Binansagang pinakamahusay na manggamot sa buong kaharian ng Drima, ako si Lorde, ang ika-anim na prinsesa ng aming palasyo. "Inang reyna," halos nanghina ang buong katawan ko nang masawian ng buhay ang aming inang reyna at ang masaklap pa roon ay isa sa mga kapatid ko ang dahilan ng kaniyang pagkamatay. Nanlumo ako sa mga nangyari, gusto ko siyang buhayin at gusto ko siyang ibalik sa dati ngunit kung gagawin ko ito ay sariling buhay ko naman ang magiging kapalit. Imbis na lumapit ay tumalikod na lamang ako at lumakad papalayo. Bawat paghakbang ko sa aking mga paa ay katumbas ng pagpatak ng luha sa gilid ng aking mga mata. Wala akong nagawa ng mga sandaling iyon kun'di ang umiyak ng umiyak sa maghapon at nagmumukmok sa loob ng madilim kong silid. Kung tutuusin hindi ako sanay na nakapata

