ZARREN P.O.V Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi ni Mumu. Para akong tinakasan ng lakas sa sobrang pagkalumo. Ito na nga ba ang pinakakatakutan ko. Sandali pa kaming binalot ng mahihinang hikbi, ni walang umiimik sa amin dalawa. Pinunasan ko ang luha ko at tska ako pilit na ngumiti tska ko sya hinarap. "Eh di masaya. Sa wakas bumalik na yung mga alaala mo. Masaya ako para sayo.-" nakangiting sabi ko sa kanya pero seryosong mukha lang ang pinapakita nya, halatang di sya naniniwala na masaya ako. "Hahaha anu ka ba maniwala ka masaya nga ako. Masayang-masaya. Diba nung una pa lang ito naman talaga yung pakay natin, yung maalala mo kung sino ka.-" pekeng ngiti ko sa kanya habang pilit kung pinipigilan ang maluha. Ayokong ipakita sa kanya na nasa

