Naglalakad ako papunta sa bus stop ng my biglang sumitsit sakin. Anu ako aso.? Diko nilingon. Pero sitsit parin sya ng sitsit. Sa inis ko hinarap ko ang letcheng sumisitsit sakin. At pagtingin ko si Mumu pala.
" Anu ba Mumu hanggang dito ba naman? Uwi nga ka dun sa bahay. Bakit ka ba sumama?" pagalit na sabi ko.
" Eh wala akong kasama dun e. Tska amboring dun. Walang T.V. walang radyo at walang kausap kaya sasama na lang ako." sabi nya.
"Ewan ko sayo. Tska wag mu nga ako sitsitan hindi ako aso?" asar na sabi ko sa kanya.
" Eh di ko alam pangalan mo e. Gusto mu pangala-" kinuntra ko na ang sasabihin nya.
" Wag na. May pangalan ako. Okey. Ako si Zarren. Kaya umuwi kana at may trabaho pa ako. Hala uwi." Sigaw ko sabay turo sa daan pauwi sa bahay. Dun ko lang napansin na marami ng taong nakatingin sa akin.
" Baliw na ata yung babae.." sabi nung isang ale na nakatayo malapit sakin.
"Oo nga. Sayang naman yang batang yan. Maganda pa naman" sabi naman ng kausap nya.
"Naku. Baka nagda-drugs sya. Mga kabataan nga naman." sabi ng isang mama na nakatayo din malapit sakin. Sari-sari pa ang mga narinig ko. Peste napagkakamalan akong baliw dito. Walang-ya talaga to si Mumu. Tinignan ko ng masama si Mumu at ang walang-ya patawa-tawa tumigil naman sya kakatawa ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. Napataas sya ng balikat. GrRh buysit talaga sya.
"He-he-he- pasensya na po" sabi ko sa mga taong nakapalibot sakin at tumakbo na ako sa bus stop. Sakto naman dumating ang bus at sumakay na ako. Halos gusto kung lumubog sa kinauupuan ko ng mapansin kung sumakay din yung isa sa mga ale kanina. Napayuko na lang ako at napasandal sa bintana ng bus.
"Pwede maki-upo?" anya ng isang lalaki. Tumango na lang ako. Wala na akong lakas para makipag-usap pa.
"So san tayo pupunta ngayon zarren?" bigla akong napalingon kung sino ang katabi ko. Napasigaw ako.
"Mumu ?!!" sigaw ko nagtinginan lahat ng tao sa loob ng bus. Halos gusto ko ng bumaba. Napayuko ulit ako sa sobrang hiya.
"hahaha pinagkakamalan ka ng baliw zarren wag ka kasing O.A." pang-aasar nya. Napafacepalm nalang ako. Diko na sya pinansin kasi baka mabaliw na ako ng tuluyan dahil kay Mumu.
Hanggang nakarating ako sa bakeshop na pinagtatrabahuan ko.
Nakasunod parin si Mumu pero di ko naman sya pinapansin.
Pagdating ko sa shop sumalubong agad sakin si Boss.
"Zarren anu ? May balak ka pa pala pumasok. Ay aba mahigit isang linggo ka di pumasok ha. " sabi ni boss.
"Anu Boss? mahigit Isang linggo akong di pumasok?" so ibig sabihin matagal akong nakatulog. Grbe. Malaki-laki nga bayaran ko dun panigurado buti na lang nakasibat agad ako sa ospital.
"Naku. Zarren nasan na yung bayad sa last na pina-deliver ko sayo?" singal ni Boss. Walang-ya na aksidente na ako lahat-lahat ganyan parin sya. Di nya ba yun alam?
"Ah e- boss na aksidente po ako e. Nasira nga po ang scooter ko pati yung mga buko pie nadali. Kakalabas ko lang sa ospital." paliwanag ko.
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.
Hinawakan nya ako sa balikat at inikot ikot. Sinapo nya rin yung pasa at sugat ko sa noo ko.
"Totoo nga. Totoo ngang na aksidente ka. Akala ko gawa-gawa lang yun ni Unteng." sabi nya sabay yakap sakin. Mabait naman to si Boss e. Matandang dalaga kaya medyo masungit. Anu daw si Unteng ang nagbalita kay Boss na naAksidEnte ako.
"Anu po si Unteng?" sabi ko.
"Oo. Si Unteng ang nagbalita sakin di ko naman pinaniwalaan alam mo naman yun baliw yun diba. Dati nga sinabi nya satin na patay na si Manong Domeng na nagdadala ng buko satin tapos pinadalhan natin ng corona sa patay sa bahay nila. Diba Sinugod tayo dito. Dahil buhay pa nga daw sya pinapadalhan na daw ng bulaklak sa patay. Kaya yun akala ko ng bibiro lang sya kasi sabi nya nabangga ka daw ng UFO tapos dinala ka daw sa Ospital. Zarren? Talaga bang nasagasaan ka ng UFO? Buti di ka nila kinuha. At buti ayos ka lang." nag aalalang sabi ni boss. Langya nahawaan na rin ata to ni Unteng e.
"Boss. totoong na aksidente ako pero hindi ako nabangga ng UFO. Nabangga ako sa puno dahil iniwasan ko yung banggaan sa harapan ko pero sa pag-iwas ko. Ayun nadali din ako. Tska bosS wag ka ngang lapit ng lapit kay Unteng mukhang nahahawaan ka na e" sabi ko at umupo sa may bakanteng upuan.
"Dahil dyan Zarren palalagpasin ko yang mga nasayang mung buko pie. Siguro naman ayos kana. Pwede kana ulit magdeliver kasi marami na tayong na antalang benta." sabi nya.
"Panu yun Boss. Wala na yung scooter ko." sabi ko nalungkot naman ako bigla. Wala na pala ako scooter. May hinagis sakin si Boss na susi.
"Oh ayan susi. May scooter dyan sa may likod kunin mo. Gamitin mo. Dapat regalo ko yan sa birthday mo kasi alam kung kakarag-karag na yung luma mung scooter---" niyakap ko bigla si Boss nakakatouch naman si Boss na alala nya pa birthday ko.
"Boss. Salamat. Maraming salamat talaga. I love you." sabi ko sabay halik sa dalawa nyang pisngi sa labas ng ampunan sya ang tumatayo kung nanay kasi 15 yrs old pa lang ako madalas na akung pumunta dito para tumulong-tulong hanggang sa kunin nya na ako bilang taga deliver.
"Naku bata ka bitawan mu nga ako. wag kang magpasalamat hindi naman yung brand new. Second hand lang yun benenta lng sakin yun ni Pareng Lito nung nakaraang buwan." sabi nya. Sus nahiya pa. Thankful talaga ako at nakilala ko si Boss.
Napatingin ako kay Mumu na nakasanday sa may pinto. Nakatingin lang sya samin.
"Oh sya-sya bata ka umalis kana at dalhin mo tong buko pie kay Mr. Chua." sabi nya. At pumasok na sa loob ng kusina. Napangiti naman ako nahiya pa si Boss.
"Geh boss. Alis na po ako. I love you po." sabi ko kinuha ko ang cap ko at lumabas na ng shop. Kinuha ko yung scooter sa likod. Wow ang ganda kahit second hand ang mahalaga galing to kay Boss.
Inayos ko na ang mga buko pie tinali ko sa likod at sinuot ko na ang helmet ko ng maramdaman kung may sumampa sa likod ng scooter ko. Napalingon ako.
"Anu ba Mumu. Umalis ka nga dyan at may lakad pa ako" sabi ko.
"Ayoko nga." napabuntong hinga na lang ako bahala na sya.
habang nasa byahe kame tumayo sya at nag-mala titanic sa hangin.
Natawa naman ako sa kanya.
Nang madeliver ko na ang lahat ng dapat i-deliver pumunta na ako sa shop. Bantay ako sa shop ngayon. Magpapahinga daw si Boss.
"Zarren. Mag-isa ka lang ba sa Bahay mo?" tanong ni Mumu habang nakahiga sa may counter.
"Oo bakit. Mumu?" sabi ko habang nagwawalis.
"Oh Sh*t stop calling me Mumu. Ang pangit di bagay sakin." sabi nya at umihip ang hangin kaya nagsiliparan ang alikabok sa mukha ko. Tinignan ko sya ng masama.
"AhH anu ba. Tatawagin kita ng Mumu sa ayaw at sa gusto mo. Okay" galit na sabi ko.
" Eh ang pangit nga. Di mo ba maintindihan?" sabi nya sa asar ko binato ko sya ng basahan pero tumagos lang yun sa kanya.
"Urgh !!! ang arte-arte mo talaga." sabi ko di ko napansin may pumasok na pala na customer sa shop nakatingin sakin at nakanganga.
Napa-ayos ako ng tayo. Patay nakita ata ako.
"Welcome po sa Pie Bakeshop" nakangiting bati ko patay malisya ako.
"B-bibili s-sana ako ng blueberry pie miss" sabi ng isang lalaki halatang alangan sya sakin.
"Ah take out po ba?" nakangiting sabi ko halatang ilang sya sakin. Anu na kaya iniisip nya
"Ah- t-take out na lang" sabi nya at tumingin-tingin sya sa paligid. Naku alam ko na iniisip nito buysit talaga to si Mumu napagkakamalang baliw na ako.
Kinuha ko na yung order nya. Binayaran nya naman agad at nagmadali syang lumalabas. Paglabas nun ay agad kung binalingan si Mumu.
" Tignan mo ginawa mu Mumu." sabi ko. Sa kanya.
" Ako pa may kasalanan. Ikaw dyan parang tangang kausap ng kausap sakin pag may tao e." sabi nya sakin binato nya pabalik ang basahan at lumabas na ng shop. Gusto ko syang patayin pero patay naman talaga sya. Haixt. Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko.
Tatanda ako ng maaga kay Mumu.
Wala syang ginawa kundi buysitin ako.
>> Next Chapter.