ZARREN P.O.V Liwanag ng sinag ng araw mula sa uwang mula bintana ang nakapagising sa akin. Umaga na pala. Pagdilat ko wala na sa tabi ko si Mumu na katabi ko lang kagabi bago ako matulog. Lumingon ako sa buong paligid ng kwarto pero wala akong Mumung nakita. Tumayo ako para punta sa kusina pero bago ko buksan ang pinto may nakita akong isang sticky note. Please. Always smile :) Napangiti naman ako. Anu nanaman bang pakulo to? Lumabas na ako ng kwarto pero paglabas ko wala parin Mumu sa paligid na nagpapakita. Sa may dining table may pagkain na natatakpan at isang sticky note ulit ang nakita ko. "Wag magpapalipas ng gutom. Kumain sa tamang oras. P.S: NO NOODLESS ALLOWED. Muli akong natawa. Anu nanaman ba to. Muli kung hinanap si Mumu pero wala parin akong nakita. Nasan na ba kasi sy

