ILANG minuto pang tumambay sa park sina Leo at Tanya para magpalipas ng oras. Naupo sila sa bench na bakante para makapag pahinga na muna. May mga mangilan-ngilan pa naman silang kasama sa park na mga magkapareha at mukhang nagdi-date. "Siya nga pala. Kapag ba kasal na tayo. . . lilipat na ako sa'yo?" tanong ni Tanya at gusto nitong mapag-usapan nilang dalawa ang tungkol sa kasal. Tumango-tango naman si Leo na ngumiti dito. "If it's okay with you, Tanya. Mas maganda kasi kung bubukod na tayo pagkatapos ng kasal. Para mas magkalapit at mas magkakilala tayo." Sagot ni Leo dito na napanguso. "Dito pa rin naman sa Manila tayo titira, 'di ba?" pangungumpirmang tanong ni Tanya habang magkaharap silang dalawa. "Uhm, yeah. Kung iyan ang nais mo. Pero kung gusto mo rin sa hacienda, pwede na

