bc

The Voice

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
family
system
second chance
heir/heiress
bxg
lighthearted
loser
witty
highschool
small town
rejected
civilian
like
intro-logo
Blurb

Sa panahon ngayon, marami na ang mga taong walang kakayahang ipaglaban ang kanilang karapatan o walang boses para sa kanila. Ngunit paano kung patungkol na sa pananampalataya at paniniwala ang iyong ipaglalaban. Paano mo ito ipaglalaban at isisigaw sa buong mundo na ang iyong Diyos ay Buhãy at Totoo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Meet
Lahat ng tao sa mundo ay may kalayaang mamili. "Free Choice" kung baga. Pero may kaakibat na responsibilidad ang mga pinipili ng mga tao lalo na kung ito ay maling napili. Sa panahon ngayon, iba na ang mga tayo. Puro sarili na lang ang iniisip at pinagtutuunan ng pansin. At nakakalimot na sa totoong dapat pagtuunan ng pansin, ang Diyos Ama. Maraming mga tao ngayon na parang wala nang panahon at oras sa Panginoon. Kahit sa pagsisimba ay hindi n nila naiisipang gawin. Nakakalungkot mang isipin ngunit ito ang katotohanan, maraming mga kabataan, mga tao o mga indibidwal ang may iba't-ibang mga paniniwala at kultura. Ngunit ang tanong, ang mga paniniwala ba na mga iyon ay makakatulong ba sa iyong mga desisyon sa buhay o mas lalo lang magiging magulo ang mga nangyayari sa bawat araw. Ano ang magiging resulta sa bawat desisyon ng bawat tao kung kasama nila ang Diyos? At paano paano maririnig ng ibang "Tupang Ligaw" ang tamang Boses na tumatawag sa kanila? Sa isang lugar na mapayapa sa may Cavite, Barangay Bulihan kung tawagin, ay ma isang dalagang na napakabait at pala kaibigan, yan si Darvin Von Sanchez, 18 years old at isang First year collage Student. Ngunit hindi pa siya napasok sa eskwelahan dahil ga-graduate na siya sa Grade 12 HUMSS Stran. Balak niya kasing maging isang abogado o isang malayang mamamahayag upang ipagtanggol o ipaglaban ang karapatan ng bawat tao sa kanyang lugar. At hindi lang iyon, isa rin siyang member ng kanilang simbahan na ang pangalan ay Holy God Christian Church kung saan siya isang Leader ng mga kabataan. Part din siya ng kanilang ministry na music team kung saan siya ay isang Dancer. Mahal na mahal niya ang kanyang ministry sa church though maraming mga pagsubok siyang hinaharap. Pero hindi siya nawawalan ng time para sa Panginoon. Lagi siyang nagpa-participate sa gawain ng youth at sa ibang gawain ng simbahan. Lagi niyang kasama ang kanyang mga kapatid at ina sa pag-sisimba kapag Linggo. Nawala yung tatay nila Darvin, ngunit may ninong siyang handa siyang suportahan nito sa kahit na anong paraan. May tatlo siyang kapatid, ang sumunod sa kanya na babae ay si Bella Vhenice Sanchez, 17 years old, isang Grade 12 Student at ang kanyang dalawang kambal na kapatid na sina Hanzel Vin Sanchez at Gretel Vein Sanchez, 15 years old naman silang dalawa. Ga-graduate na si Darvin sa Senior High ngayong Miyerkules at masayang-masaya ang kanyang nanay na si Olivia R. Sanchez, 37 years old at isang Production Assistant sa isang Movie Production Company. “Bilisan mo na nak kumain para makapunta na tayo sa school niyo. Tawagin mo na rin yung mga kapatid mo. Para sabay-sabay na tayo kumain.” Pakisuyo ni Olivia kay Darvin. Tinawag na nga niya ang kanyang mga kapatid na sina Hanzel at Gretel. “Kambal, bilisan niyo na daw sabi ni Mommy.” Sigaw naman ni Darvin. “Kuya sandali lang nagtatali pa ako ng buhok ko." Sagot naman ni Gretel. Si Hanzel naman ay nasa CR pa rin at nag sisipilyo. Tinulugan na rin ng kanilang ate Vhenice si Gretel para mag ayos ng sarili. “Parang kayo ang ga-graduate ah. Kasi kung makapagbihis kayo, parang kayo ang aakyat ng stage.” Pabirong sabi ni Darvin. “Eh, syempre kuya, nakakahiya naman kung hindi kami nakaporma, magmumukha naman kaming mga alalay mo 'di ba?" Biglang sagot naman ni Gretel. “Sus, hindi yan 'ya. Gusto lang niya magpaganda sa crush niyang si Harold, ga-graduate din kasi yung ate niya. Kaya siya ganyan.” Pabirong sabi ni Hanzel. “Kayo ha, mga bata pa kayo. Tsaka alam niyo naman ang gusto at ayaw ni mommy 'di ba? Okay lang yung crush pero dapat alam natin kung sino ang ating The One. Si Jesus Christ.” Paalala naman ng kanilang ate Vhenice. “Tama naman si ate Nyce, dapat make sure natin na si Lord muna ang ating unahin bago ang lahat. Tsaka who knows, baka may nakalaan na si Lord para sa atin. Huwag natin iyong pangunahan.” Paliwanag naman ni Darvin sa mga kapatid niya. Sabay-sabay na silang bumaba sa kusina. Naghihintay ang kanilang ina habang tumutulong sa pag aayos ng mesa. Kasama niya ang kanilang matagal na nilang katiwalang si Manang Fe Rubias, 62 years old na at malakas pa. “Alam niyo ho, nay sobrang Bless ko sa mga anak ko. Biruin po ninyo, kahit na mag-isa ko na lang silang binubuhay, hindi pa rin ako pinapabayaan ng Lord.” “Alam mo, Oli, pinagpala ka ng Panginoon dahil sa kabutihan ng iyong puso, kahit wala na si Roy, eh nandito pa rin ang iyong mga na anak na nagpapalakas ng iyong loob at patuloy kang bumabangon sa sugat ng iyong nakaraan. Sa palagay ko, wala ka nang mahihiling pa.” Wika ni Aling Fe. “Kaya nga, po ih, salamat talaga sa Panginoon dahil hindi niya kami pinababayaan sa kabila ng mga mapait na mga nakaraan ko.” Sabi naman ni Olivia. Pagkababa ng mga magkakapatid, nagdasal muna sila at naglead si Gretel pagkatapos kumain na sila. Kinuwento ni Hanzel ang tungkol sa crush ng kanyang kambal na si Gretel. “Mom, alam niyo ba? Si Gretel kaya ganyan yung suot niya, because she want to impress Harold later sa graduation ni kuya Darvin.” Tapos biglang sumagot si Gretel. “Hindi kaya. Masama bang magpaganda sa event mamaya. Syempre I don't want to be judged by someone else sa graduation ni kuya. Lalo na marami ang tao mamaya. Tsaka ano naman kung magpa-cute ako sa kanya eh talaga naman na cute at maganda ako. Nagmana yata ako kay mommy, di ba, 'Nay Fe?” “Oo naman, Gretel. Maganda talaga ang iyong mommy at gwapo rin naman ang daddy niyo. Tsaka lahat naman kayo nagmana sa mga magulang ninyo.” Sumang-ayon naman sina Darvin at si Vhenice. “May point si nanay Fe. Pero hindi ibig sabihin niyan ay makikipagrelasyon na kayo ha. Mga bata pa kayo. Kailangan niyo muna magtapos ng pag aaral. Si ate Vhenice ninyo ay patapos na sa kanyang pag-aaral at nasa kanya na kung mag jojowa na ba siya o ipagpapatuloy pa niya ang kanyang ministry sa church.” Biglang nagsabi si Vhenice. “Ma, bakit na punta sakin ang usapan, eh wala pa naman akong balak sa mga bagay na iyan. I'm focus on may ministry sa church. And I don't want to break God's Perfect Plan for me. If will na ni Lord na magkaroon na ko ng boyfriend, then I'll accept the blessing of the Lord.” “Tama, anak. Darating ang panahon na mahahanap mo rin siya by the Grace of God.” “Kaya kayong dalawa, ha, 15 palang kayo wag muna puro love love sa lalaki at babae ang atupagin ninyo ha. Alam niyo naman kung ano ang mas priority natin bukod sa pag aaral, si Lord ang mas mahalaga more than else.” Paalala naman ni Vhenice sa kanyang mga bunsong kapatid. Maging si Darvin ay pinagsabihan niya, “Ikaw rin, Darvin ha. Hindi porke't ikaw ay graduate ka na sa senior high, eh pwede ka na lumapit sa mga babae ha. Pwede na yung ligaw pero yung sagot agad na hindi mo pa nga nakikilala ng mabuti eh iba yun ha. It's better to know her more than to be together sooner. Baka kasi masaktan lang kayo sa huli. Pero ipagpray mo sa Lord kung will na ba niya na maging kayo sa takdang panahon.” Sumagot naman si Marvin. “Oo naman ate, tsaka gaya mo magpo-focus muna ako sa ministry ko tsaka mahal ko yung ministry ko na dance.” Sobrang devoted ni Darvin sa kanyang ministry kaya naman ni-isang girlfriend ay wala pa siya. Sa tingin niya kasi na wala pang ibinibigay sa kanya si Lord. “Oh, siya na mga anak tayo na at ah. Male-late na kapatid ninyo sa graduation niya, traffic pa naman.” “Opo Ma, sunod na po kami sa kotse, Nay Fe sabay na po kayo sa'min. Darvin, bilisan mo bumaba ka na agad ha!” “Sige ate, may nakalimutan lang ako!” Sagot naman ni Darvin. Kausap niya ang knyang Daddy Roy na nasa frame na nakapatong sa side table ng kanyang kwarto. “Dad, sa wakas po makaka-graduate na rin ako sa high school. Kung na saan ka man ngayon, sana maka-attend ka man lang sa graduation ko. Lord, pakisabi na lang po kay Dad na mahal na mahal po namin siya nila mommy at ng mga kapatid ko." Ilang sandali pa ay bumaba na siya at dumiretso na sa kotse. Pagkaraan ng ilang minuto pa ay nakarating din sila sa school at nakahabol sa graduation ceremony. Nasa pangatlong section siya na tatawagin para umakyat sa stage kasama ang kanyang ina. Pag-akyat nila ay nakaabang na ang mga cellphone ng kanyang mga kapatid pati si Manang Fe. Kitang-kita niya ang saya ng mga tao sa buong kwarto at parang nag slow motion. Bigla siyang pumikit at parang naramdaman niya ang presiya ng Panginoon nang mga oras na iyon. Lumuha siya ng kaunti at ngumiti ng bahagya. Kitang-kita sa mukha niya ang pasasalamat niya sa Panginoon at sa mahinang boses ay sinambit niya ang “Salamat, Lord” at tapos bumalik sa normal ang lahat. Pagkababa niya sa stage ay nakaabang ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa church pati ang kanyang Discipler na si Karen Villamin. “Congrats, Pogi. God Bless you. 'Di ba sabi ko sayo eh. Kaya mo yan, puro ka pa naman sakin noon na nag ra-rant. Tignan mo ngayon, graduate ka na. Salamat sa Lord dahil ginabayan ka Niya sa journey mo bilang isang estudyante." Sabi ni Karen habang akbay niya si Darvin. “Kaya nga po ih, ate. Kung hindi po ako nagpursige, siguro wala po ako ngayon dito. Pero salamat sa mga challenges na iyon dahil mas naging matatag ako ngayon.” Sagot naman ni Darvin. “Dahil dyan, ililibre kita kasama ni Nia, Raven, at Sandro sa labas kasama sila tita.” Pagyaya naman ni Karen sa kanyang mga Mentees na magiging Leader na. Pumayag naman si Olivia na sina Darvin at kanya kapwang mentees na graduate na rin. Makalipas ang ilang oras matapos ang graduation, nagpunta sila sa isang fastfood restaurant na kung saan sila magse-celebrate ng kanilang graduation victory. Habang umoorder sila, ay nagkamustahan silang lima. Pumunta ang kanilang Mentor sa counter para umorder na. “Guys, anong feeling na graduate na tayong apat?” Tanong ni Raven Marasigan, 18 years old, isang STEM student Graduate at ang ministry niya ay Children Ministry. “Ako, syempre malungkot kaunti kasi madalang ko na makikita yung mga kaklase ko na nakasama ko sa matagal na panahon. Pero syempre excited na rin ako sa college life natin na kasama si Lord noh? At syempre makakapagfocus ako sa ministry ko sa church. Eh ikaw naman Nia, anong feeling mo naman?” Sagot naman ni Sandro Haragan, 17 years old isa namang HUMSS Student na may ministry rin sa Church na Ushering. “Sa'kin naman, masaya kase because of our challenges, na-overcome natin lahat and salamat sa Lord, kasi lahat tayo ngayon ay nasa next chapters na ng ating buhay estudyante but syempre bilang isang Christian eh, tuloy pa rin tayo sa pag se-serve sa Lord at dahil sa mga challenges na yun, lalo tayong naging matatag sa lahat ng oras. And look at that, we're graduated na! Napakaangas talaga ni Lord. Kaya isang Eyy, naman dyan. Amen!” Paliwanag naman ni Niala Rain P. Jaro. 18 years old and isa ring Usher sa church. Tapos sumunod naman ay si Darvin. “Ako naman feeling BLESSED kasi gaya nga ng sinabi ni Nia, kung hindi dahil sa mga pagsubok na iyon siguro hindi tayo magtatagumpay. At mababa pa rin ang ating confidence sa sarili at maliit ang tiwala natin kay Lord. Pero, salamat,Lord dahil kasama Ka namin sa lahat ng hirap at ginhawa. Kaya, ibinabalik po namin sayo ang papuri't pasasalamat saInyo, Panginoon. Amen for that.” Nagpalakpakan ang lahat at nagpasalamat ang bawat isa sa Panginoon. Tunay na malaki ang pananampalataya ng apat sa Panginoon, dahil halos lahat sila ay may mga ministry sa church nila. Si Raven naman ay feeling niya ay may mas malaki pa silang responsibility outside the church, which is ang pagseserve sa mga taong malayo sa Panginoon lalo na ang mga hindi pa tin naniniwala sa Kanya, kaya naman ang apat ay napaisip kung paano ang pagsisimula ng bago nilang misyon bilang mga college students na. “Oh, bakit kayo mga tahimik? Parang Biyernes Santo ang mga fez natin mga freshees. Anong gumugulo sa isipan ninyo?” Dumating na si Karen na may dala ng kanilang order kasama ang waiter at nagtanong siya sa kaniyang mga Mentees. “Wala po ate, naiisip lang po namin na since na mga college freshees kami, malaking community na ang aming makakasalamuha lalo na sa college.” Sagot naman ni Raven habang tinutulungan si karen na mag ayos ng kanilang order sa mesa. “And also, syempre po ate, may iba't-iba na silang mga pinaniniwalaan sa buhay, iba't-ibang opinyon sa buhay. At ipinaglalaban sa buhay, kaya mukhang mahihirapan kami ate na akayin sila sa tamang landas.” Dugtong naman ni Darvin. “May mga point naman ang mga sinabi ninyo. Mahirap na talaga na makipagsabayan sa mga kabataan ngayon. But it doesn't mean na kailangan eh tumigil na tayo sa misyon nating mga Kristiyano, ang paghahayag ng Salita ng Diyos.” Paalala naman ni Karen. “And kung si Cristo nga na Anak ng Diyos na hindi pinaniniwalaan na siya nga ang Messiah at ang Tagapagligtas at nagpatuloy pa rin sa kanyang misyon hanggang sa maipako Siya sa krus ng kalbaryo at muling nabuhay, tayo pa kaya na mga tagasunod Niya. Dapat ipagpatuloy natin ang nasimulan ang ginawa ni Jesus na pagpapalaganap ng Kanyang Ebanghelyo sa lahat ng bansa.” Dagdag pa ni Nia. “At syempre, bilang mga tagasunod na ni Cristo, dapat handa na tayo sa kung ano man ang bato sa atin ng mg tao at kung ano man ang sabihin nila sa ating Faith sa Lord.” Sabi naman ni Sandro. Si Darvin naman ay sinabi niya na kailangan nila n humingi ng gabay at kalakasan sa Panginoon at kakayahan na makipag-ugnayan sa harapan ng mga tao. Nag hawak-hawak sila ng mg kamay at naglead ng prayer ay si Raven. At ganito ang dasal niya: “Panginoon na makapangyarihan sa lahat, Lord, dumulog po kami ngayon sa inyong harapan. Lord God, inilalapit po namin sa inyo ang aming sarili na paki-linisan po Ninyo ang aming mga puso at isipan at patawarin niyo po kami sa aming mga nagawang kasalanan sa inyo. Nawa ikaw lamang, Panginoon ang manahan sa aming mga puso at ang iyong kalooban lmng ang masunod. Hinihiling rin po namin ang iyong gabay sa amin at karunungan na rin po sa pagpapalaganap ng inyong Ebanghelyo sa inyong mga anak. Nawa po madala namin sila sa inyo upang maligtas. Kayo na po ang siyang bahala sa aming mga gagawing misyon. Sayo ang papuri sa pangalan ni Jesus, Amen.” Pagkatapos nilang magpray ay agad na silang umuwi dahil pabuhos na ang malakas na ulan at malalim na ang gabing iyon. Kinabukasan ay nagising nang maaga si Darvin at parang may pumasok sa kanyang isipan. Nagsink-in sa kanya ang lahat ng kanilang napag-usapan nung gabing iyon. Bigla namang pumasok si Olivia sa kwarto niya. “Nak, bakit ang aga mong nagising? Alas kwatro palang ng umaga ha. May napanaginipan ka ba?” Pag-aalala ng ina. “Eh, Ma. Naalala ko lang po kasi ang napag-usapan namin kahapon. Eh, naisip ko po what if kapag nag-start na po kami sa pagshe-share ng Gospel outside the church po, tingin niyo po ba Mom, may maniniwala sa amin?” Tanong ni Darvin. “Darvin, sa una, oo may pag-aalala pero kung will naman ng Lord na gawin mo na iyon, then you don't have to worry about it. Basta put your trust in Lord and gawin mo lang ang kaya mong gawin. And God will do the rest.” Paliwanag ni Olivia. Nagpasalamat si Darvin sa mga sinabi ng kanyang ina. Inalala niya itong sinabi sa kanya upang maging motivation sa kanyang susunod na misyon. Samantala, sabado na ng hapon at nag eensayo na ang Music team para sa Corporate Worship kinabukasan. Dumating sa simbahan sina Hanzel at Gretel dahil sila ay part ng band 2.0. Kasama nila ang kanilang mga Seniors sa kanilang Ministry. Nagkamustahan sila at nagkakwentuhan about sa nangyaring graduation ng kanilang mga miyembro sa simbahan. Sinabi ni Hanzel na; Si kuya Darvin ay napansin nilang nakatingin noon sa itaas habang siya nasa stage at parang may kumakausap sa kanya. Tingin ni Hanzel ay kinakausap siya ng Panginoon sa pamamagitan ng bulong sa isip. Nagbigay naman ng komento si Kuya Leo Messi, isang drummerist. Sinabi niya na, baka tungkol sa kanyang ministry ang gustong sabihin ng Lord sa kanya, na dapat niyang malaman. At sumang-ayon naman ang kanilang lead vocal na si Kylie Ann Lopez na ang sabi ay ipag-pray na lang ang decision ni Darvin kung sakali nga na tungkol sa kanyang ministry ang napag-usapan nila. Si Gretel naman habang nagdadala ng kanilang kakainin sa practice, ay nagsabi na kung siya daw ang tatanungin, hindi siya magdadalawang isip na tanggapin kung ano man ang ibigay at ang mga tao dahil sa paghahanda nila na salo-salo kinabukasan para sa selebrasyon ng pagtatapos ng kanyang anak. Katulong niya rito sina Nanay Fe, sina Alice at si Robin na apo niya. Inasikaso na nila ang mga lulutuin kinabukasan para sa ganun ay madalian na lang ang pagluluto. Bago ang paghahanda, napag usapan nila ang mga gagawin at anong klaseng putahe ang kanilang lulutuin. “Oli, kung yung pakbet ay isama natin sa handa. Para naman bawas tayo sa karne” Suggestion ni Nanay Fe. "Maganda nga po yun, Nay. Maiging healthy food muna ang ihanda natin. Tapos kaunti munang may karne na putahe, mahal na rin kasi ih." Pagsang-ayon ni Olivia. "Maganda po iyon, Oli. Talagang pinaghahandaan ninyo po yung mga ganitong selebrasyon. Paniguradong masaya si Roy ngayon." Sabi ni Nay Fe. "Iniisip ko nga po kung nandito lang siya, makikita kung gaano kasaya ang mga anak niya. Lalong-lalo na sina Darvin at Vhenice.” "Ma'am Oli, panigurado po na masayang masaya si sir Roy ngayon. Kasi bukod sa mapagmahal kayong asawa, maalaga pa kayong ina sa mga anak ninyo. Kaya, salamat sa Panginoon na kayo ay pinagkalooban Niya kayo ng maraming biyaya." Sabi naman ni Alice. "Salamat Alice ha, buti na lang kayo ang nakasama namin dito sa bahay. Kaya salamat po sa inyong pag stay dito sa amin." Sabi naman ni Olivia. "Wala po iyon, Ma'am Oli. Basta nandito lang po kami at tutulong sa inyong pamilya. Lalo na ang magtatanggol sa anak ninyo, ay mali sa inyo po pala hehe." Palusot na sinabi ni Robin. "Ikaw ha. Tama na muna iyan ha. Bata ka pa ha. Tara na nga mag ayos na tayo sa kusina baka kung saan pa mapunta ang usapang ito." Sabi ni Olivia sabay punta na sa Kusina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.6K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.7K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook