“Caligo, tama na!” sabi ni Elpis sa kaibigan habang inaawat niya ito at pilit na nilalayo kay Hyrim. Huminga lang ng malalim ang binatang lawin at inayos ang damit. Lumapit sa kaniya si Prinsesa Lorde at huminto sa kaniyang harapan. Umangat siya ng tingin sa mukha nito at napansin niya ang pagkadismaya nito sa kaniya. "Tuparin mo ang napag-usapan natin kanina, Kamahalan." Ang sinabi ni Hyrim sa dalaga at napalingon silang lahat sa kaniya. Ngumisi si Lorde at humakbang ng isa papalapit sa kaniya. “Napag-usapan? hindi ba bahagi rin ng napagkasunduan nating dalawa na walang dapat masaktan sa kanila? pero tingnan mo, kung anong gulo ang ginawa mo." Sagot ng prinsesa na may guhit ng kunot sa kaniyang noo. Hindi naman siya masisisi ni Hyrim dahil nilabag niya ang kasunduan nilang dalawa. N

