MAGKASAMANG dinala nila Tanya at Taylor ang gatas na tinimpla ni Tanya sa silid ng mag-asawang Miller. Nangingiti namang nakatitig ang mag-asawa sa dalawa. Ang sweet kasi nila sa isa't-isa at kitang-kita sa mga mata nila kung gaano ka-inlove ang dalawa sa isa't-isa. “Mommy, Daddy, inumin niyo na muna ito para hindi lumamig,” nakangiting wika ni Tanya. Inabot nila Talita at Thomas ang gatas na dala ng dalawa. “Salamat, sweetie.” “Walang anuman po.” Matapos inumin nila Talita at Thomas ang gatas nila, inalalayan na sila ni Tanya na humiga. She even fixed their blanket. “Goodnight po, Mommy, Daddy. I love you both.” Malambing saad nito na hinagkan sa noo ang mga magulang. “Goodnight, sweetie. We love you too. I love you,” sagot ni Talita na hinagkan din ito sa pisngi. Tanya an

