit sila masaya?
Unfair lahat.
Iyong tanong no'ng lalaki sa'kin no'ng nakaraan... siguro, oo, pagod na ako. Pagod na ako sa lahat ng nararamdaman ko pati sa mga naririnig ko. Iyong ibang bata d'yan kapag pasko, ang hinihiling mga magagandang laruan o kaya naman magagandang damit o sapatos.
Samantalang ako, normal at masayang pamilya lang sapat na. Hindi ko kasi naranasan iyon.
Nakakapagod din na araw-araw, lalabas ka ng bahay niyo na nakangiti para lang malaman ng iba na ayos ka. Nakakapagod kapag lagi kang mag-isa.
Mayaman ako... pero malungkot pa rin ako. What a bother.
Bahagya kong pinukpok ng ballpen ko 'yong ulo ko. Ba't ba ang drama ko tuwing nababanggit ang apelido ko? Ang daming memories na nagfa-flashback.
"You okay?" I looked at him and just nodded. Si Yttrium.
Ngayon pa lang, nafi-feel ko na ulit 'yong guilt, paano pa kaya kapag ginagawa ko na?
Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko, unti-unti nang nawawala ang inis ko kay Yttrium. Pero tuwing naiisip ko na disappointed sa'kin ang parents ko, bigla na lang akong naiinis sa kanya.
Alam ko namang hindi dapat 'to, hindi ko dapat siya kagalitan pero kasi...
Ba't ba ang talino niya masyado?
Kainis, e. Gising na gising ba siya no'ng umulan ng katalinuhan? Siguro nga, nalunod na siya. Samantalang ako, naambunan lang. Kung hindi pa magsisikap, wala pang mararating. Ang unfair.
Parang ang dali lang sa kanya ng lahat.
"11:30 na pala. Lunch na muna kayo." Ngumiti sa'min si Ma'am Celine at hinayaan na muna kaming maglunch. Sa lahat ng teachers namin, si Ma'am Celine yata ang pinakamabait, lagi niyang sinasabi sa'min na lahat daw kami ay matalino. Kailangan lang daw namin ng oras para ilabas iyon. At saka hindi siya nagagalit kahit minsan, well, lagi naman na maingay sa classroom namin pero hindi niya kami sinisigawan, sasabihin niya lang sa'min ang lagi niyang sinasabi.
"Imbis na sayangin niyo ang oras niyo sa pagdaldal, bakit hindi niyo na lang tuklasin ang talento na mayro'n kayo?"
Napapatahimik naman kami ng katagang 'yan pero siguro mga 30 seconds lang? Wala, e, maingay talaga kami. Maingay rin kasi 'yong class president namin... at ako 'yon, syempre.
"Lunch?" Tumayo ako at naglakad na paalis ng library. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin pero hindi ko na lang pinansin.
Pagdating ko sa cafeteria, wala pang masyadong tao, 11:30am pa lang kasi. Kadalasan, 12 pa ang labas ng ibang mga students. May ibang students na rin dito pero mga walang teachers 'yon o kaya ay mga matatapang na nagka-cutting.
Pagka-order ko, umupo agad ako roon sa nakita kong upuan at table na walang nakaupo. Ilang sandali pa at may umupo sa tapat kong upuan. Si Yttrium.
"Paupo, ah." I shrugged my shoulders.
"As if I could make you leave." I sarcastically said. He just smirked.
Nawala na naman ang mata niya.
But for once, aaminin ko na bagay sa kanya 'yong pagiging singkit niya.
Sinulyapan ko siya ulit bago nagsimulang kumain at hindi ko na rin pinansin ang presensya niya. Pagkatapos kong kumain, tumayo agad ako at umalis sa table.
Hindi ko naman iniiwasan si Yttrium. Kaso... how could I put these into words? Para kasing... dapat ko siyang iwasan. Sa ngayon.
Tiningnan ko ang wrist watch ko, 12:18pm pa lang. Maaga pa. Dumiretso na lang ako sa classroom namin, kahit papaano, namiss ko 'yong mga kaklase kong Mango.
"Hey." Bati ko sa kanila pagpasok ko sa classroom. Tumingin sila sa'kin saglit at binalik din agad ang tingin sa mga ginagawa nila.
Tingnan mo 'tong mga Mangga na 'to, nawala lang ako ng ilang araw tapos hindi na agad namamansin. Lumapit ako kay Diana at tiningnan 'yong ginagawa niya.
Bond paper at mga colored paper.
"Para saan iyan?" I confusedly ask. Tiningnan niya naman ako at nginitian.
"Hi, Jazz. Para sa AP 'to, you know, activities..." tumango ako. Easy lang naman sa kanya 'yan, e. Siya kasi ang pinanglalaban namin sa mga AP contest. Well, magaling din si Yttrium sa AP pero sorry na lang siya kasi mas magaling sa kanya si Diana.
May kanya-kanya naman tayong forte. Math talaga ang walanvg makakapantay sa halimaw na 'yon. Hindi ko rin naman pinapangarap na matalo ko siya sa Math – mas mauuna pa yatang magunaw ang mundo bago ko matutunan ang pagsolve ng mga numbers at letters na 'yan.
Nakakatawa rin 'yong mga kaklase ko ngayon kasi 'di ba lunch na? Kadalasan kapag lunch na, wala ng tao 'tong room namin pero ngayon, halos lahat ay nandito pa sa loob ng room namin at busy-ing-busy sa pagbabasa o kaya naman pagsusulat. Mayro'n din namang chill-chill lang at tapos kapag okay na 'yong gawa ng katabi nila, tamang kopya na lang.
Isa iyon sa mga hindi ko naranasan. Ang pangongopya. Ikaw ba naman ang katabi ni element. Paano ka makakakopya? E 'di nasira ang pride ko.
Nilapitan ko si Deanne at ang gaga, hindi man lang napansin na nasa harap niya ako. Focus na focus talaga sa pagbabasa. Matalino naman talaga 'tong si Deanne, pang-third namin 'yan, kaso minsan talaga, dinadapuan siya ng katamaran... o palagi pala.
Magaling din siya sa English, siya 'yong pinangsasali namin sa mga English contest kaso hindi siya fit para sa journalism.
"Kamusta utak natin?" Tumingin siya sa'kin at ngumuso nang magsalita ako.
"Ito, nasa talampakan na." Nailing na lang ako. "Grabe 'yong pinag-aralan namin kanina sa Math, pesteng Math talaga 'yan, e. Tinorture ako kanina." Matatawa na sana ako kaso narinig ko Math daw. s**t. Math daw. Lagot ako nito pagbalik ko sa classroom, hinidi na naman ako makakasabay sa pinag-aaralan nila.
"Yo, guys!" Napatingin ako sa harapan ng classroom at nakita si Yttrium na kakapasok lang din. Lumapit agad sa kanya si Denelle at nagtanong. Ngumiti naman siya at tinuruan si Denelle. Napailing ako. Nakakabwisit talaga 'tong element na 'to, kapag iyong iba, tinuturuan niya pero kapag ako? Nang-iinis pa.
Kaya kahit gaano kahirap, hindi talaga ako lalapit sa kanya.
"Oh, ang talim na naman ng tingin mo kay Dash. Sabi ko sa'yo, kailangang ma-in love siya sa'yo. Paano mangyayari iyon kung lagi kang galit sa kanya?" Iiling-iling na sabi ni Deanne. Nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi naman kasi minamadali 'yan. Mai-in love rin siya sa'kin, you'll see." Confident kong sabi at ngumisi.
Nagkibit balikat lang siya. "Sabi mo, e."
Pagkatapos kong makipag-chismisan sa mga kaklase ko, pumunta na agad ako sa library. Muntik ko pang makalimutan na last day na 'to para magreview.
Hindi ako pwedeng pa-easy-easy lang! Ghad!
Kinuha ko agad 'yong newspaper na binili ko kanina sa may labas ng school namin. Binasa ko ito para makita kung ano iyong mga trending na news ngayon para madali nang makaisip ng catchy na title bukas.
"Ito, oh." Binigay ko kay Yttrium iyong isang newspaper pero syempre, Tagalog iyon. Filipino Category siya, e. Kinuha niya naman agad iyon at ngumiti ng tipid.
"Thank you." I just smiled.
Pagkatapos kong basahin iyong mga newspaper, nagtry ulit akong mag-edit. Nakakapagod. Pero okay lang, para rin naman ito bukas.
Ngayon pa lang, dama ko na iyong kaba. Nagpapabilisan sa pagtibok ang puso ko.
Nagpaturo rin ako ng ilang tips kay Kuya Paolo, bago kasi siya maging sports writer, nagtry din siya ng copy reading kaya may knowledge din siya rito.
"Ingat kayo sa pag-uwi, matulog ng maaga, okay? Bukas niyo na i-chat 'yang mga jowa niyo." Natatawang sabi sa'min ni Ma'am Bea.
"Ma'am, si Ryder lang po iyong may jowa. Single po lahat kami rito." Natatawa ring sabi ni Ate Sophia.
"Tama, ma'am! Si Dash at Jazz po kasi sa future pa!" Alanganin lang akong tumawa sa kung sino mang nagjoke iyon. Nice joke, ha. Ang sakit sa tainga. Nasama na naman ako.
"Sige na, tama na ang kakulitan. Ingat kayo." Kumaway sa'min si ma'am at gano'n lang din kami.
"Sige po, ma'am!" Paalam din namin.
Napabuntong-hininga ako nang naghiwalay-hiwalay na rin kami. Iyong iba, may kukunin pa sa locker nila, iyong iba naman ay manonood pa sa gym ng practice game at ang iba, magre-refresh daw muna para bukas.
Bukas na. Kailangan kong galingan bukas. Ang magiging result nito ang isa sa magde-determine kung kakayanin ko bang maging first.
Baka hindi ko kayanin ang plano namin ni Deanne. Siguro, mas maganda kung ititigil ko... o kaya naman ay itutuloy ko pero baka makatigil din ako halfway.
What would I do? What should I do?
Was I that tired to hurt someone?
Kami na lang ni Yttrium ang natira.
Nakatingin lang ako sa malayo at hinihintay na magsalita siya pero mukha namang walang balak.
Awkward?
Medyo.
"Kailan ang game niyo sa baseball?" I asked. Ako na ang nagfirst move para lang mawala ang awkwardness na bumabalot sa'min. Ace player kasi siya ng team. Isang talented na pitcher. Napagsasabay niya ang paglalaro at studies niya.
"Sa October pa naman." I just nodded. Hindi ako masyadong mahilig sa baseball pero ngayon ay mukhang mahihilig ako.
Pagdating sa parking lot, parang nakahinga ako nang maluwag.
Ako lang ang nag-iisip na awkward 'to. Probably, iniisip niya na ngayon na para akong ewan sa inaakto ko.
Hahakbang na sana ako ulit nang hawakan niya ang braso ko at sapilitang iharap sa kanya. Umawang ang labi ko.
"Good luck, Aihmiel." He said as he widened his smile and his face has softened. He looked innocent. Ang cute niya ngayon... pati ng nakapikit niyang mata. I smiled a little.
"Good luck din." Binitawan niya na ako. Akala ko, aalis na siya pero yumuko siya ng kaunti at lumapit sa mukha ko saka hinalikan ako sa noo.