NANGANGATOG ang mga tuhod ni Tanya habang papasok sila sa old mansion ng mga Montereal! Kabado ito kahit magkahawak kamay sila ni Taylor at nasa tabi lang niya ang mga magulang. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang palapit sila nang palapit sa venue kung saan naroon ang buong angkan ni Taylor! “Relax, sweetheart, no one will bite you here– ako lang,” pabirong bulong ni Taylor na marahang pinipisil-pisil ang malambot nitong palad. Kita kasi sa magandang mukha ni Tanya kung gaano siya kakaba na haharap sila sa buong angkan ni Taylor! Mabuti pa si Taylor dahil malapit na ito sa kanyang mga magulang. Kaya kahit gabi-gabi itong humaharap sa mga magulang ni Tanya, hindi ito kinakabahan. “Kainis 'to, kinakabahan na nga ako e,” mahinang ingos ni Tanya ditong mahinang natawa. Hinagka

