Mumu Everywhere

1243 Words
Maaga akong nagising. Pagdilat ng pagdilat ng mata ko mukha agad ni Mumu ang nakita ko. Nakaupo sya sa isang monoblock na nakaharap sa kama ko. Aba ang loko nakatingin nanaman sakin. " Oh anu? Bat nakatingin ka nanaman? Ngaun ka lang ba nakakita ng anghel na bagong gising ha?" sabi ko habang umiinat-inat. "Asa ka." sabi nya at tumayo na sya. " Bilisan mo, kumilos kana at may pasok ka pa." sabi nya. Medyo masungit talaga sya. "Tss. Oo na. Para kang tatay ah." sabi ko sabay punta sa kusina. Kinuha ko yung isang cup noodles na nasa may kabinet sa ibabaw ng lababo. Nilagyan ko ng mainit tska tinakpan ulit. "Seriously? Almusal mo yan?" sabi nya. Nasa harapan ko sya at naka crossarms. "Oo. Bakit ba?" sabi ko habang inaantay na maluto sa init ang noodles ko. Umupo naman sa harap na upuan si Mumu. "Ganyan ka ba araw-araw?" tanong nya. "Oo." matipid kung sagot. Luto na ang noodles at sinimulan ko ng lantakan. Pagkatapos nun agad-agad ako pumunta sa banyo para maligo. Nagbihis na rin ako Paglabas ko sa kwarto. May naamoy akong piniprito. Pagtingin ko si Mumu nagpiprito. Ang lupit naman pag ganito ang multo sa bahay di ko to papalayasin. "Oh Zarren kumain ka ng maayos. Itlog lang at tuyo lang nakita ko dito sa stock mo." sabi nya. Hinain nya sa lamesa yung mga niluto nya. "Wow ahH para akong nagkaroon ng katulong ahH. Salamat." sabi ko sabay kain. Sya naman umupo na sa maliit na sopa. Halos mabusog ako sa kinain ko. Pagkatapos kung magtoothbrush ay kinuha ko na yung sapatos ko baka malate nanaman ako. Tumayo ako sa harapan ni Mumu. "Oh sya Mumu. Aalis na ako. Bye" sabi ko. "Di umalis ka." pagsusungit ni Mumu. Alang-ya pag ang lalaki ba naging multo nagkakaroon ng buwanang dalaw? Aba. Takte para sya may regla sa pagsusungit nya. Umalis na lang ako baka kasi mag umpisa nanaman kame sa bangayan. Paglabas ko ng gate may nakita akong bata na nakaupo sa gilid at nakapalumbaba. "Remie?" sya yung batang multo. Napalingon naman si remie sakin. Nginitian nya naman ako. "Morning ate. Wala pa rin si Mama. Ang tagal nya dumating." biglang lumungkot ang mukha ni Remie. Kawawa naman tong batang to. Kahit patay na sya inaantay nya parin ang nanay nya na di naman sya binalikan. "Wag ka na malungkot Remie." sabi ko sabay g**o ng buhok nya. Tumango-tango naman sya. "Z-zarren? Ai hija sino kinakausap mo dyan?" tanong ni Aling Pacing. (o_O) okey. Muntanga nanaman pala ako. Haixt bat di ako nagiging aware sa paligid ko. "He-he-he" wala po aling pacing" sabi ko sabay takbo. Nakarating ako sa may bus stop. Nag aabang ako ng bus. Napansin ko yung matandang lalaki na nagsisigarilyo, nakasout sya ng polo at nakapantalon. At alam mo ba ang ginagawa nya. Sinisilipan nya yung babaeng nasa harapan namin na nakasout ng skirt. Alang-ya matanda na. Manyak pa. Kinalabit ko nga. "Hoy. Lolo !! bakit ka naninilip ha?" mahinang bulong ko. Nagulat naman sya at nabitawan ang hawak na sigarilyo. Napatingin naman sya sakin. Mukhang nagtataka. "Nakikita mo ako?" tanung nya. Oh-uh. Parang mali na pinakaylaman ko tong lolong to. Kinabahan ako sa sinabi nya dahil ganun na ganun ang mga salitang sinabi ni Mumu. Letche Multo rin pala to. Pano na to?? Huminga ako ng malalim at tumingin na lang ng deretso. Kunyari di ko na lang sya nakikita. Magpe-pRetend na lang ako n di ko sya nakikita. "Bata nakikita mo ako." sabi nya kumaway kaway sya pero di ko sya pinansin. Sige lang Zarren. Kaya mo yan. Kinalabit nya ako ng kinalabit pero di ko sya pinapansin. Agad akong sumakay ng bus pagdating-ng pagdating. Pero ang walang-yang matanda sumunod parin. "hija alam ko nakikita mo ako." sabi nya at umupo sya sa tabi ko. Pumikit na lang ako at tinakpan ang dalawa kung tenga. maya-maya pa ay may kumakalabit na nanaman. Ang kulit talaga ng matandang to. Alang-ya talaga hinarap ko sya sabay sigaw. "Alang-ya naman lolo. Anu ba? Nakakaasar na po kayo ha !!!" pero pagtingin ko hindi ang matandang multo ang nasigawan ko kundi si Manong Kunduktor. "He-he-he i-ikaw pala yan manong kunduktor. Ang pogi nyo naman" sabi ko sabay peace sign. Halos lumaki ang butas ng ilong ni Manong. ************ Banas na banas ako kaylangan ko tuloy maglakad mabuti na lang medyo malapit-lapit na rin dito yung bakeshop kung hindi lang sana sa buysit na matandang multong yun. Di sana ako sinipa palabas ng bus. Nabuysit sakin yung kunduktor. Kaya ayun pinaBaba ako ng wala sa oras. "Hija may third eye ka. Magaling. hehehe" natatawang sabi ni Matanda. "Pwde ba tanda. Iwanan nyo na ako. Tantanan kung baga. Wala akong panahon sainyo." sabi ko sabay takbo. Napansin kung hindi na rin sumunod si Tanda. Nasa tapat na ako ng bakeshop ng makita ko si Gain na nakatayo lang sa harap ng bakeshop. Lumingon-lingon muna ako bago ko tawagin si Gain mahirap na baka magmukhang baliw nanaman ako. "Gain!!!" tawag ko agad naman syang napalingon sakin at gulat na gulat sya ng nakita ako pero ang kinagulat ko lalo eh yung bigla syang kumaripas ng takbo palayo at bigla syang naglaho. "Tss. Anu un? yung totoo? ako ba yung multo at natakot ata sya akin.?" sabi ko. Pumasok na ako sa bakery. Naabutan ko si Boss na nagwawalis. "Boss morning ako na po dyan." pagpepResenta ko. "ay andyan kana pala zarren. Maalala ko nga pala. Mawawala ako ng dalawang linggo. Pupunta ako probinsya at bibisitahin ko ang kapatid ko. Kaya makakapagpahinga ka ng dalawang linggo. At sya nga pala mamaya ko na lang ibigay sayo ang sahod mu ha" sabi ni Boss. Tumango lang ako bilang pagtugon. Hay naku dalawang linggo pala ako nitong tunganga. Nang matapos kong maglinis ay sakto namang may pumasok na costumer. "Good Morning po. Welcome po. Anu po ang inyo?" magiliw na sabi ko. Napaubo ako ng mapansin ko kung sino ang nasa likod ng costumer. Si tandang manyak kumakaway. Tinignan ko sya ng Umuwi-ka-na-tanda-look. Pero tinawanan nya lang ako. "bat mo ako tinitignan ng masama ha?" inis na sabi ng costumer. "ay di naman po." peste talaga tong multong to. " Ano po ba ang sainyo?" magalang ko ulit na tanong. Pagkaalis-alis agad ng costumer ay agad kung sinugod si Tandang multo. "lolo tanda. Bakit kayo nandito. May trabaho po ako. Wag nyo po ako ginugulo." pagalit na sabi ko. Pero dnya ako pinansin at umupo lang sya sa isang bakanteng upuan. Napabuntong hinga naman ako. Letche simula ng na aksidente ako kung anu-anu na nakikita ko. Mga multo kahit saan. Pinabayaan ko lang si Tanda na pa ikot-ikot sa loob ng bakeshop. Napatingin ako sa labas. Napansin ko agad si Gain na nakasilip dito sa loob. Napansin din nya na nakatingin ako sa kanya at napayuko naman sya bigla. Lumabas ako para tawagin sya. Pero ng paglabas ko naglaho ulit sya. "Anu kaya problema nun?" napakamot na lang ako sa ulo. Pagpasok ko laking gulat ko na ng makita ko na si Mumu na binabatukan si Tanda. "Mumu? Anu bang ginagawa mu?" sabi ko sabay awat sa kanila. "Eh panu sinabi nyang ang sexy-sexy mo daw." sabi nya habang inaabot nya si Tanda. "Bakit anung masama dun?" nabubuysit na sabi ko. Bakit. Sexy naman ako ha. Compliment yun. "Ayoko sa Sinungaling" sabi nya sabay hila kay tanda palabas. Aba't anung gusto nyang sabihin na binatukan nya ng ganun si tanda dahil nagsisinungaling na Sexy ako. Peste yun ahH. Banas na banas ako dahil kay mumu. Nakaka asar talaga sya. Nasan na kaya yung mga yun.? Sinilip ko sa labas pero wala sila. Bumalik na lang ako sa trabaho ko. Kinuha ko ang mga dapat kung i-deliver. >> Next Chapter 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD