"Sabihin mo sa akin, ano ang kailangan kong gawin upang mapatumba ko si prinsesa Adena?" Ang tinanong ni prinsipe Adonis kay Prinsesa Aurora habang nakaupo naman ito sa trono ng hari. Tumayo saglit ang dalaga at saka bumaba sa trono niya upang lapitan si prinsipe Adonis. "Kailangan mong mahanap ang puting kristal." Ang binulong niya sa prinsipe. "Saan ko mahahanap ang puting kristal na iyon?" usisa niya rito. Hindi ito tumugon kaagad sa kaniya, bagkus ay nilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid nang mapukaw ng atensyon niya si Prinsesa Ceer. "Siya lamang ang makakatulong sa iyo upang mahanap ang puting kristal." Tukoy nito sa dalaga na ikinalingon naman ni Adonis. Namilog naman ang mga mata ni Ceer sa gulat at napaturo sa kaniyang sarili na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mu

