"Baka gusto niyo akong tulungan dito?" napabuntong-hininga si Hyrim habang sinusubukang tanggalin ang malaking bato sa kaniyang harapan. Ngunit kahit anong paghingi niya ng tulong, walang pumapansin sa kaniya. “Ceto, kamusta ka? ayos ka lang ba?" ang nagsalita ay si Elpis na kaagad lumapit kay Ceto matapos siyang pakawalan ni Balati sa pagkakagapos ng kaniyang mga kamay. Hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tumingin ng malalim mula sa kinaroroonan ni Balati at prinsesa Lorde. "Naririnig niyo ba ako? nandiyan pa ba kayo? baka naman nakakalimutan niyo na ako." Sigaw ni Hyrim, napalingon sina Caligo at Elpis. Nagkatinginan muna silang dalawa at saka nagmamadaling pumunta sa pader na ikinatumba niya. Tinulungan siya ng dalawang binata na tanggalin ang mga batong nakadagan sa kaniya at ti

