Simula
WARNING: This chapter contains mature scenes and profanities. Please be advised and read at your own risk.
⋆⁺₊⋆ ━━━━⊱༒︎ • ༒︎⊰━━━━ ⋆⁺₊⋆
Runway Bride
Itinaas ko ang dalawang palad ko habang sinasabayan ang malakas na musika. Hindi ako tumigil sa pagsayaw kahit nang makabalik ako ulit sa dance floor.
Iginiling ko pa ang aking bewang. Pinadausdos ko ang palad sa hubog ng aking katawan habang wala sa sariling dahan-dahang umiikot.
Hinayaan ko ang mga lalaking pinalibutan ako. Halos idikit nila ang katawan nila sa akin.
Nahihilo lang talaga ako sa tuwing nabubundol nila ako, pero hindi pa rin ako tumigil sa malalaswang pagsayaw habang sinasabayan ang kantang pinapatugtog ng DJ.
“There’s no comfort in the truth, pain is all you’ll find…” pagkanta ko habang marahang sumasayaw. “I’m never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm!”
Careless Whisper ni George Michael ang kantang ‘yon. Bagay na bagay sa sexy dance na pinapamalas ko.
I’m good at dancing and singing. Sumasali pa ako minsan sa ilang patimpalak sa eskuwelahan.
“Sh*t, be nice…” suway ko sa lalaking biglang humawak sa puwetan ko.
Nagmadali siyang humingi ng paumanhin, pero halata ring lasing siya… tulad ko.
Nairita ako kaya tinarayan ko na lang siya bago lumapit sa katabi niyang lalaki at ipinagpatuloy ang pagsasayaw.
At sa sandaling ‘yon, hindi na dugo ang dumadaloy sa aking katawan kundi alak… lalo pa nang alukin ako ng inumin ng nilapitan ko at sinipsipan ko naman 'yon.
Pero hindi ko alam na magkasama sila ng walanghiyang humawak sa akin kanina.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pasimpleng bulungan nila, at alam kong ako ang pinag-uusapan nila.
Ngunit bago pa ako makatalikod para bumalik sa table namin, mabilis akong hinawakan ng isa sa kanila.
“Ew, don’t touch me!” pagpalag ko. “Get your dirty hands off me!”
“Look… I’m sorry. We’re just trying to be friends with a beautiful girl like you,” ngising saad niya. “Pero hindi mo ba nagustuhan, huh?”
“Bro, ayaw niya ngang hinahawakan siya,” natatawang sabat ng lalaking humawak sa akin kanina. “Ano bang pangalan mo, baby? At ilang taon ka na?”
Marahas ko siyang tinulak nang hawakan niya ulit ako sa puwetan.
Siya na mismo ang nagsabi na ayokong hinahawakan ako… tapos hahawakan niya pa rin ako? Siraulo sila pareho ng kasama niya!
Hindi ko binigay ang pangalan ko… lalo na ang edad ko.
Sumuot lang ako sa disco bar na ito matapos bayaran ang bouncer na nakilala ko.
Magulang ng kaibigan ni Viola ang isa sa mga may-ari ng pangmayamang disco bar na ito, kaya nagawa kong makalusot.
Kilala na rin ako ng ilang bouncer dito, kasi sunod-sunod na rin akong nagpabalik-balik nitong mga nakaraang linggo.
Tumakas lang din ako sa amin ngayon… gaya ng palagi kong ginagawa. I’m not even supposed to be here… that’s why I need to be more careful.
Hindi ako pwedeng mahuli dahil siguradong makakarating agad ang balita kay Dad.
It’s true… I’m tired of living under his expectations. Kaya minsan gusto kong sumuway dahil tanging ‘yon lang ang paraan para sumaya ako.
Kahit mahirap magpanggap na mabuting anak, ibinibigay ko pa rin ang makakaya ko. Kaya panigurado, kapag nalaman ni Dad na tumakas ako para magpunta dito… tiyak na itatakwil niya ako.
At kapag nahuli rin ako… hindi lang ako ang malilintikan, kundi pati si Viola.
She’s my cousin on my father’s side. I can't afford to lose her. Siya lang ang tanging kamag-anak ko na kahit papaano nagmamalasakit sa akin.
Ang alam ng ama ni Viola na naki-sleepover lang siya sa bahay ng mom niya. Magkahiwalay na kasi ang mga magulang niya.
Samantalang ako… namatay na ang mom ko noong ipinanganak ako, at muli namang nag-asawa ang dad ko.
I’m just… you know, the black sheep of the family kung tawagin. And my dad… he’s always blamed me for what happened to his love.
Kung hindi lang daw namatay ang mom ko… marahil hindi siya pumayag sa arranged marriage niya kay Seravien noon.
My mother… she died because of a maternal-fetal conflict. Nais ng mom ko na ako ang unang piliing iligtas, at wala nang nagawa ang dad ko kundi sundin ang desisyon niya.
Wala rin siyang karapatang baguhin ang desisyong ‘yon… sapagkat hindi sila kasal, at walang kamag-anak ang mom ko na pwedeng kumontra.
One of the darkest secrets my family has always tried to hide… is that my mother used to be a stripper.
Sa isang sikat na nightclub dito sa siyudad siya nagtrabaho, at doon sila nagkakilala ng dad ko… hanggang sa nabuntis niya ito.
It's a very long story actually… with a thousand reasons why they hate me as well.
Hindi kayang bilangin ng mga daliri ko ang lahat ng dahilan kung bakit ayaw nila sa akin.
Minsan iniisip ko na lang, bakit hindi na lang pati problema ng buong bansa… ipasisi na rin nila sa akin?
Since they never stop blaming me… kaya ipaako na lang nila sa akin lahat ng problema sa mundo, kahit problema ng mga estranghero!
“Sh*t, stop thrústing yourself on me!” suway ko sa lalaking inalok ako kanina ng inumin.
Wala na kami sa dance floor, kundi nandito na kami sa madilim na sulok ng disco bar.
Lalong umikot ang paningin ko sa ginagawa nilang dalawa sa akin. Bigla na lang akong pinatuwad ng lalaking nagpainom sa akin kanina, at walang pasabi niyang itinaas ang maliit at masakip kong suot na puting bestida.
Pinilit niya akong ipahawak sa unang lalaking humipo sa akin. Kaya’t napasubsob ang mukha ko sa kaniyang pantalon, habang walang tigil akong binabáyo mula sa likuran ng lalaking kanina ko pa sinusubukang pigilan.
Wala ring pakialam ang ibang dumadaan. Abala sila sa kaniya-kaniyang ginagawa.
May mga katabi pa nga kami na naglalampungan… at ang mas masaklap, may ilan pang patagong gumagawa ng higit pa roon.
“Hindi ako masa-satisfied sa ganito lang, bro,” rinig kong bulong ng lalaking nasa likod ko. “I want more than this…”
“H-Hell no! Do you think I’m that easy to get, huh?” mariin kong pagtutol.
Sinubukan niya pang ibaba ang panties ko matapos maibaba ang safety short ko, pero agad ko nang pinigilan ang pagnanasa niya.
“Magkano ka ba, Miss?” biglang tanong ng lalaking nasa harapan ko. “Sabihin mo kung magkano ka. Handa kaming magbayad, makama ka lang.”
Napatingala ako. “I’m priceless… you can’t afford a girl like me,” mariin kong sagot.
Tinawanan pa ng lalaki ang kaibigan niyang binira ko, pero halatang nagalit agad ang lalaking ‘yon sa akin.
Bigla niya akong hinablot sa bisig kaya napatuwid ako ng tayo… na kanina ay niyukuan ko.
“Don’t act like your mánhood is being threatened… ni hindi naman malaki ‘yan!” dagdag ko pa.
“Gago pala itong babaeng ito,” rinig kong bulong ng lalaking nadali ko. “Hindi niya pa nga nakikita ang laki ko…”
Inis kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin at iritadong ibinaba ko ang laylayan ng maikli kong mini dress.
I’m wearing a fitted strapless dress with a white scarf around my neck, along with my white four-inch high heels.
Kaya kapag ako napuno sa kanila… bubutasan ko ang bungo nila gamit ang takong ko.
“Hindi ko na kailangang makita pa para lang masabi ko, okay?” saad ko. “And here’s a little f*cking advice. The girls with asses like mine don’t f*ck boys with faces like yours!”
Pareho silang natahimik. Pero mabuti na ‘yon… namnamin nila ang hagupit ng matalim kong dila.
Pasalamat nga sila hindi matinong bersyon ko ang napang-abot nila, dahil tiyak mas masakit pa sa punyal na tumatarak sa tagiliran ang mga salitang ibabato ko sa kanila.
I always get defensive whenever they blame me for something I didn’t do. Kaya normal na lang sa akin ang makipagsagutan… at kung gusto pa nila, gawin pa naming masaya. Mag-Pinoy Henyo pa kaming tatlo!
“I think she can handle more than we thought, bro,” bulong ng lalaking na-badtrip ko. “Or maybe you didn’t f*cking put the sedative in her drink…”
Napalingon ako sa lalaking sinisisi niya. Napalunok ako sa pagkabigla, pero hindi ako nagpahalata.
Hindi ko naman din naubos ang inalok niyang inumin. Sumipsip lang ako roon at agad ko ring inaabot sa ibang lalaking nakasayaw ko sa dance floor.
Kaya marahil bigla rin akong nahilo ngayon, kahit wala pa sa dalawang baso ng alak ang nainom ko simula nang umalis ako sa table namin nila Viola.
Malawak ang disco bar. May ilang palapag pa nga ang lugar, kaya mukhang mahihirapan akong hanapin ang table namin.
At kung hindi lang nagpaakit ang dalawang manyakis na ito, marahil nakabalik na ako sa table namin… at baka nakauwi na rin ako sa amin.
Sigurado akong gabing-gabi na, lalo pa at mas nagdagsaan ang tao sa paligid.
Halatang puro mayayaman ang lahat ng nandito, at may ilan ding tanyag na tao.
Puntahan kasi ang lugar na ito ng mga elite. Kadalasang mga anak ng milyonaryong negosyante ang tumatambay dito. Mayroon ding mga sikat na public figure tulad ng mga bigating celebrity at politician.
“Where are you going, Miss?” pigil ng lalaking balak akong lasunin. “We’re not done yet… masyado pang mababaw ang gabi para talikuran kami.”
Napasigaw siya sa sakit nang tuhurin ko ang itlog niya, dahilan para mapatingin ang ilan sa paligid na nakarinig nang malakas niyang hiyaw.
“Masyado ring maaga para mabaog!” galit kong sambit.
“A-Ah, tangina… iyong alaga ko, bro!” daing niya.
“Hoy, babae… wala kang ideya kung gaano kasakit ang ginawa mo!” sabat ng kasama niya. “Henerasyon ng kaibigan ko ang nakasalalay diyan…”
Napangiwi ako. Bagay lang sa mga tulad nila ang mabasagan ng itlog… para hindi na sila makadisgrasya ng iba!
“Who cares about your friend?” bira ko. “Edi, mag-ampon siya sakaling mabaog siya!”
Minura niya ako sa sinabi ko. At bago pa siya sumugod sa akin, nakadampot na ako ng bote at binasag ‘yon sa ulo niya.
Pinagpagan ko ang mga palad ko habang pinapanood silang magdusa. Marami pa sana akong nais gawin, subalit biglang lumapit ang ilang bouncer.
“You know, guys… handa akong sumama sa hotel n’yo, pero ayon kung baog kayo,” pang-aasar ko. “Bye, see you in hell!”
Nakihalubilo ako agad sa mga sumasayaw sa dance floor bago pa tuluyang makalapit ang mga bouncer.
Pero ilang sandali pa lang ang lumilipas, napansin ko ang dalawang hudas na mukhang hinahanap ako.
“Oh, really? Hindi sila dinampot ng mga bouncer?” may inis kong bulong.
Lumiko ako sa kanan para makalayo sa kanila na nasa kaliwang gawi ko.
Mukhang gumaling na rin ang itlog at ulo nila matapos kong matira. Dapat pala sinobrahan ko ang lakas… edi, sana mahimbing na silang natutulog ngayon.
“Sh*t, nasaan na ba sila Viola?” naalarma kong bulong.
Kanina ko pa hinahanap ang table namin, pero hindi ko na alam kung saan.
Hindi ko alam kung dahil ba unti-unting tumatalab ang alak kaya hindi ko mahanap ang table namin… o baka naman dahil sa anumang pinainom nila sa akin.
Napasapo ako sa noo ko nang bahagyang umikot ang paningin ko habang lumilinga ako sa paligid.
“Excuse me… do you know what time it is?” tanong ko sa mga nakakasalubong ko. “I-I really need to go home…”
Karamihan sa kanila ay hindi ako pinansin, habang ang iba naman ay hindi maunawaan ang sinasabi ko. At kung naunawaan naman nila, hindi naman nila alam ang sagot.
“It’s already midnight, but we don’t know where your home is, darling,” sagot ng isang lalaki sa grupo nila. “But you know… you can come with us and be with us…”
Mabilis akong tumalikod sa kanila. Napahinga akong malalim dahil sa lahat ng tao sa lugar na ito, lalo na ang kalalakihan ay mga manyakis.
Hindi ba sila natatakot makabuntis? Palibhasa’y kapag nakaanak sila, kadalasang tinatakbuhan o kung papanagutan naman, hindi naman nila mamahalin.
Maling-mali siguro na nagpumilit akong sumama rito. Pero nais ko lang din namang ipagdiwang ang pagtatapos ko sa high school katulad nila Viola.
I graduated with high honors last time, but until now, no one in my family has even congratulated me. At alam kong hindi rin ipagdiriwang ang kaarawan ko ngayon katulad noon.
Gusto ko lang magdiwang kaya ako sumama. Pinapasok naman ako dahil sinabi kong mag-eighteen naman din ako pagsapit ng alas dose, bukod pa ‘yon sa sinulsulan ko ang bouncer.
I gave him five thousand, and I also told him that I’m friends with the daughter of the owner of the place.
I know it’s illegal… but I don’t have any other choice. Mas bata kasi ako ng ilang buwan kumpara kanila Viola kahit sabay-sabay pa kaming nagtapos sa high school.
At ngayong magkokolehiyo na ako, balak kong makapasok sa mga bigating unibersidad dito sa siyudad at kumuha ng programang Fashion Design and Merchandising.
I believe in that dream program… it could take me somewhere like New York, and it could help me become a runway model like Shalom Harlow.
“Bro, she’s there!” rinig kong sigaw ng isa sa hudas mula sa likuran ko.
Mabilis kong inalis sa leeg ko ang scarf saka ginawa itong panaklob sa mukha ko. Wala rin akong nagawa kundi tahakin ang palabas ng disco bar.
Sa kakahanap ko kanila Viola, ako tuloy ang nahanap ng dalawang hudas.
“She’s f*cking running away!”
Humingi ako ng paumanhin sa ilang taong nabundol ko. Pero hindi ako nagpatinag hanggang sa makalabas ako ng gusali at makarating sa paradahan ng sasakyan.
I don’t have a choice but to run to the side parking lot… as they keep chasing me. Para silang mga asong ulol na hinahabol ako.
Hindi ko magawang makatakbo nang mabilis dahil mataas ang suot kong heels, at hindi ko magawang hubarin ‘yon.
Ilang metro lang ang layo nila sa akin kaya tiyak kapag huminto ako ay mahuhuli nila ako. At isa pa, libo-libo ang high heels kong ito! Mas mahal pa ang bili ko rito kaysa sa ibabayad nila sa akin kapag sumama ako sa kanila!
I’m fully aware of what could happen to me there… that’s why I tried to run as fast as I could!
Nakailang nobyo na ako at palihim lang ang relasyon ko noon. Pero never kong binigyan ng halik ang sino man… kaya sino sila para isuko ko ang pagkabab*e ko?
“A-Ah! Tulungan n’yo ako!” saklolo ko nang mabigo ako.
Naabutan ako ng isa sa kanila, sabay yakap sa akin mula sa likuran ko. Lumapit din ang kasama niya na tuwang-tuwang nahuli ako.
“F*ck you… both of you!” malakas kong sigaw habang todo sa pagpiglas. “Let me go… or I’ll call the police to sue you for harassment… and séxual assault!”
Pareho silang tumawa sa pagbabanta ko. Akala siguro nila nagbibiro ako… I don’t care if my dad found out that I escaped, pero kakasuhan ko talaga sila kung may gawin sila sa akin!
No one can destroy my dream… not bullsh*t boys like them!
Papatunayan ko kay Seravien na hindi ako katulad ng mom ko. She’s very wrong. Just because I’m the daughter of a stripper… doesn’t mean I’ll end up being a stripper too!
I’m just waiting to graduate from college… para makaalis na ako at mabuhay nang masaya kahit mag-isa lang ako!
“N-No, please!” sigaw ko habang hinahalikan at hinihila nila ako para mapasakay sa kanilang kotse. “Stop doing this… I’m sorry!”
Pero hindi sila nagpatinag sa paghalik gayon din ang walang permisong paghaplos sa akin.
Mukhang mas lasing pa sila kumpara sa akin dahil tumatawa sila pareho habang pinagkakaisahan ako.
“I-I said no! Hindi ako sasama sa inyo! Bitiwan n’yo ako!”
“Wala kang magagawa kung gusto naming isama ka,” nakangising sambit ng lalaking siniko ko. “At hindi ka namin babayaran… dahil may atraso ka pa kanina, Miss!”
“This isn’t an invitation, baby,” aniya ng isa pa. “And don’t be scared… we’re good at bed!”
“Tangina n’yo, mamatay na kayo! I hope both of you go to f*cking hell right now!” galit kong sigaw.
Para silang walang marinig at panay tawa. Kaya tingin ko hindi lang sila lasing… hindi kaya nakadroga rin sila?
Todo ang pagpiglas at pagsigaw ko habang pinagtutulungan nila akong kargahin. Hinawakan ako ng isa sa braso at ang isa naman ay sa hita ko.
Gusto ko mang umiyak lalo pa maisasakay na nila ako… at alam kong wala na akong laban do’n.
“Maawa kayo sa akin, please!” nagpapanik kong sigaw. “I’ll pay any amount… hayaan n’yo lang ako!”
“We don’t need your money, baby… baka ikaw pa ang bigyan namin,” tugon ng isa.
Sa istilo pa lang ng kotse nila… alam kong mayaman sila. Walang nakakapasok na sawing-palad sa disco bar dahil cover charge pa lang ay mahal na.
“I-I don’t need your dirty money! Isaksak n’yo sa mga baga n’yo ang marurumi n’yong pera!” hindi ko maiwasang magalit, imbes magmakaawa. “Pagbabayarin ko kayo… I’m the daughter of the CEO of Sinclair Group!”
Mabilis akong bumagsak sa lupa nang bigla nila akong bitiwan.
Nagulat sila pareho… hindi dahil sa siniwalat ko ang pagkatao ko, kundi may sasakyang dire-diretso ang takbo at malakas na bumangga sa sasakyan nila.
Nahirapan akong makatayo dahil sa nadali ang balakang ko. Pero nagmadali na ako habang nailihis ang atensyon ng mga demonyo.
“What a f*cking reckless driver you are!”
“Gago pala ito, ah! Hindi marunong magmaneho!”
Paika-ika akong tumakbo palayo habang nilusob nila ang lalaking nagmaneho ng itim na Ford Ranger.
Dinig ko ang galit nila kahit malayo na ang natakbo ko. At kahit sino ay magagalit dahil binunggo ba naman nito ang asul na Mercedes-Benz… na hindi hamak mas mahal kaysa sa Ford Ranger.
Mahilig sa mga sasakyan si Viola kaya alam ko rin ang mga brand ng kotse. Samantalang hilig ko naman ang mga mamahaling damit o bag… basta anything related to fashion.
“Hey! Get in now, Miss!”
Napalingon ako sa likod ko nang sundan ako ng lalaking nagmaneho ng Ford Ranger.
“I don’t know you!” sigaw ko pabalik.
Pero isinenyas niya ang kotse ng mga hudas na sumunod sa kaniyang likuran. Kaya wala akong nagawa kundi sumakay kahit umaandar pa ang sasakyan.
Everything is like a f*cking action movie!
Mabilis kasi na nakasunod ang sasakyan ng dalawa habang mabilis na nagmamaneho ang lalaking ito.
“Wear your seatbelt… and at least try to pray!”
“What the f*ck?!” nagulat kong sigaw, lalo pa nang mas bumilis ang pagmamaneho niya.
Napadasal na lang din ako kahit na hindi naman ako nagdadasal.
Ayoko pa talagang mamatay… kahit na panay ang reklamo ko sa buhay.
Gusto kong mabuhay nang mahaba at malaya… katulad ng agila. Mahaba ang buhay nito at malayang nakakalipad.
“You’re only eighteen and a weak girl… hindi ka dapat tumakas para lang mag-disco bar!” pangaral ng lalaking ito na akala mo naman tatay ko. “For sure, you’re a rebellious child…”
Buong akala ko pa naman mabait ang lalaking ito… na tansiyado ko mga isa o dalawang taon lang ang tanda sa akin. Pero parang pinapalabas niya pang kasalanan ko.
Sinagot ko kasi ang tanong niya kung bakit ako napagdiskistahan ng mga lalaking ‘yon… na nailigaw na namin.
“You’re in a close call… muntik ka ng mapagsamantalahan!” mariin niyang sigaw. “I don’t know, hindi dapat siguro kita tinulungan!”
Nawala sa sariling napasulyap ako sa side mirror nang magmura siya matapos akong sumbatan.
Muli kaming nasundan ng sasakyang akala namin nailigaw na. At ngayon, mas malapit sila at binubunggo ang likurang bahagi ng sasakyan namin.
“Kasalanan mo naman ang nangyari… hindi ka dapat nagliliwaliw sa ganiyang edad mo!” mariin niyang paninisi.
“Ibaba mo na lang ako kung hindi bukal sa kalooban mo ang pagtulong,” nagtitimpi kong sambit, sabay kuyom sa mga palad ko.
I f*cking hate it when somebody blames me for someone else’s fault. Kasalanan ko pa na manyakis sila?
Mabilis nagbago ang tingin ko sa kaniya. Inakala ko pa naman hulog siya ng langit para tulungan ako, pero hindi pala.
“Hindi talaga… lalo na kapag nahuli tayong dalawa! I don’t want to end up covered in bruises! I’m not using my car insurance for this, Miss!”
“Edi, ibaba mo na nga ako… ano pang hinihintay mo? Pasko?” nainis kong sambit.
“Kung ibababa lang kita, sana hindi na ako nakialam kanina pa!”
“Eh, bakit ka pa rin nakialam?!” nagpupuyos sa galit kong sigaw. “Hinayaan mo na lang sana akong mapagsamantalahan!”
“I definitely would have done that if I didn’t know you,” bulong niya habang sumusulyap sa side mirror. “And at least magpasalamat ka man lang, hindi ‘yong sasabayan mo pa ang galit ko!”
Napapikit ako sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Iba ako magalit kapag ako na ang sinisisi. I’m becoming more defensive… and more aggressive.
“Ano ba, mamamatay tayo pareho!” sigaw niya nang agawan ko siya bigla ng manibela. “If you want to die… huwag kang mandamay!”
“Mapagmalasakit akong tao! Kaya gusto ko kayo rin at hindi lang ako ang makakarating sa impyerno!”
Walang tigil na binundol kami ng sasakyang humahabol sa amin. Kaya inikot ko ang manibela at binundol din sila.
Masyado ng gabi kaya kaunti na lang ang sasakyan dito sa highway. Wala na ring mga tao sa paligid.
“B*tch, I told you… bitiwan mo ang manibela!” mariin niyang utos habang itinutulak ako paalis.
Gumigiwang na ang sasakyan dahil sa pag-aagawan namin, lalo na sa walang tigil na pambubundol ng sumusunod na sasakyan.
“Obey me, Cecelia Amora!”
Kusa akong napabitiw sa gulat nang bigkasin niya ang pangalan ko.
Pero wala akong maalala na nagpakilala ako sa kaniya. How does he know me? I’ve never seen him before!
Subalit bago ko pa siya pagbintangan, malakas na binundol kami ng sasakyang humahabol sa amin… at sa pagkakataong ‘yon, bumangga kami sa concrete barrier.
Hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari. Lumabo agad ang paningin ko at mabilis na dumilim ang paligid.
“Happy birthday to you, Cecelia,” bagsak ang boses niya, sabay abot sa akin ng regalo.
“I’m so sorry, Viola.”
Umiling siya. “No, that’s okay… nangyari na, eh,” malungkot niyang sambit.
Alas siete na ng gabi at pitong oras na ang lumipas simula makauwi ako galing ospital.
Masakit pa rin ang ulo ko pati ilang bahagi ng katawan ko sa nangyari kagabi.
Pero nang magising ako kanina sa ospital, wala na roon ang lalaking hindi bukal ang loob na tumulong sa akin.
Ayon sa nurse, umalis daw ito at nagtungo kasama ang mga pulis na humuli sa dalawa pa naming kasamang isinugod.
Hindi ko alam kung bakit malubha ang lagay ng dalawang hudas na ‘yon. Marahil siningil na sila sa mga kasamaan nila.
“I promise… hindi na ‘yon mauulit,” dagdag ko.
“Okay lang, hindi rin naman ako makakaulit,” tugon niya. “Ipapasama na ako ni Daddy sa pag-uwi sa probinsya ni Mommy.”
“What? Kailan?” gulat kong sambit. “Susubukan kong kausapin si Uncle Rowel…”
“No, Cecelia…” pigil niya. “Kilala mo naman ang Daddy ko, pareho sila ni Uncle Lowell… ng dad mo, na mahirap kumbinsihin.”
“Tell me what I can do for you,” mabilis kong saad.
“Nothing… I’ll be okay,” mahina niyang bigkas. “Problemahin mo na lang din ang sarili mong problema. You’re in trouble too, and I heard… it’s even worse than what I have to face.”
“What do you mean? Viola?” nagtataka kong tanong.
Pero hindi na siya sumagot kahit alam kong narinig niya ang pahabol kong tanong. Tumalikod na siya at bumalik sa kaniyang table.
Hindi ko maiwasang mangamba, lalo pa sa sinabi ni Viola. Kaya ba hindi ako pinagalitan ni Dad kahit nalaman niya ang lahat ng nangyari kagabi?
What the hell is he planning to do? Kung si Viola ay papauwiin sa probinsya nila. Ano naman ang gagawin sa akin? Itatakwil at pupulutin na lang sa tabi-tabi?
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salaming nasa gilid ko. I’m wearing a long white dress while sitting here on the chair… in front of everyone.
Nagulat din ako sa pagdiriwang na ito. Kanina ko lang nalaman na ipagdiriwang pala ang kaarawan ko at imbitado ang halos lahat ng kakilala ko.
It feels so strange. Bakit naman gagawin ito ni Dad without a reason?
I’ve never had a celebration like this before. Is it really because it’s my eighteenth birthday… or is something else going on?
“Dad…” tawag ko. “I want to talk to you...”
“Young lady, prepare yourself for your eighteen-roses dance,” utos niya, sabay talikod sa akin agad.
Wala akong nagawa kundi sumunod. Kahit na kanina pa ako hindi pinapatahimik ng sarili ko sa kakaisip ng nangyayari.
Hindi na ako nagulat sa presensiya ng lahat ng dati kong mga nobyo. Isa lang sila sa mga sumayaw sa akin.
Pero labis akong nagulat nang hindi si Dad ang huling sayaw ko… kundi ang lalaking ito.
Siya ‘yong lalaking hindi bukal ang loob na tumulong sa akin. Siya ‘yong lalaking kinagalitan ko dahil sinisi niya pa ako sa nangyari.
Hindi ako nakapagsalita sa segundong sinayaw niya ako. Nakalapat ang kamay niya sa bewang ko habang magkahawak ang kanang palad namin at marahang sumasayaw.
“Tell me what’s happening here,” mariin kong utos. “What the hell are you doing here? I don’t know you.”
“Wala man lang kumusta?” sarkastiko niyang sambit.
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong pakialam kung makita ‘yon ng lahat ng bisitang nanonood sa pagsayaw namin.
“Well, you’re about to know me too, Cecelia,” ngiti niyang saad. “Lalo na at ikakasal na tayong dalawa…”
Mabilis akong bumitiw sa kaniya. Tiningnan ko siya na hinihintay na sabihing nagbibiro lang siya.
Pinilit niya akong hawakan siya muli at saka kami ulit sumayaw. Everything is just a play in that moment.
Luminga ako sa paligid. Tumigil ang tingin ko kay Dad… katabi niya si Seravien, at kasama pa rin niya ang mag-asawang kausap niya kanina.
“We arrange for marriage, Cecelia…” aniya, na ikinawala ko sa sarili. “It’s not because something happened between us... I knew you even before I saw you last night.”
Hindi ako nakapagsalita sa pagkabigla.
Is this the trouble Viola was talking about? I’m too young for marriage… I don’t want to get married!
“Hanggang ngayon… hindi pa rin pala sinabi sa’yo ng dad mo ang tungkol dito? I’ve been aware of this arranged marriage for a month.”
“It’s a forced marriage,” pagtatama ko.
Marahas kong binato sa salamin ang kumpol ng bulaklak habang tahimik na umiiyak.
Hindi lang dito sa bridal suite naging magulo matapos kong magwala, kundi pati ang makeup ko sa mukha.
Nakaraang araw lang nang magdiwang ako ng kaarawan, pero ngayon ay ikakasal na ako.
Kinausap ko si Dad sa nagdaang araw, kahit sa huling sandali kanina. I tried to beg him… so this wedding wouldn’t happen, but it’s f*cking happening!
Wala akong tigil sa pag-iyak habang kalahating oras na lang at magsisimula na ang seremonya.
Pamilya ko lang pati ng lalaking ‘yon ang imbitado rito sa hotel, kung saan gaganapin ang pag-iisang dibdib.
Hindi ko magawang kumalma. I’m so f*cking mad right now after that bullsh*t conversation with my father!
Lumapit ako sa hotel balcony na nadaanan ko. Natigilan ako nang makita ko roon ang lalaking ipapakasal sa akin.
Nandito siya sa balkonahe… nagpapahangin habang humihithit ng sigarilyo.
“I’m lucky you’re young and beautiful,” aniya, sabay buga ng usok sa mukha ko. “Siguro naman hindi ako mahihirapan na mahalin ka.”
“I don’t know anything about you,” sambit ko.
“Well, I’m Esteban Lucien Zulueta… the eldest son of the Zulueta family,” pakilala niya, sabay abot ng palad niyang hindi ko tinanggap. “My family owns a logistics business across the country… the perfect partner for your family’s business, isn’t that right?”
“Esteban, do you even like me?”
Natatawa siyang humithit sa kaniyang sigarilyo bago umiling nang paulit-ulit.
“No, Cecelia… but I don’t have a choice,” bumagsak na boses niya. “I need to break up with my girlfriend just to obey my parents’ wishes. Sabi nga nila, lahat ng desisyon ng mga magulang ay para sa ikabubuti ng anak.”
“I was about to ask you if you could run, Esteban…” napagtanto kong sambit. “But I don’t think you can.”
Mabilis akong tumakbo sa koridor ng hotel, hindi para bumalik sa bridal suite kundi para tumakas sa kasal.
I thought that on my eighteenth birthday I would be free, like a flying eagle. But instead of soaring through my dreams… I’m running away from everything.
Akala ko… kapag nasa tamang edad na ako, hahayaan na ako ng dad ko since I’m not young anymore.
Imbes na kalayaan ang tamasahin ko sa kaarawan ko, ang nakamit ko ay habambuhay na kulungan!
Marriage is a jail with no escape… so I ran away before the wedding could ever take place.