ZARREN POV "Zarren di ka ba natatakot?" biglang natanung ni Gain. "Matatakot? Saan? Sainyo?" nagtatakang tanung ko kinuha ko naman yung plato ko para hugasan naglakad na ako papunta sa lababo. "Sa padating ng oras na mawawala kami." nabitawan ko ang plato dahilan para mabasag yun. Pakiramdam ko nabingi ako sa narinig ko. "O-okey ka lang ba Zarren?" nag-aalalang sabi ni Gain Feeling ko nanlambot ako sa sinabi ni Gain. Bakit di ko naisip na mangyayari yun sa mga darating na panahon. Darating ang oras na mawawala din sila. Di ko lubos maisip na mangyayari yun at maiiwan na naman akong mag-isa. "Zarren sorry kung nabigla kita pero alam mo naman na darating yung time na mawawala kami diba." sabi ni Gain. "Ha? Ah o-oo. Alam ko." wala sa sariling sabi ko. Alam ko na mangyayari yun pero an

