Chapter 3

2295 Words
Katatapos lang ng exam namin ngayon at muli ko nanamang naramdaman ang pagod. Araw-araw naman yata akong pagod. Simula talaga nang mag-college ako, hindi ko na naramdaman ang likod ko. Nararamdaman ko man ay puro sakit at bigat nalang. Naging maayos naman ang departamental examination namin kaya lahat kaming magkaklase ay masaya ngayon dahil nairaos nanaman namin ang isang pag-subok. Habang tumatagal mas narerealize ko ang laging sinasabi saamin ng mga seniors na mahirap maka-graduate ng architecture.     “Clarke, tara kain tayo!” aya saakin ni Leila at hindi naman ako tumanggi dahil gutom na rin ako. Siguro yung ikakain ko ngayon ay hanggang hapunan ko na dahil hapon na rin naman dahil late na rin natapos ang exams.     Dito kami sa may Jollibee malapit sa school kumain. As usual, puno ang Jollibee pero buti nalang ay dalawa lang kami ni Leila kaya naman madali ako nakahanap ng puwesto. Nang dumating ang order naming ay kumain na kami ni Lei at nagkwentuhan na rin.       Nakwento lang niya ang nangyari nung Sabado na biglaan siyang sinundo nang daddy niya dahil birthday apra nang kapatid niya sa Daddy niya at nag-celebrate ito sa Okada. Mayaman si Lei lalo na ang Dad niya dahil isa itong business man samantalang ang Mommy naman niya ay isang Engineer. Hindi niya masyadong kinukwento ang tungkol sa pamilya niya dahil masyado raw iyon magulo at nalulungkot lang siya. Kahit siguro ako iyon ay malulungkot ako pero maswerte parin ako na mahal ni Mama at Papa ang isa’t isa kahit na madalas sila mag-away.       Kinuwento ko rin kay Lei ang nakilala ko sa Adi’s at hindi siya makapaniwala na nakakilala ako ng isang guy na nag-aaral sa school ng mga Elite! Kahit ako ay hindi parin makapaniwala hanggang ngayon. “So, text mate na kayo?” tanong ni Leila saakin habang kuamakain ng fries. Tumingin naman ako sa phone ko at walang text doon. Simula nung sabado ay hindi na siya muling nag-text. Ang huling message niya saakin ay noong pinatingin pa niya ako sa kaliwa.     “Hindi nga, eh.” Dismayado kong sagot sakaniya.     “Oh eh bakit ka malungkot? Crush mo na?” panunukso nito saakin. Mabilis ko naman iyon itinanggi.     “Crush agad? Hindi ba pwedeng napapaisip lang?”     “Ano naman ang naiisip mo?” malibis naman nitong tanong saakin.     “Naisip ko lang na baka thankful lang talaga siya saakin that night kasi shinare ko siya ng table at hindi naman niya talaga gusto makipag-friends. Alam mo, yung mga mayayaman, bihira sakanila yung makipagkaibigan sa mga middle class ‘no!” pagdedepensa ko. Hindi ko nilalahat ng mga mayayaman dahil ayoko ma-offend si Leila pero nagualt ako nang mag-agree siya sa sinabi ko.       “Tama ka naman doon, Clarke. Except saakin kasi kahit hindi ko pa alam ang status mo, gusto talaga ktia maging kaibigan. Pero kung sabagay, sabi mo nga ay elit si Louis kaya huwag ka nalang din umasa.” Sabi anman nito. Hindi ako na-offend sa sianbi ni Lei bagkus pareho naman kami ng iniisip. Atsaka hindi ko naman din kailangan ng maraming kaibigan. Idadagdag ko nalang siguro sa experience ko ang mga ganoong kaganapan sa buhay ko na minsan akong nakakialla ng isang Elite. Nababasa ko lagn sila dati sa magazine pero swerte ko dahil nakakilala ako ng isa. “Atsaka hindi naman natin sure kung talagang elite siya. He may have that almost eight million car, pero who knows, di’ba?” hindi ko alam kung tunog denial ba ako or whatsoever.       “Clarke, ano ka ba! Walang nag-aaral sa Radeon University nang hindi ka elite! My dad wants me to enroll to that university and that time, the registrar asked my dad’s annual income! If hindi umaabot ng ten million ang annual income mo, hindi ka makakpag-aral doon. Even though my dad can, I refuse kasi ayoko ng ganoong klase ng school life. Hindi ko lifestyle yung masyadong mayaman pumorma.”     Nagulat ako sa kwentong iyon ni Leila. Sobrang yayaman pala talaga nang mga nag-aaral doon kaya hindi na ako magtataka kung bakit may sariling airline ang Radeon. Hindi lang airline kung hindi may mga resort, condominiums at high rise buildings pa ito. Nang marinig ko iyon ay mas nanlumo ako. Louis is a real elite. Well, why would I feel upset? Atleast ngayon hindi ko talaga kailangan malungkot if hindi na siya mag-text saakin dahil masyado siyang mataas para maging kaibigan ko.     Who on earth would bring their pride down para lang makipag-kaibigan sa isang middle class person?     Bago kami maghiwalay ni Leila ay ipinaalala niya na susunduin niya kao bukas dahil pupunta kami sa BGC para pumnta sa Ayala Museum. Iyon kasi ang magiging major plate namin kaya kailangan anmin bumisita sa museum para magkaroon ng ideas sa design.      Bago matulog ay chineck ko nanaman ang phone ko wala apring text message galling kay Louis.     “Ano kba, Clarke? Sabi ko naman sayo tigilan mo naa kakaintay.” Sabi ko sa sarili ko atsaka naman ibinaba na ang phone ko para matulog.       Pagkadating namin sa museum ay agad naming ginawa ang research na kailangan namin. Namangha ako sa ganda ng interior ng museum at maski ng mga naka-display dito. Talagang nasa-satisfy nito ang mata ko. Ganoon din si Lei dahil amhilig rin siya bumisita s amga museum. Panagrpa anming dalawa ang may New York para pareho kamign makakabisita sa The Met para makita ang mga works ni Van Gogh.     “Okay ka na, Clarke?”tanong ni Lei saakin. May sinulat lang ako na information bago ko siya sinagot. Tapos na rin ako sa mga ipapasa kong research kaya naman nagdesisyon na rin kami na lumibot pang kaunti atsaka naman nagdesisyon na kumain.       “Saan mo gusto kumain, Clarke?” tanong ni Lei saakin.       “Sa hindi pa natin nat-try?” may halong pangcha-challenge ang tono ko kay Leila. Ito ang gusto namin kapag nalalayo kami ng gala ni Leila. Yung magtry ng mga restaurant na hindi pa namin na-ttry. Mahilig kami mag-food trip dalawa.       “Iyan ang iniintay kong sagot mo, Clarke! Sawang-sawa na ko sa Jollibee sa Teresa!” bakas sa boses niya ang pagka-umay nga talaga at kahit naman ako ay sawa na doon. Inakbayan niya na ako atsaka kami nagpunta na sa isa niyang alam na restaurant dawn a matagal an niya gusting subukan. Nang malapit na kami ay biglang lumabas sa isang jewelry shop along our way ang Daddy ni Leila. “Dad?” tawag ni Lei sa Daddy niya.       “Anak! It’s good to see you. What are you doing here?” nakangiting bati nito kay Lei at humalik pa sa pisngi. Nakatayo lang si Leila doon at ako naman ay nagmasid lang sa kugn ano ang susunod na mangyayari.     “We are here to eat. By the way, this is Clarke. You already met her.” Pagpapakilala saakin ni Lei sa Daddy niya. Nagmano lang kao atsaka nakangiti naman ang Daddy nito saakin. Mabait naman talaga ang Daddyni Lei pero hindi ko masisisi si Lei dahil niloko ng Daddy niya ang Mommy niya.     “Hello, Clarke. It’s good to see you again. Sumabay na kayo saakin. Kakain na rin ako.” Pag-aya nito saamin.     “No!” mabilis na sabi ni Lei sa Daddy niya. Napalunok naman ako sa inaktong iyon ni Leila.     “Leila, anak, please? Ngayon lang ulit. Besides, I wanted to treat you and Clarke a good lunch for successful exams. Is it okay with you, Clarke?” baling ng Daddy nito saakin. Teka, bakit ako ang tinanong? Ayoko naman magsabi nang Oo nang labag sa loob ni Leila kaya tinignan ko ito at nakatingin rin siya saakin. Ipinaramdam ko kay Lei na ayoko sagutin ang Daddy niya kaya siya nalang ang sumagot para saakin.       “Fine. But we’ll eat on that restaurant.” Payag ni Leila at itinuro ang isang fine dining restaurant. Nakangiti ang daddy ni Leila na pumayag at pumasok na nga kami doon. Interior palang ng restaurant ay sumisigaw na pang-mayayaman iyon. Nakakamangha!     “Ang ganda dito!” excited kong sabi kay Lei. Ngumiti naman iyon saakin.     “Syempre. Ang tagal ko nang sinesearch itong restaurant na ito talaga. Sa may chicken wings lang talaga kita aayain pero dahil nag-insist si daddy, dito ko siya sa pinakamahal inaya. Aba!” natatawa naman ako sa tono ni Leila. Basta talaga sa pera hindi mo siya malalamanagan.       Umorder na ang Daddy ni Leila at nang duamting ang mga iyon ay nagualt ako sa dami no’n. Grabe, parang hindi naming mauubos sa dami nang pina-serve na pagkain ni Tito Regie.     “Please don’t be shy, Clarke. This all for you and Leila.” Nakangiti nitong sabi saakin atsaka naman kami kumain na. Sobrang sarap ng mga pagkain.     “Clarke, if you don’t mind me asking, ano pala ang ginagawa ng Dad mo?” tanong ni Tito Regie. Hindi naman ako na-offend or what dahil hindi naman ako nahihiya.     “Meron po siyang sariling Tayler sa harap po ng bahay naming, Tito.”nakangiti kong sagot sakaniya.       “Wow. Your dad is good with cars pala.”     “Yes, Tito. Kahit po mga trucks kaya niya pong gawin. He used to be a Mechanical Engineering student po pero hindi niya naituloy kasi po sa financial but my Dad is really good at cars po talaga. No doubt.” Masaya kong kwento at nakangiti naman si Tito Regie habang kinukwento ko si Papa sakaniya.       “You seem to be very proud of your dad.” Sabi nito. Natahimik naman bigla si Leila nang marinig iyon. Naramdaman ko ang nararamdaman niya kaya naman tumango anlang ako sa Daddy niya. Buti nalang ay nag-iba ang topic at hanggang sa matapos kami kumain ay tahimik lang si Leila. Marami kinukwento  si Tito Regie at malimit naman na sumasagot si Leila kapag tinatanong siya ng Daddy niya.       Nang lumabas kami sa restaurant ay agad na nag-paalam ang daddy ni Leila. Gusto sana niya kaming ihatid ni Leila pero ayaw ni Leila at sianbing may pupuntahan pa kami. Mas okay sakin na hindi rin magpahatid dahil gusto ko pa sulitin ang araw na ito para gumala. Pagka-alis naman naman ni Tito Regie ay nakita ko si Leila na biglang napahinga ng malalim.       “Alam mo, Clarke, hindi naman ako masama. Ayoko maging rude kay Daddy pero I feel like I’m betraying my mom if ever I become nice at him again.” Malungkot nitong sabi pero nakatuon parin ang mata niya sa sasakyan ng Daddy  niya na palayo saamin. Tinapik ko lang ang baliakt nito.     “I understand. Give yourself some time. Magiging okay rin ang lahat.” Ngumiti lang siya saakin.     “Una ka na, brother. May kunin lang ako sa car.” Narinig kong boses nang isang lalaki na habang tumatagal ay lumalapit saamin. Hinanap ko kung kaninong boses iyon pero huli na nang Makita ko dahil nabungo niya na ako. Nagulat siya dahil nakatingin siya sa kaibigan niya at nang titingin siya sa daan ay nabunggo na niya ako.     “Oh God! Im sorry, Miss!” sabi ko at agad akong hinawakan sa magkabilang braso ko para hindi ako ma-out of balance. Pagtingin ko sakaniya ay isang Morenong lalaki ang nasa harap ko at parang may lahing dayuhan ang itsura.       “Sorry, Miss. Okay ka lang?” tanong nitong ulit. Hindi naman siya slang mag-salita kaya sigurado ako na Pilipino siya. Sadyang mukha lang siyang dayuhan siguro talaga. Itinulak ko siya sa sobrang irita ko sakaniya.       “Pwede ba sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo?” masungit kong sabi sakaniya atsaka naman inayos ang suot ko. Naka-skirt pa naman ako ngayon kaya ang awkward nang muntikan kong pagbagsak. Si Lei naman ay nasa gilid ko na para tulungan ako mag-ayos.       “Nakaharang ka kay sa daan. Kita mo naman na walkpath ito tapos dito ka pa tumambay?” balik nito saakin na mas ikinainit ng ulo ko sakaniya. Ang kapal naman ng mukha!     “Hoy ikaw ha. Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo!” pagbabanta naman ni Lei sakaniya. He simply smirked.     “Wow. Mga babae nga naman. Look, Miss, I already said that I am sorry. Is it not enough?” pagtatanong nito.       “Yung sorry mo lumalabas lang sa ilong mo.” Masungit kong sabi sakaniya. Presko nitong inayos ang suot niyang uniporme. Nakakunot ang noo ko sakaniya.       “Look, I am not here to catch a fight. Tell me, how to make it up to you?” mas mahinahon na nag boses nito.       “Wala dahil ayoko na maka-encounter pa ulit nang katulad mo!” masungit kong sagot sakaniya. Nakakirita! Ang yabang yabang pa.     “Wow! Okay. Wala ha sabi mo ‘yan! Huwag na huwag mo kong ma-post sa f*******: and act like a manipulative one, huh?” napa-awang naman ang labi ko sa sianbi niya. Seriously?       “Seriously? Sino pa baa ng gumagawa niyan ngayon? Masyado ka nang old fashion. Wala nang gumagawa niyan ngayon.” Naramdaman ko naman ang frustration niya nang hawiin niya ang buhok niya at bahagyang tumingin sa kaliwa niya para kumuha ng hangin.     Magsasalita na siya nang bigla namang may pamilyar na boses na nag-salita sa likod niya. Nang tignan ko iyon ay nagulat ako nang nakita ko ang mestizong lalaki na matangkad. Hindi pa niya ako nakikita dahil inaayos niya ang kung ano sa wallet niya. Hindi ko maalis ang tingin ko sakaniya dahil nakita ko siya ulit. In his uniform. Ang gwapo!       Nang magtama nag mga mata namin ay nagulat siya nang makita niya ako. Ngumiti siya kaagad saakin.       “Clarke?”       Hindi ako makapaniwalang siya ang nakikita ko.       “Louis?”       And he moved forward na lagpas sa kaibigan niya atsaka naman tumapat saakin sabay ngiti. Kung nakakatunaw ang ngiting iyon, baka tunaw na ako ngayon at mabilis na nag-evaporate.     *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD