LUMIPAS ang mga araw na nagpatuloy sa routine sina Tanya at Taylor. Gabi-gabing dumadaan si Taylor sa mansion at doon na rin natutulog. Hinahayaan lang naman sila ng mag-asawang Miller. Bukod sa legal silang nagpapaalam na matutulog doon si Taylor, masaya ang dalawa sa isa't-isa. Idagdag pang sa gabi lang sila nagkakasama dahil parehong abala sa trabaho sa maghapon. Kaya hindi tumututol ang mag-asawang Miller sa pagmamahalan ng dalawa. Hanggang dumating ang weekend, ang araw na pagdala ni Taylor kay Tanya sa kanilang subdivision. Alam ng buong angkan ni Taylor na dadalhin nito sa party ang nobya niya. Maging ang plano nitong pag-propose kay Tanya. Suportado ng lahat ang plano ni Taylor. Lalo na't may edad na rin ito. “Mommy, I'm so nervous po. Kahit pinaghandaan ko na ang araw na ito,

