Mula sa kaharian ng Drima. "Prinsipe Adonis?" bigla na lamang napatayo si prinsesa Dima nang mapatingala siya at makita ang binata sa kaniyang harapan. Napatayo rin naman ang ilang mga kapatid niyang prinsesa at lumapit sa kaniya. "Kamusta na kayo?" mahinang tanong ni Adonis sa kanila na bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. Hindi naman tumugon ang prinsesa sa kaniya. Bagkus ay yumuko lang ito at pinagmasdan ang mga kawal nilang nasawian ng buhay dahil sa biglaang paglusob ng mga kalaban. "Si Prinsesa Adena rin ba ang may kagagawan nang lahat ng ito?" usisa niya. Marahan na lamang tumango sa ulo si prinsesa Dima at kinagat ang ibabang bahagi ng kaniyang labi upang pigilan ang kaniyang paghikbi. Napasapo naman sa sariling noo ang prinsipe gamit ang isang kamay niya at napabuga si

