“Gentlemen, hold your breath and keep your pants zipped!”
Ibinalik ko ang tingin sa salamin matapos marinig ang anunsyo at sigawan ng kalalakihan mula rito sa likod ng entablado.
Mas sumasama lang ang pakiramdam ko sa dami ng tao sa labas. Kung ako lang ang tatanungin ay ayoko muna sanang pumasok ngayon pero as if I have a choice.
Sigurado ako na ang masamang pakiramdam na ito ay dahil sa nangyari sa akin kahapon.
Nakasagupa lang naman ako ng may sapak sa ulo kaya ito at nagkapasa ako sa hita. Pero mahabang kuwento at nakakaasiwa lang kung iisipin ko pa.
Itinaas ko ang hanggang hita kong red stockings para takpan ang malaking pasang natamo ko.
Bagsak ang balikat at walang anumang emosyon kundi pagod ang mababakas sa pagmumukha ko.
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na sinuot ang short red dress na ito simula napadpad ako sa lugar na ito. Pero maraming beses na tipong nakakasawa na.
I remember how excited I was to wear these clothes for the first time. Pero ngayon ay pinandidirihan ko na.
“Hindi ba ito ang pangarap mo noon pa?” naibulong ko sa sarili. “Ngayong nakuha mo, iiyak-iyak ka.”
Malamig ang boses kong sinambit sa sarili ang mga pariralang 'yon. Paulit-ulit kong ibinibulong 'yon sa sarili hanggang sa mawala sa isipan ko ang mga ginawa ko.
Nais ko lang ipaalala na ang anumang sinapit ko rito ay dahil sa desisyon ko noon.
“Are you crying, dear?”
Na-side eye ko si Aurora dahil sa tila natatawang paraan ng pagtatanong niya.
Hindi ko siya kaibigan. Sadyang katrabaho ko lang siya na mas naunang magtrabaho rito.
“But why would you cry? When you're the one who has the pleasure of all the men.”
“Can you shut up, please?” mariin kong sambit.
Nakangiti siyang umiling sabay dampot ng lipstick at nilapat sa mapula na niyang labi.
“I just got three tonight. I'm pretty sure you get more than ten every time.”
Hindi ako nakatugon habang pinapanood ang repleksyon niya sa salamin. Mukhang mas sinusubukan niyang palabasin ang kaniyang alindog sa gayon makamingwit pa siya nang marami.
Hindi ko ililihim na maganda si Aurora. Siya ang una sa pinakamabenta rito bago pa ako dumating noon.
Pero hindi ko kasalanan kung nagbago ang panlasa ng mga Amerikano. Kung mas nais nila ang mga katulad kong Filipino.
“You know what I hate about you, huh?” aniya habang hinarap ako. “You're being ungrateful, bitch.”
Sarkastika akong napangisi sa komento niya. Aminado kami na hindi kami magkasundo at wala kahit isa akong kasundo rito.
But it's okay... I don't give a f*ck. Kaso hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ayaw nila Aurora sa akin sa gayong pare-pareho lang naman kaming nasa laylayan ng buhay!
Hindi ba dapat lang na magkasundo kami sa lahat? Sapagkat pareho namang dumudugo ang mga palad namin para lang humawak sa ganito katalim na bagay.
“Why would I be grateful?” depensa ko. “Should I be grateful for all of this sh*t?”
“Yeah, because it's what keeps you fed and clothed.”
Natahimik ako dahil may punto siya.
Baka matagal na akong inuuod kung hindi ako napadpad dito. Pero gayunpaman, hindi ito ang inaasam ko.
I dream of becoming a model... not a prostitute. Hindi na kaya ng pagkatao ko ang lumakad sa entabladong 'yon at manyakin ng mga kalalakihan.
I know I'm not emotionally stable tonight, but f*ck heaven... sino ang kayang maging nasa katinuan ngayon matapos ang nangyaring pananakit sa akin kahapon?
I had a client yesterday. He was being aggressive. Pinipilit niya akong gawin ang mga bagay na nais niya kahit tapos na ang oras na binili niya.
Mabuti nga hindi ako napuruhan bukod sa nangingitim kong mga pasa sa katawan. Tanging mukha ko lang ang walang bahid ng karahasan.
Sino ba namang lalaki ang tatamaan ang mukha ko? Sa gayong ito ang isa sa pinakatinatangi nila sa katawan ko.
“Don't lecture me. You're not my mother.”
Natawa siya sa sinabi ko bago pinasadahan ang katawan ko. Animo'y nakikipaglaban siya sa pisikal na anyo.
“You're always suspicious of us,” mahina niyang sambit na saktong maririnig ko. “Because how could you stay fresh after all the s*x you had?”
“It's in the genetics,” tugon ko sabay talikod.
Pero napatigil ako nang hablutin niya ang braso ko. Mariin 'yon dahilan ng pag-inda ko sa sakit.
“You can't fool us! Just wait... once I find out the truth, I won't hesitate to report you to David!”
“Get your hand off me, b***h!” galit kong sigaw habang pumiglas.
“Don't lie. I know you're using some dark spell from your hometown!” sigaw niya pabalik.
Hindi ko alam kung tatawa ako o magagalit sa sinasabi ng puting babaeng ito.
“Bullsh*t! Are you living in a fairy tale or something?! There's no such thing!” halos pumiyok kong sigaw. “Just admit you're so jealous of me because your fame is already over!”
Isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ko.
Imbes na pahilomin ko ang mga sugat ko ay nadagdagan pa. Malaking babae pa naman siya kumpara sa akin kaya kumirot talaga ang kaliwang pisngi ko.
Nakumbinsi niya na ang lahat ng kasamahan namin sa anumang kalokohan niya. Kesyo ginagamitan ko ng gayuma ang lahat para ako ang hanapin at piliin.
At kahit ano pang gawin kong depensa, malabo na ang lahat. Mas matagal siyang nagtatrabaho rito kaya tinatrato na rin siyang akala mo'y may-ari na ng night bar na ito.
“It's not over! It will never be over!”
“You're f*cking hurting me!” sigaw ko habang nagsasambunutan kami. “Just accept that you're no longer young... and fresh!”
Mas humigpit ang pagkakahatak niya sa hanggang bewang kong buhok saka paulit-ulit akong pilit na sinasampal.
Hindi lang ako makaganti nang maayos dahil nasa kontrol ang lakas niya.
Sayang lang ang isang oras kong pag-aayos kanina at nagulo lang dahil sa pakikipagsapukan ko sa gagang ito.
“I said enough!" awat ni David. "Let her go, Aurora!”
Habol sa paghinga akong napasandal sa table habang siya ay hinila palayo sa akin ni David.
Parehong matalas ang mga tingin namin na kung kaya lang pumatay ay baka dumanak na ang dugo sa sahig na ito.
Nagmadaling pumarito si David matapos marinig ang pag-aaway namin ni Aurora.
Sakto lang din kasi ang lakas ng musika sa entablado kaya hindi malabo na maririnig nila.
This is a private bar here in California. Puro inuman at maraming illegal na bagay.
May mga gabi na mayroong sayawan pero hindi katulad sa night club na puro sayawan talaga. Mas nangingibabaw pa rin ang inuman dito at talamak ang mga gawaing illegal.
S*x and dr*gs are somehow normal here. That's why hundreds of people come, especially when the night gets dark.
“Don't blame me... it was her!”
“Stop, Aurora! You should be taking care of your clients, not fighting with her!” galit na sigaw ni David dito. “You know she's going on stage tonight... and you still can't control your jealousy!”
“Oh, what?! I'm not jealous of her!” depensa niya. “She should be the one who's jealous of me!”
Hindi ako umimik. Pinanatili ko ang masama kong tingin habang iniinda sa loob-loob ko ang sakit at hapdi na natamo ko.
“There's nothing about you she could be jealous of,” saad ni David, pilit na kumakalma. “Look at yourself first.”
Galit ang namutawi kay Aurora sa katotohanang sumampal sa kaniya. Pero wala siyang magawa dahil nagmula 'yon kay David.
Siya lang naman ang tumatayong manager namin. Kalaguyo niya ang Amerikanong nagmamay-ari ng bar na ito.
Tumilapon sa sahig ang mga makeup matapos hawiin 'yon ni Aurora sa lamesa dahil sa tindi ng kaniyang galit.
Pinilit siya ni David na umalis na at wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Subalit nilapitan niya ako sa huling pagkakataon habang kinamumuhian pa ring tiningnan.
“I don't want to see you anymore, Cecelia. I hope you end up like Zarela.”
Naikuyom ko ang magkabilang palad ko sa sinabi niyang 'yon. Para akong sinakal nang muli kong marinig ang pangalan ng dati kong kasangga.
“I also hope you know your two clients left. So do your job properly!”
“What the f*ck?!” inis na tugon ni Aurora bago nagmadaling umalis sa sinabi ni David.
Pero sa oras na 'yon ay lumipad na ang isipan ko sa nakaraan. Hindi ko naunawaan ang mga sinabi sa akin ni David.
Biglang napahiran ng lungkot ang damdamin ko na kanina lang ay galit nang maalala ko ang huling pag-uusap namin ni Zarela.
She's like an older sister to me. Kaya kahit papaano ay hindi pa ako natatakasan ng bait sa halos limang taon ko rito.
She taught me how to deal with men. I remember what I said to her that I can't do this job, but I need money to support my life here in a foreign country.
Sa kaniya ko natutuhan na painumin ng pampatulog ang mga client ko at palabasin na may nangyaring seksuwal.
Alam kong mataas ang pangangailangan nila sa pagnanasa pero kailangan ko ng pera. At isa pa, walang patas sa larong reyalidad ng buhay.
You can't win with kindness. Being human is a curse... and there's no such thing as absolute power.
“You must be joking, Miss Zarela,” hindi makapaniwalang sambit ko.
“Just call me Ate Ella,” aniya.
“No offense, pero paano pong birhen ka sa gayong tumatanggap ka ng lalaki tuwing gabi?” nagtataka kong tanong. “Unless you're like the Virgin Mary.”
Natawa siya sa nalilito kong reaksyon at napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi niya sa akin.
Magagawa ko naman daw magtrabaho sa bar na ito na hindi isinusuko ang p********e ko. Naaawa siya sa akin dahil desperada na akong kumita kaya sinabi niya ang sikretong siya lang din ang gumagawa.
“Kunin mo itong sleeping pills at ilagay mo 'yan sa inumin ng magiging client mo,” seryoso niyang tono. “Sa bawat pag-okupa sa iyo ay laging may kasamang alak na dinadala sa kuwarto. Papainumin n'yo muna ang isa't isa bago gawin ang sadya.”
Hindi ko alam kung bakit tumitibok ang puso ko sa takot. Para bang mas mabigat pang krimen ang gagawin ko kaysa sa mga séxual activity na nangyayari sa lugar na ito.
“Bukas ng gabi ka ba mag-uumpisa?” tanong niya na ikinatango ko. “You're too young for this. Subukan mo ring kuhanan ng pera ang client mo saka tumakas ka at huwag ng bumalik.”
“Gaano na po kayo katagal dito?” naitanong ko na panandalian niyang ikinatigil.
“Mahigit limang taon na,” bagsak ang boses niyang tugon. “Hindi pa kasama ang dalawang taon kong pagtatrabaho bilang waitress dito.”
Napalingon ako sa counter dahil sa sinabi niya. Hapon na ngayong araw at naghahanda ang lahat para sa pagbubukas mamayang gabi.
“Pwede bang sa serving na lang ako, Ate Ella?” suhestiyon ko. “Hindi ko pa kasi kaya.”
Malungkot siyang ngumiti. “Kung mapipilit mo si Devon ay papayagan ka naman…”
Nag-aalala ko siyang tiningnan nang nahihirapan siya sa pag-ubo. Tumanggi rin siyang kuhanan ko ng tubig.
Sinabi niyang masama ang pakiramdam niya. Marahil nahawa raw siya kung kanino kaya siya tila inuubo.
Natanong ko rin pala kung paano siya nakakaligtas sa séxual interco*rse sa higit limang taon niyang pagbabanat ng buto.
Sinabi niya ang lahat sa akin habang nakaupo kami sa ibabaw ng lamesa. Para bang pinapamana niya sa akin ang mga kaalaman niya.
May ilang beses na raw siyang muntik mabisto pero magaling siya lumusot. Kuha niya rin ang ugali ng mga nagiging client niya at napapaikot niya ang mga ulo.
Hindi ko itatanggi na maganda si Ate Ella. Maamo ang mukha niya at soft spoken siya magsalita.
Nagkasundo kami agad kahit nakaraan lang kami nagkakilala. Pareho kasi kami ng pinanggalingan kaya mabilis na nagkalagayan ang loob namin.
“May kapatid akong babae sa Pilipinas,” kuwento niya habang nasa malayo ang tingin. “Kung hindi ako nagkakamali ay magkasing-edad lang kayo.”
“Nasaan na po siya?” tanong ko.
Nagkibit-balikat siya habang napapaubo. “I don't know. That's why I'm working hard, so I can go back and find her.”
Napaiwas ako ng tingin sa malungkot niyang istorya.
“How about you, Cecelia? Tell me more about yourself.”
Mapait akong ngumiti at nagdadalawang-isip na ibahagi ang akin.
“It's been a year since I ran away. Naglayas ako dahil ayokong maikasal nang maaga, katulad ng nais ng dad ko. Ayokong masakal sa kasal. Gusto kong maging malaya.”
Natigilan ako nang mahina siyang tumawa.
Mukhang iniisip niyang mas mapapabuti ang buhay ko roon kaysa ngayong tumakas ako.
“Baliw siguro ang tatay mo? You're only eighteen... that's still too young to get married,” pambabatikos niya. “But you could've just lived with your mom instead of trying to survive on your own here.”
“She died when I was born,” natagalan kong tugon. “I don't know... maybe it was faith that led me here.”
Marahil tama nga rin si Seravien. Balang araw ay matutulad pa rin ako sa mother ko. Kung ano ang sanga ay siya pa ring bunga.
“Are you still listening, Cecelia?!”
Bumalik ako sa ulirat nang marinig si David. Siya rin pala ang Devon na tinatawag ng lahat.
Kung titingnan ang kaniyang pananamit ay mukha siyang lalaki. Pero hindi, kasintahan niya ang Amerikanong lalaki at may-ari ng negosyong ito.
“Yes,” simpleng tugon ko.
“Ayusin mo na ang sarili mo. Once I call your name, you'll know what to do.”
Tumango ako saka lang siya lumabas at marahil umakyat sa entablado.
Hinatak ko ang upuan at umupo sa harapan ng salamin.
Sinuklayan ko ang aking buhok gamit ang mga daliri. Pero hinayaan kong mamula ang pisngi ko sa sampal kanina at hindi ko na pinunasan ang maskara kong tila natunaw.
Being pretty isn't a blessing. I hate my body... and everything about me.
Dapat sumunod ako sa sinabi ni Ate Ella noon. Kumupit na lang ako ng pera sa unang mayaman kong client at tumakbo palayo rito.
Pero para bang nawala lahat ng pangarap ko lalo na matapos mamatay ni Ate Ella. Hindi ko na bukangbibig ang pagnanais na makapunta sa New York at doon tuparin ang nais kong maging isang runway model.
She died of pneumonia, but there's a story going around that she was killed by her last client.
Wala akong masabi. Hindi ko alam kung kamalasan ba ito o sumpa na.
Nawala na nga sa akin ang lahat kahit ang taong nakakatulong sa akin. I have nothing... except to this so-called freedom. And I don't even know if this is what freedom is supposed to feel like.
“Get your chance with Cecelia Amora Sinclair!”
Wala sa sarili akong pumanhik sa entablado. Hindi ko magawang ngumiti kahit na binulungan ako ni David na umayos.
Inilibot ko ang paningin sa madla na puno ng mga kalalakihan. Para bang nasa isang talipapa lang sila na namimili ng babaeng maikakama.
I hate being the center of pleasure. I hate the spotlight they give me. I remember when I was young... I had to fight for scraps of attention.
Nagsigawan ang lahat at kaniya-kaniyang sipol ang narinig ko. Pati na ang malalagkit nilang tingin gayon din ang malalaswa nilang reaksyon.
“F*ck me, Miss!”
“Ride me, baby!”
“Take me to heaven, darling!”
Hindi ko pinansin ang mga narinig ko. Pumasok 'yon sa tainga ko at pinalabas ko rin sa kabila.
“I only entertain one as usual,” pabatid ko kay David na kumakausap sa madla.
“I want you to take more than one, okay?” pamimilit niya. “Think about it that you can be a millionaire in just one night.”
Napahinga ako nang malalim bago mabilis na inagaw ang microphone sa kaniya.
Pahirapan na nga ang isang client tapos gusto niya pang damihan ko ayon sa limitasyon ko?
“Only one man is lucky tonight,” klaro ko sa madla. “I have the freedom to choose who the lucky man is. The higher the payment, the greater the chance of being chosen!”
Hinablot ni David ang braso ko at inagaw agad ang microphone. Pero wala na siyang nagawa dahil nag-umpisa ng mag-makaawa ang mga kalalakihan sa akin na piliin sila.
Ang iba pa nga ay pilit na umaakyat sa entablado pero pinipigilan sila ng mga bouncer.
Tumugtog ang mahinang musika habang nahihirapan ako sa pagpili. Wala akong mapili dahil ayoko ng pumili.
Naglakad ako sa ibabaw ng entablado na tila isang modelo habang inaalam ko isa-isa ang presyong ibabayad nila.
They were ready to give up everything, but I chose the old man who offered five hundred bucks.
May ibang lalaking nag-aalok ng mas mataas kaysa sa matandang lalaki pinili ko. Pero dinaanan ko lang 'yon kahit pa ang mga may itsura sa kanila.
“Seriously, Cecelia? Are you crazy?” mahinang tanong ni David.
“I want to try a different taste... of freedom.”
Mababakas sa mukha ni David ang pagkadismaya sa mga desisyon ko. Pero hindi ito ang unang beses na pumili ako ng ilang dekada ang tanda sa akin.
It's not because I'm attracted to old men. They're just easy to fool.
Honestly, my situation here isn't so bad. I'm one of the few who has the freedom to choose a man each night.
But still, freedom isn't a choice... it feels more like a fight to me.
Naging malaya ako nang tumakas ako. But now, even while living on my own, freedom feels unreachable... especially working here.
Living in freedom is impossible when everyone wants to own you.