NAPANSIN ni Tanya si Gela na nasa tapat ng pintuan ng dining room at matalim ang tinging ipinupukol sa kanya. Napataas ito ng kilay na sinalubong ang mga mata ni Gela. Ngayon lang ulit sila nagpang-abot pero tila may malaki siyang atraso sa uri ng tingin ni Gela sa kanya. Pumasok na ito ng dining na tumuloy sa double door fridge nila at kumuha ng tubig. Natahimik naman si Leo at Tanya sa pagpasok ng dalaga. Maging ang driver ni Leo ay tahimik ding nagkakape sa sulok. Matapos uminom ni Gela, ibinalik din ang pitsel sa fridge na bumaling kay Tanya. "Hindi mo yata alam kung anong oras na, sis? Gabing-gabi na pero. . . nakikipaglampungan ka pa rin? Hindi pa ba sapat ang mga kalandian mo sa opisina niyo kaya ka ginagabi sa pag-uwi?" pang-iinsulto ni Gela dito na napangisi. "Gabing-gabi na

