Naligaw ako. Hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon. Nilibot ko ng tingin ang buo kong paligid at tangging mga matatayog na puno lamang ang nakikita ko. Hindi ko mahanap ang amoy ni prinsesa Adena dahil bigla itong nawala at mukhang hindi lamang ito isang ordinaryong kagubatan na matatagpuan sa kung saan. Nasaan ako? anong klaseng lugar itong napuntahan ko? bulong ko sa aking sarili habang paikot-ikot ako ng tingin sa aking paligid. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Ngunit kahit saan man ako tumungo ay hindi ko ito mahanapan ng tamang daan. Hindi ako makalabas sa lugar na kinaroroonan ko ngayon at pakiramdam ko ay parang hindi ako umuusad sa nilalakaran ko. Bumabalik at bumabalik pa rin ako kung saan ako nagsimula. Ano na ang gagawin ko ngayon? paano ako makakaalis sa lugar na i

