Chapter 2

2326 Words
12:33 am na at nakaramdam ako ng gutom dahil kape palang ang kinakain ko. Inilabas ko sa bag ko ang isang chocolate bar atsaka naman kinain iyon habang nagbabasa parin. Natapos ko nang aralin ang History kaya naman ngayon ay nagbabasa ako sa subject naming na Architectural Design. Most of our exam kasi ay ito ang pinaka-kailangan aralin din dahil ito yung magiging foundation ng design na gagawin naming kapag binigyan na kami ng isang design problem.     Hindi ko maiwasang tignan si Louis na ngayon ay nagbabasa ng text book niya. Mukhang about sa eroplano yung kurso niya dahil sa binabasa niyang libro. Hindi ko alam kung tungkol saan iyon pero kanina pa niya iyon binabasa.     “Clarke?” bigla siyang nagsalita kaya naman napabalik ang tingin ko sa screen ng laptop ko. Nagkunwari akong ngayon palang titingin sakaniya. Nakasalubong ko ang mga mata niya.     “College ka na rin, no?” pagtatanong niya. Tumango ako atsaka kumagat ulit sa kinakain kong chocolate bar.       “Ano course mo?” tanong niya. Dahil puno ang bibig ko ay ipinakita ko nalang sakaniya ang isa kong libro na nakalagay ay " A Visual Dictionary of Architecture” ni Francis D.K Ching.  Napatango naman siya saakin.     “Nice course! So, you’re good at drawings?” pag-iingles niya. Hindi ko naman alam kung English rin ba ng sasagot ko sakaniya kaya naman umiling ako sakaniya. Hindi naman ako magaling mag-drawing talaga. Gsuto ko lang talaga nagcoconceptualize.   “Nako, hindi! I don’t consider myself as good at drawings. Siguro mas okay yung ‘sanay’ lang.” pag-eexplain ko sakaniya atsaka naman bahagyang tumawa at tumawa rin siya. Talaga naman na hindi ako magaling mag-drawing. Kung alam niya lang paano ako nag-struggle during first year college dahil sa na-shock ako sa dami ng drawing at mediums na gagamitin.     “Mga artist talaga hindi umaamin na magaling sila. They will just tell them that they ain’t good but one day they’ll just wow the world with their works.” Sabi niya atsaka natawa. Natawa rin ako sa sinabi niya. Siguro yung ibang artist pero hindi talaga ako magaling mag-drawing kaya mas gusto ko talaga na gumagamit ng softwares kaysa sa manual drawings.       “Believe me when I tell you I’m not.” Tumatawa kong sabi sakaniya. “Ikaw? Anong course mo pala?” pagtatanong ko sakaniya.       “Aeronautics Engineering. Fourth Year.” Sabi niya atsaka pinakita rin saakin ang librong binabasa niya.     “Wow. Bigatin yung course.” Sabi ko sa kaniya. Bukod sa mahirap ang kursong iyon ay mas nagging bigatin iyon dahil nasa school siya ng mga mayayaman. As I heard sa mga iba kong kaklase, Radeon University is a school for elite. Pati siguro anak nang may ari ng mall dito sa Manila ay doon nag-aaral.       “Sa Radeon ka nag-aaral?” tanong ko sakaniya atsaka naman niya tinakpan bigla ang bibig ko na kinagulat ko. Pagtingin ko sa ibang students na nang-aaral ay nakatingin sila saamin. Hindi naman malakas boses ha? Ang ilang ababe ay sinisilip tuloy ang mukha niya at yumuko siya. Wow, mysterious yan? “Bakit?” tanong ko sakaniya.       “Quiet. They’re studying as well.” Sabi nito atsaka naman tumingin sa paligid. Ngumiti lang siya saakin atsaka naman tumango at kinumpirma na sa Radeon nga siya nag-aaral. Parang gustong bumagsak ng panga ko sa narinig ko. Ang yaman pala ng ka-share ko sa table!       “oh my!” reaksyon ko at nagulat nanaman ako. Napatingin nanaman ang mga tao saamin. Elite itong kasama ko? Hindi ako makapaniwala talaga.     “Calm down, Clarke. Hindi ako yung tipo ng taong inaakala mo. I’m just a normal citizen of the Philippines.” Sabi niya at tumawa nanaman. Natawa rin ako sa komento niyang iyon. Kung normal citizen siya, ano pa ako? Dukha? Hampaslupa?     “Alam mo, lumipat ka na ng table.” Biro ko sakaniya na tinawanan niya lang. Ano naman ang giangawa niya sa ganitong klase ng lugar? Ang mga tulad niya, paniguradong may sariling kwarto at study room. Pero siguro ay hindi lahat ng naiisip ko tungkol sa mga mayayaman ay ganoon. Katulad na lamang ni Louis.       “Do you live here?” tanong niya saakin.       “Nag-dodorm lang ako. Ikaw?” “Malapit ako sa Radeon. Living alone pero sa Taguig talaga ko. Hassle kasi minsan kaya my Dad got me a place near Radeon.” Napatango nalang ako sa kwento niya. Mga mayayaman talaga walang mapaglagyan ng pera.     “Sorry, Clarke. Am I interrupting your reviews?” pag-aalala niyang tanong saakin. Umiling naman ako dahil sa totoo lang ay nauumay rin na ako mag-basa dahil kanina pa ako nag-rereview.       “Hindi naman. Am I?” balik kong tanong sakaniya.     “No. Gusto ko lang din talaga kasi may maka-kwentuhan kasi medyo inaantok na ako sa binabasa ko.” Sabi naman niya saakin. Sa kapal ba naman din ng binabasa niyang libro ay hindi imposibleng hindi siya antukin.       “If nag-dodorm ka lang, it means you live far?” he cared to ask. Tumango naman ako sakaniya atsaka isinara na ang laptop ko. Sa ngawit ng leeg ko ay nag-inat ako ng kaunti.       “Sa province talaga ako. Sa Zambales. Have you been there?” pagtatanong ko sakaniya.         “Yes. Beach in Zambales is beautiful.”   Tama siya dahil kung mayroon din talaga akong hinahangaan sa probinsya naming ay iyon ay yung dagat na may putting buhangin at malinaw na tubig ng dagat. Marami rin talaga ang turista doon na nagbabakasyon. Yung bahay naming doon ay malapit sa isla kaya naman kapag umuuwi ako doon ay madalas kami nila ate na nasa dalampasigan.     “Tama. Sobrang pino ng buhangin doon kaya nakaka-miss din talaga kasi ilang buwan na ako hindi nakakauwi samin kasi wala pang holiday masyado.” Pagkukwento ko sakaniya.     “Every holiday ka lang umuuwi sainyo? Don’t you miss your family?”     “Miss pero kasi biyahe palang ubos na yung araw ko kaya kapag sem-break lang ako nakaka-uwi.”       “Bakit ka dito sa Manila nag-aral? Wala bang Architecture school sa Zambales?” tanong niya. Sa totoo lang ay meron naman pero siguro ay tama si Mama na masyado akong mataas mangarap kaya pinili ko ang Maynila. Naalala ko pa noong unang beses ko sabihin kela Mama at Papa na pumasa ako sa university na pinapasukan ko ngayon. Nagalit saakin si Mama dahil bakit daw ako sa Maynila pa mag-aaral gayong mayroon naman sa Zambales.       “Naniniwala kasi ako na mas maganda yung opportunity na mapupuntahan ko kapag dito ako sa Manila magtatapos.” Natahimik siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung may mali bas a sinabi ko pero opinion ko lang naman  iyon at maski ibang professor ko ay iyon ang minsang siansabi saamin.   “You’re right, Clarke. One day, you’ll realize you made a right decision.” He smiled right after telling those. Tila ba alam niya ang kwento ng buhay ko. Simula nang piliin ko ang kurso kong ito ay hindi ko narinig kela Mama na tama ang desisyon ko. Atleast kahit pala sa stranger, masaya pala sa pakiramdam marinig iyon.     “Dream course mo Aeronautics Engineering?” ako naman ang nag-tanong sakaniya dahil napansin kong puro ako ang nagkukwento.       “To become a Pilot is my main kaya ito kinuha kong pre-course. Hilig ko naman ang Math kaya wala naming problema saakin ang kursong ‘to. I somehow enjoyed it.” Pagkukwento niya. Sino nga ba ang hindi mag-eenjoy sa course niya lalo at magaling pa sa math?      “Siguro Piloto ang parents mo?” hinulaan ko lang pero malay mo naman.       “My dad is a pilot tapos yung mom ko naman ay isang lawyer. How about yours?” nalula nanaman ako sa description niya sa parents niya. Bigatin talaga!       “Grabe naman background ng pamilya mo. Parang gusto kong mag-paapak tapos ako pa mag-sorry sakanila.” Sabi ko sakaniya atsaka naman siya tumawa. Akala niya yata ay nagbibiro ako pero totoo iyon.       “You are funny, Clarke!” pagsasalita nito kahit tumatawa siya. Napailing nalang ako dahil hindi niya parin napapansin na hindi ako nagbibiro pero bahagya na rin akong natawa dahil sa tawa niya. He somehow laughs genuinely kaya siguro nakakahawa.     “Yung Papa ko, may ari siya ng talyer. Alam mo yung talyer? Auto Repair shop? Tapos yung Mama ko naman isang public teacher. Then yung ate ko isang CPA. May kapatid ka rin ba?”     “Grabe ka sakin, Clarke. Alam ko naman ibigsabihin ng talyer.” Natawa nanaman ako sa tawa niay pagkatapos sabihin iyon. Para ko daw kasi siyang iniinsulto pero hindi naman kasi baka mamaya ang alam niya lang ay casa.       “Yes, I have a brother. Senior high school na siya ngayon.” Nanlaki ang mata ko at kinuwento ko rin sakaniya na ang bunso naming kapatid ay senior high school na rin. Ako naman ay nasa 3rd year college palang.     “Isang taon nalang ga-graduate ka na pala’no?” tanong ko sakaniya.       “Yes. Ikaw ba?”       “Two years pa ko. Ahead ka saakin ng isang taon.” Tumango-tango naman siya at nagpaalam saglit saakin nang biglang nag-ring ang phone niya. Lumabas siya saglit para kausapin ang tumawag na iyon. Naiwan naman ako dito sa table atsaka nagbasa ulit ng notes. Hindi ko napansin na nageenjoy na pala akong kausapin si Loius. Bakit kaya ganoon? Kung iisipin ay strangers kami sa isa’t isa pero bakit nakakapagkwentuhan na kami tungkol sa mga buhay namin? Nagkibit balikat nalang ako sa naiisip ko. Panigurado naman na bago maging magkaibigan ang dalawang tao ay nagtatanunga ito tungkol sa mga buhay nila. In fairness, kahit na mayaman itong si Louis ay mabait siya.     Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa bumabalik si Louis. Nakaramdam na rin ako ng antok kaya naman nagdesiyon ako na dumukdok saglit. Hindi ako matutulog. Gusto ko lang ipikit saglot ang mga mata ko dahil ramdam ko ang pagod nito kakabasa. Mamaya kapag tapos na ako ipahinga ang mata ko ay mag-suuslat ako ng mga kailangan kong tandaan kapag magdedesign na ng floorplan.     4:28 am       Nagulat ako nang bigla kong ma-realize na nakatulog ako! Tinignan ko kaagad ang cellphone ko para tignan ang oras at may alas kwatro y media na! Ano ba yan, nakatulog na naman ako. Sabi ko pa naman ay pag-floorplan na ang aaralin ko. Mabuti nalang ay walang klase ngayon kaya kahit mamaya ay makakpag-aral  parin ako. Napansin ko naman si Louis na nakadukdok rin sa librong binabasa niya. May mga ilang babae ang nakatingin sakaniya at may isa pang pinipicture-an siya habang tulog. Hindi ko naman masisi ang mga babaeng ito dahil ang gwapo niya talaga.       “Ang swerte ni ate girl. Sana all’ narinig kong sabi ng nasa kabilang table. Napailing nalang ako sa iniisip nila. Kahit na inaantok ako ay pinilit kong gisingin yung sarili ko para magtuloy sap ag-aaral. Tumayo ako at umorder ulit ng isang hot coffee pero mas maliit lang ang inorder ko dahil baka mag-palpitate na ako kung large ulit ang magiging order ko.       Pagbalik ko sa table ay tulog parin si Louis. Hindi ko na siya gising pa dahil baka kakaidlip lang din niya atsaka sino ba ako para gisingin siya? Nagpatuloy ako sa pagrereview. Madami akong kailangang tandaan. Gusto ko makabisado ang mga kailangan sa pag-gawa ng floorplan para wala akong makaligtaan kapag nagcoconceptualize na during exams. Dalawang oras lang kasi ang ilalaan samin para ma-solve nag problem kaya dapat mabilis ako makaisip ng concept.       Mag-6 am na nang napansin kong gumising si Louis. Pumupungay pa ang mata niya at halatang inaantok pa. Paano nagagawa ng isang tao maging gwapo arain kahit magulo yung buhok nila? Kasi ganoon ngayon si Louis. Napunta ang ilan niyang buhok sa harapan kaya natatakpan nito ang mata. Hinawi niya iyon at binalik ko na rin ang mata ko sa binabas ako nang tignan niya rin ako. Tinignan niya ang phone niya at bigla siyang nag-panic.       “s**t, 6 am na pala!” naghihisterikal niyang sabi. Hindi ko alam bakit. Mabuti nalang ay kaunti nalang ang tao sa café.       “Bakit?” pagtatanong ko. Pati tuloy ako nahahawa sa paghihisterikal niya!     “I’m gonna be late for my class.” Pagmamadali niya. Inayos na niya ang gamit niya sa bag at may kung anong inayos pa sa phone niya.     “Sunday ngayon pero may kalse ka parin?” pagattanong ko. Nagulat naman ako ng bigla niyang iabot saakin ang phone niya at nasa contacts iyon.     “Make-up class sa major namin. Can I have your number, Clarke?” nagulat ako sa huli niyang sinabi. Hinihingi niya ang number ko? Bakit? Nang naramdaman ko ang pagmamadali niyang muli ay agad kong tinype ang number ko.       “Thank you again, Clarke. I’m sorry I have to go.” Sabi naman nito atsaka nginitian lang ako at dali-daling lumabas na rin sa pintuan. Sinundan ng mata ko ang direksyon niya at doon siya sa kaliwa dumaaan hanggang sa di ko na siya nakita. Naiwan akong tulala sa table naming. Lumunok lang ako at sa bilis nang pangayayri ay hindi ko nalang din ma-process nang utak ko ang ganap ni Louis. Akala mo may naaksidente sa pagmamadali. Napailing nalang ako nang biglang tumunog ang phone ko. May nag-text.       +639756293*** to your left.     Napakunot ang noo ko nang mabasa iyon. Hinanap ko siya sa gawing kanan pero hindi ko naman siya mapansin kung nasaan siya hanggang sa nakarinig ako ng isang busina. At nakita ko ang royal blue na kung hindi ako nagkakamali ay isang Ford Mustang Shelby GT500. Napaawang ang bibig ko nang makita siya sa loob non at siya mismo ang nagmamaneho nang ibinaba niya ang bintana non. He waved at me and smiled. Wala sa sarili akong nag-wave back sakaniya nang hindi parin makapaniwala na ganoon siya kayaman. Hanggang sa makaalis siya ay hindi parin nag-sisink in saakin.       “That is almost eight f*****g million!” wala sa sarili kong nasabi kaya napatingin ang mga tao sa paligid ko.     *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD