Gabi na ng umuwi ako galing trabaho. Laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay napakalinis na ng bahay ko. Ninakawan ba ako?! Pero ang lalong kinagulat ko ay ang mga tao sa loob ng bahay ko at naglalaro ng scrable. At isa dun si Mumu. Naibagsak ko ang dala kung bag sa gulat.
"Oh Zarren ikaw pala? Gabi na ah" sabi nya at nagtinginan naman sakin ang mga kalaro ni Mumu sa scrable. Nginitian nila ako at kumaway. Nginitian ko din sila at kumaway din ako nilapitan ko si Mumu at hinila ko papunta sa isang gilid.
"Mumu anung ibig sabihin nito. Bat may mga tao dito sa bahay ha? tska akala ko ba ako lang ang nakakita sayo eh anung tawag mu sa kanila. ha?!" sabi ko sabay batok sa kanya.
"Aray ha. Boring ako kaya pinapasok ko yang mga yan." paliwanag nya.
"So ibig sabihin nyan nakikita ka rin nila. Oh di sumama ka na lang sa kanila. Dun ka na magpatulong." sabi ko. Napakamot naman sya ng ulo.
"Hindi pwde kasi mga multo din sila" matipid na sabi nya sa isang iglap nasa harapan ko na yung mga multo.
"A-anu mu-multo din sila?" napa atras ako sa sinabi ni Mumu.
"Yang batang yan. Ang pangalan nya ay Remie. Sya yung multo dun sa may harap ng gate nitong apartment mo. 7years old na sya. Kinamatay nya phnuemunia." sabi nya kumaway naman yung batang may dalang manika. Nabgla ako dahil kung kanina mga mukha silang mga tao, ngaun e mukha na silang naubusan ng dugo sa sobrang putla. Nakakatakot na silang tignan. Napakapit ako sa braso ni Mumu.
"Ito naman si Marco. 22 years old. Sya naman yung multo dun sa lumang building dyan sa plaza nyo. Nasaksak daw sya ng mga kalaban nya nung nagka-g**g war daw sila" nginitian nya naman ako napansin kung nakahawak pa sya sa tagiliran nya na may nakatusok pang kutsilyo. Napalunok ako sa mga nakikita ko.
"Ito naman si Anna. 24yrs old. Multo dun sa may tulay na nadaanan ko. Nagpakamatay sya dahil niloko sya ng 5years boyfriend nya. " medyo nahiya pa sya sakin.
"At ito naman si Gain. 24 yrs old. Sya yung multo sa tapat ng bakeshop nyo. Ikinamatay nya ang atake sa puso." parang familiar sakin to. Pero di ko lang alam kung saan ko sya nakita.
Napanganga ako ng biglang lumapit sila sakin biglang nanlambot ang tuhod ko kasunod na rin ang pagkawala ng ulirat ko.
************
Nagising ako ng makaamoy ako ng masarap na niluluto. Napabangon ako. Mukha agad ni Mumu ang nakita ko. Katabi nya yung batang babae. Remie bayun?
"Hello Ate buti gising kana. Kumain kana." sabi ng bata. Napansin kung mukha nanaman syang tao. Ang cute nya. Hinila nya ako paupo sa may maliit kung hapag kainan.
Si Mumu nakatingin lang sakin habang naka indian Sit sa ere. Yung Gain naman ang nagsasalin ng ulam sa mangkok. Si Anna naman inaayos ang mga plato sa lamesa. Si Remie umupo sa bakanteng upuan. Si Marco naman nagbabasa ng comics at tawa ng tawa. Halos di ako makasalita sa mga nakikita ko.
"Kain kana Miss" sabi ni Anna.
"Zarren. Zarren ang pangalan ko" sabi ko sa kanya.
"Ah ganun ba. Kain kana Zarren. Si Gain ang nagluto nyan." napatingin naman ako kay Gain na nakayuko. Ang hilig yumuko.
"Sige. S-salamat. Pero bakit ako lang ang may plato? Kayo? Di ba kayo kakain?" tanung ko sa kanila. napansin kung napabuntung hininga si Mumu.
"Zarren ang mga multo. Hindi kumakaen. Ok." mataray na sabi ni Mumu. Pumunta na sya sa kwarto.
Tss. Minsan ang sungit nun.
"Ate kumain kana. Luto yan ni Kuya Gain" sabi ni Remie. Nginitian ko lang sya at nagsimula na akong kumain. Natuwa ako dahil ang sarap ng luto ni Gain.
"Gain ang sarap mo naman magluto. San ka natuto?" usisa ko.
"A-ah hilig ko kasi magluto nung buhay pa ako. Natuto ako magluto dahil sa Mommy ko" nakayukong sabi nya. Kung pagmamasdan si Gain sya yung tipo ng tao. Na mukhang di pala imik at mahiyain. Mama's Boy siguro to. Nabaling ang tingin ko kay Anna na kanina pa nakatingin kay Gain.
"Anna. Ikaw bat mo naisipang magpakamatay dahil lang sa wala mung kwenta at manloloko mung boyfriend?" tanung ko nagulat ako ng bigla syang naglumpasay sa iyak. Okay. Wrong Question.
(-_____-") tinapik-tapik ni Remie ang likod ni Anna.
"Anna Sorry ha di ko na-" -ako
"Hindi. Okay lang. Sorry at umiyak pa ako." sabi nya habang pinupunasan luha nya.
"Ah ganun ba?" yun lang ang nasabi ko.
"Ate. Ako !! di mo ba ako tatanungin?" singit ni Remie.
" Sige na nga tatanungin din kita bakit nandyan ka sa gate ng apartment ko namamalagi.? ikaw rin ba yung nagpapatay-sindi ng poste dyan sa may tapat? Kasi minsan may mga sabi-sabi na madalas nagpapatay-sindi ang street light dyan sa tapat at may nagpapakita daw na batah. Ikaw ba yun?" tanung ko.
"Opo." magiliw na sagot ng bata.
" Bakit mo ginagawa yun? Alam mo bang tinatakot mo yung mga tao dito?" sabi ko habang kumakaen.
" Gusto ko kasing pansinin nila ako kaso sa tuwing magpapakita ako sa kanila nawawala agad ako at ayun tumatakbo sila. Gusto ko lang naman tanungin kung nakita nila si Mama." nakapout na sabi ni Remie. Ang cute nya.
"Pero sa ginagawa mu natatakot sila. Nasan ba kasi ang mama mo?" tanung ko napa iling naman sya. Nakaramdam ako ng awa sa batang to. Maya-maya biglang sumulpot si Marco sa harap namin.
"Anu ba yan mga dude ang dadrama nyo naman. Tara party-party na lang tayo." singit naman ni Marco at sabay akbay sakin at nginitian ako.
"Ang ganda mo pala Zarren pwede ka bang liga--Aray !!!" " angal ni Marco ng batukan sya ni Mumu.
"Wag mu nga syang akbayang Tambay ka." sabi ni Mumu na bigla nalang sumusulpot at ng babatok.
"Oo nga. Wag mu syang akbayan." napatingin lahat kame sa nagsalita. Si Gain. Napayuko ulit sya. Mahiyain talaga to.
"Sige na. Gabi na magsi-uwi na kayo. Balik sa mga pwesto nyo. At manakot na lang kayo dun. Magpapahinga na si Zarren. Bukas na lang ulit." sabi nya sabay senyas ng kamay na animo'y nang bubugaw ng langaw.
Nagsitayuan naman sila. Kumaway sakin si Anna at Remie bago sila lumabas at tumagos sa pader. Si Gain naman kumaway lang sakin at sabay takbo katulad nila Anna tumagos din sya sa pader.
Naiwan si Marco nakatayo.
"Ikaw. Marco umuwi ka na rin. Nagsi alisan na sila baka gusto mu ng umalis na din?" maangas na sabi ni Mumu nakapamulsa nanaman sya. Feeling gwapo tska astig. Hmf pero gwapo nga naman sya at astig kaso patay na sya e. Sayang.
"Bat ikaw di ka pa rin umaalis ah. Gusto mu lang masolo si Ganda.
" sabi ni Marco. Natawa naman ako tinawag nya akong maganda.
"Taga dito talaga ako. Sapakin kita dyan e. Solo-solo ka pang nalalaman. Alis" sigaw ni Mumu. Kinawayan ako ni Marco at umalis na rin sya.
Inayos ko na ang pinagkainan ko. Habang naghuhugas ako ng plato napansin kong ang tahimik ni Mumu.
"Hoy Mumu. Bat ang tahimik mo?" sabi ko habang pinupunusan ko ang mga plato.
"Wala." matipid na sagot nya.
"wala pero tahimik ka dyan. Bat di mo na lang kasi sabihin. Nahiya ka pa. Ang arte mo talaga Mumu" sabi ko
"Stop calling me Mumu. Okay. Hell. its so annoying" asar na sabi nya at umupo sya sa sofa. Ang arte talaga.
"Arte mo. Ah basta Mumu na ang pangalan mo. Tapos. Period. No Erase. Padlock. End. Got it." sabi ko sa kanya at umupo na din ako sa sofa. " Alam mo Mumu sabihin mo na kasi para naman tayong di housemate" biro ko.
"Whatever." pagtataray nya. Peste talaga to.
"Antipatiko ka talaga. Ikaw tong nakikituloy sa bahay e. Ikaw tong nagmamaldita." sabi ko sa kanya.
"As if naman gusto ko tumira dito. Kung di nga namin to nilinis kanina di mo to matatawag na bahay. Mas mukha pa ngang tambakan to ng basura e. At dahil wala akong choice kaylangan kita para malaman ko din kung sino ako nung buhay pa ako." pagsusungit nya. At pumunta na sya sa sofa.
Ako naman pumunta na sa kwarto para matulog. Ang sungit ni Mumu grbe :(
>> Next Chapter