Pagkamulat ko sa aking mga mata ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakaupo sa lupa at nakasandal sa isang puno. Tumayo ako kaagad at nilibot ng tingin ang buo kong paligid. Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong pasilyo na lumiliwanag. Palagay ko ito na yung daan palabas sa lugar na ito. Ang paglalayag ko sa aking isipan. Dahan-dahan naman akong lumakad patungo rito kahit parang hindi ko maimulat ng maayos ang dalawa kong mga mata dahil sa nakakasilaw nitong liwanag. Pagkalabas ko roon ay sumalubong naman sa akin ang magandang sinag ng araw. Tumingala ako sa langit habang tinatakpan ko ang aking mukha at nakataas ang isa kong kamay. "Nagawa ko," saad ko sa aking sarili na may malawak na guhit ng ngiti sa aking labi. Dalawang beses kong nilibot ng tingin ang buo kong kapalig

