“Huwag!” sigaw ni prinsesa Lorde nang subukang salakayin muli ni Balati si Ceto, gamit ang kaniyang espada. Nagmamadaling tumakbo si Hyrim patungo sa dalawa at mabilis na hinarang ang binata sa harapan. Natigilan si Balati at napatitig sa kaniya. Ngumisi siya at humakbang ng isang hakbang patungo kay Hyrim. "Umalis ka diyan kung gusto mong madamay at masaktan." Ang tinuran sa kaniya ni Balati sa mahinang tinig ngunit mariin. “Itigil mo na. Itigil mo na ito ngayon din.” Pagmamatigas ni Hyrim dito. “Hindi mo alam ang ginagawa at sinasabi mo. Kaya habang may kaunting pasensya pa ako sa iyo, umalis ka na riyan sa harapan ko at huwag na huwag mo akong pakikialaman.” Ang sinabi sa kaniya ni Balati na magkasalubong ang dalawa niyang kilay. Naikuyom ni Hyrim ang kaniyang kamao at tumitig sa k

