Kabanata 33 : (Lorde's Pov)

1610 Words

Kung saan-saang dako na ako nakarating ngunit hindi ko pa rin mahagilap ang kinaroroonan nina prinsipe Adonis at Hyrim. Hindi ko inakala na hindi pala ito magiging madali at ngayon ko lamang napagtanto na napakalawak pala ng aming kaharian. Marami akong natuklasan, napag-aralan at nalaman mula sa aking paglalakbay. Namulat ako sa katotohanan ukol sa estado ng pamumuhay mula sa labas ng palasyo. Marami akong nasaksihan sa lansangan na hindi ko kailanman nakita o naisip nuon. Hindi ito ang inaasahan kong makita mula sa labas ng aming palasyo. Ang buong pagkakaakala ko ay pantay-pantay lamang ang pamumuhay ng mga nilalang doon sa labas. Halos nanlumo ako sa aking sarili nang makita ko ang ilang mga kabataang namamalimos sa daan upang maitaguyod lamang ang pagkulo ng kanilang mga tiyan. Hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD