JOAN POV "Anu ba sa tingin nya ang ginagawa nya?" nasambit ko ng makita ko yung lalaking iniwas ko sa aksidenteng to, ayun nagpapakabayani at pilit na tinutulungan yung lalaking nakatakda ng mamatay. "Wala na syang magagawa. Nangyari na ang dapat nangyari. Yun ang kapalaran ng lalaking yun bat nya pa pinapaki-alaman. Nagpapagod lang sya." pinagmamasdan ko lang ang pagpapakabayani ng lalaking to. Ilang minuto na lang ang aantayin ko. Habang nanunuod ako sa mga eksena nagulat ako ng tignan ko ang libro. "Hala? Bakit dalawa na lang ang susunduin ko? Tatlo to ah.-" sabi ko at bigla akong napatingin dun sa lalaki bitbit nya yung bata palayo sa kotse. "Wag !!" sigaw ko kahit alam kung di nya ako maririnig. Binago nya ang dapat mangyari. Nakatakda ding mamatay ang batang yan. Sumabog na ang

