Chapter 1

2595 Words
“Last five minutes, class.” Kalmadong sabi ng propesor namin na ngayon ay nakaupo sa bandang harapan. Kalmado man ang pagkaka-salita niya ay mas lalo akong kinabahan dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako tapos sa pag-ink ng floorplan ko. Apat na oras lang ang palugit namin para sa esquisse na ito kaya naman sobra akong nagagahol ngayon sa oras.     Kinuha ko na ang .5 kong technical pen atsaka naman isinulat na ang pangalan ko. Bahala na kung hind imaging consistent basta maipasa ko ito kay ma’am ngayon. Malaki kasi ang mawawalang grade ko kapag hindi ito naipasa.     “Okay, pass your plates. Time is over.” Sabi ng professor ko. Nakita ko ang buong room na nagulo nang nagsi-tayuan ang mga kaklase ko at inabot na kay ma’am ang mga papel nila. Gaya nila ay tumayo na rin ako apr aipasa iyon kay ma’am. Sa awa ang Diyos ay nakapag-pasa ako at nairaos nanaman ang araw na ito. Simula nang pumasok ako sa Architecture school, puro kaba at iyak nalang yata ang nangyari sa buhay ko.  Pero kahit na ganoon ay masaya ako na nakuha ko ang kursong pinapangarap ko.     Junior high school palang ako, ipinaglalaban ko na kay Mama na gusto ko talagang kunin sa college ang kursong Arkitektura pero hindi niya ako sinusuportahan dahil mahal daw ang mag-aral ng Architecture kaya naman nung ito talaga ang pinursige ko ay nagsumikap rin ako na hindi bumagsak para hanggang makatapos ako ay under parin ako sa free tuition ng university.     “Clarke! Uy, Clarke!” narinig ko ang boses ni Leila na tinatawag ako. Nasa harapan siyang gawi dahil naka-alphabetical ang ayos ng mga upuan naming sa drafting room. Nilingon ko siya at nakita ko rin ang mukha niyang pagod at haggard dahil sa araw na ito. Bukod kasi sa plates na ginawa namin ay kanina pa kaming umaga may klase sa ibang subject kaya hindi na ako magtataka kung ganoon din ka-haggard ang itsura ko ngayon.       “Sabay tayo umuwi. Restroom lang ako saglit.” Sabi naman niya saakin. Tumango ako sakaniya at pinagpatuloy na ang pagliligpit ko ng gamit. Si Leila ay tapos naman na mag-ayos ng gamit niya. Ni-roll ko na ang papel ko atsaka ko nilagay sa canister ko at pinunasan ko muna ng tissue ang mga rulers na ginamit ko para sa susunod na gagamitin ko ay malinis na at hindi ko na kailangan pang linising muli. Sobrang dumi ng T-square ko sa sobrang gamit ko ngayong araw.       “Guys, ‘wag ninyo kakalimutan na sa Monday na yung Departamental examination natin kaya mag-review kayo.” Announcement ng class president namin na nasa harap ngayon. Wala na kasi si ma’am kaya nakapag-announce na siya. Friday ngayon at wala kaming klase hanggang Linggo. Monday to Friday kasi ang schedule namin.         Naririnig ko ang mga kakalse ko na dumadaing sa naging announcement ng class president namin. Kahit ako ay gusto kong dumaing sa sobrang daming gawain para sa weekends tapos kailangan pa naming mag-review para sa Departamental examination namin pero masyado na akong pagod para magsalita pa at mag-rant tulad ng mga kaklase ko.       “Ano daw sabi ni president?” biglang lumitaw naman si Leila sa gilid ko at nakasukbit na ang bag niya sa balikat niya. Inilagay ko na rin ang mga gamit ko atsaka na rin namin napagdesisyunang lumabas ng classroom.       “Deptals daw sa Monday kaya mag-review ka. “ sabi ko naman sakaniya. Inihahanda ko naman ang pamasahe ko dahil tinatamad na akong mag-lakad pauwi sa dorm na inuupahan ko. Si Leila naman ay kailangan pang sumakay sa LRT bago makarating sakanila. Ang hassle dahil gabi na at paniguradong siksikan sa LRT dahil Friday ngayon.       “Ano ba ‘yan. Sobrang pauso naman ng college natin. Ang dami na ngang gawain may pa-ganoon pa.” reklamo naman niya at umiiling-iling pa. Natawa naman ako sa inaakto niya. Sa totoo lamang ay magkamukha kami ng ugali ni Leila kaya nga siguro kami naging mag-kaibigan.       “Sinabi mo pa! History palang ang dami nang kakabisaduhin, eh.” Nag-simula na rin akong mag-rant dahil sa totoo lang ay talagang iyon ang pinaka-nahihirapan ako. Ayos pa saakin ngayon ang pag-ddrawing pero pagdating talaga sa pagkakabisado ay mahina ako pero hindi ko naman sinasabing hindi ko sinusubukan. Takot ko lang kay Mama kung bumagsak ako.         “Mabuti ka pa nga, Clarke, kasi history lang pinoproblema mo pero ako hirap parin ako sa pag-plano at conceptualize.” Bakas sa boses ni Leila ang lungkot at halong kinakabahan dahil matagal naman na niya saakin sinasabi na iyon ang weakness niya. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay nahihirapan doon lalo na at hindi naman spoon feeding ang way ng pagtuturo saamin ng mga professor.         “Ano ka ba, Lei, kaya nga tayo magkaibigan para magtulungan, hindi ba?” sabi ko sakaniya. Napabuntong hininga lang siya atsaka naman yumuko.       “Nahihiya kasi ako sayo, Clarke kapag lagi akong nagpapatulong sayo. Alam ko naman kasi na hindi madali itong kurso natin kaya ayoko rin nang naaabala kita.” Sabi naman niya saakin. Ngumiti lang ako na parang inaasar siya. Drama Queen talaga itong kaibigan ko.   “Sus! Para ka namang others kung mag-salita. Alam mo, bukas after ko mag-laba mag-kita nalang tayo bukas sa may Adi’s Study Café tapos sabay tayo mag-aral. Ayos ba ‘yon?” binigyan ko siya ng ideya at nagliwanag naman ang mukha niya ng bigla nang sinabi ko sakaniyang sasamahan ko siyang mag-aral.       “Salamat talaga, Clarke! Ang bait mo talaga saakin! Dahil diyan, ako na may sagot ng food natin for review.” Masaya niyang sabi saakin at bakas ang pagka-excited niya. Ngumiti nalang ako sakaniya atsaka naman kami nag-hiwalay na ng daan dahil siya ay sa LRT gagawi at ako naman ay saliwa sakaniya. Ilang lakad lang ay nandito na ako sa paradahan ng mga tricycle kaya naman sumakay na rin ako at nagpahinto sa tinutuluyan kong dorm.       Pagkarating ko sa dorm ay nahiga ako kaagad at mas naramdaman ko ang pagod. Gusto ko na matulog sa sobrang sakit ng likod ko. Kinuha ko ang cellphone ko atsaka naman nag-text kay Mama at Papa na naka-uwi na ako ng dorm. Hindi ako umuuwi ng weekends saamin madalas dahil malayo ang biyahe kaya kapag may holiday lang ako nakaka-uwi saamin. Pinapadalhan lang ako ng budget for 1 month nila Papa thru remittance centers at masasabi kong maswerte parin ako dahil hindi ako kinukulang sa budget.       Maaga akong nagising kinabukasan dahil nakaramdam ako ng gutom dahil hindi na ako nakakain kagabi dahil sa sobrang pagod na tipong hanggang ngayon ay pagod parin ako. Nag-text naman si Leila kagabi na mga hapon na kami magkita dahil may tatapusin pa raw siyang research namin. Nagawa ko naman na ang activity na iyon kaya naman wala na akong pinoproblema ngayon kung hindi ang darating departamental exams na lang sa Lunes.       Hindi nagtagal ay kumain na rin ako at inayos na rin ang mga labada kong damit para makapag-simula na rin mag-laba. Kapag dito ako sa dorm naglalaba ay talagang mahina ang tubig kaya tiis lang talaga. Minsan naman ay nagpapa-laundry ako malapit dito pero madalang iyon dahil kapag nagpapadala lang si Papa ko iyon nagagawa. Ayaw kasi ni Papa na napapagod ako lalo kaya minsan ay sikreto niya akong pianapadalhan para sa pang-laundry at pambili ko ng grocery sa dorm. Buti nalang nga ay mag-isa lang ako sa dorm kaya naman sarili ko lang ang iniintindi ko. Maliit lang itong dorm na tinutuluyan ko at buti nalang ay may sarili akong banyo.       Tanghali na ako natapos mag-laba at saktong pagkatapos ko ay siyang pagtawag saakin ni Mama. Dali-dali ko iyon sinagot at nang Makita ko siya ay nakasuot siya ng uniform na pang-teacher at mukhang nasa school siya ngayon.       “Hi, Mama! Kamusta po?” bati ko kaagad sakaniya. Inaayos pa niya nag camera niya bago sumagot saakin.     “Ito, busy ngayon sa school dahil Buwan ng Wika.” Kwento ni Mama saakin. Iniintay ko na tanungin niya ako pero ilang segudo pa ay hindi na niya dinugtungan pa ang kwento niya.       “Ganoon ba, Ma? Eh, kumain na po ba kayo niyan?” tanong ko sakaniya. Itinapat naman niya ang camera niya sa baunan niya na siguro ay dala ni Papa sakaniya.         “Wow, mukhang masarap ang luto ni Papa, ah!” excited kong sabi. Nakakamiss naman sa bahay. Sa totoo lang ay kung saan nagtuturo ngayon si Mama ay doon kaming magkakapatid lahat nagtapos ng high school at tuwing lunch break ay hinahatiran kami ni Papa ng lunch. Kahit pa busy si Papa sa talyer ay hindi niya nakakaligtaan na dalhan kami ng maiinit na lunch.       “Nagluto ang Papa mo ng sinigang na baboy sa bayabas.” Kwento ni Mama. Mas lalo kong na-miss ang amin. Iyon ang pinakapaborito kong niluluto ni Papa dahil ang sarap niyang magluto noon.     “Ikaw ba ay kumain na? Wala ka bang pasok ngayon?”  tanong ni Mama. Ilang buwan na nakalipas pero hindi parin kabisado ni Mama ang schedule ko. Kung sabagay, baka talagang busy lang siya palagi sa school.       “Opo, Mama, kumain na po ako. Corned beef at itlog po inulam ko. Naglaba po ako kasi wala po kaming pasok.” Pagpapaliwanag ko. Nakita ko siyang tumango at nagsimulang kumain na rin.     “Kumain ka ng totoong pagkain, Clarke. Hindi yung puro ka delata. Kaya ka tumataba dahil hindi masustansya mga kinakain mo.” Pagpapangaral sa akin ni Mama. Pagdating sa pagkain ay hindi ako tinitipid nila Mama dahil sabi nila ay hindi ako mag-ffunction kung gugutumin ko ang sarili ko.       “Opo, Mama. Bibili po ako mamaya ng ulam kapag po natapos na ako maligo po.” Sabi ko sakaniya. Pagkatapos lang ng ilang pagkukwentuhan ay nagpaalam na rin sa akin si Mama dahil magre-resume na daw ang program. Ikinuwento niya lang na nanalo daw sa poster making contest ang bunso kong kapatid at si Ate naman daw ay masaya sa trabaho niya ngayon. Si Papa naman ay busy sa talyer pero okay daw iyon dahil malaki ang nagiging income ni Papa. Hindi kami mahirap pero sakto lang para makapag-aral kami ng kolehiyo. Lalo na nung naging CPA na ang ate ko ay gumaan ang mga gastusin nila Mama sa bahay.     Nang matapos ko ang mga kailangan kong gawin ay nagbihis na rin ako dahil mag-5pm na rin at magkikita kami ni Leila ng 6pm sa may Study Café malapit sa Espanya. Dalawang sakay iyon ng jeep mula dito sa dorm kaya naman maaga akong aalis para kahit ma-traffic ako ay okay lang at aabot parin ako sa usapan naming oras.     Nagbihis lang ako ng jogger pants atsaka naman sweater dahil airconditioned ang café na pupuntahan namin. Nakapunta naman na ako doon ng tatlong beses at sobrang lamig nga talaga doon kaya mostly sa mga students na nag-aaral doon ay inaantok kaya mapapa-order talaga ng hot coffee. Great strategy nga naman.     Pagkadating ko sa Café ay may ilan pang vacant seat kaya nakapili pa ako ng puwesto para saamin ni Leila. Pinili ko yung pang-dalawahang upuan sa tabi ng bintana. Pagka-upo ko roon ay nagtext na ako kay Leila na nandito na ako sa Café. Hindi pa siya nag-rereply kaya naman inilabas ko nalang nag mga reviewers ko at pati na rin ang laptop ko para makapag-simula na ng mga notes na kailangan aralin.     Dumarami na ang tao sa loob ng café kaya naman nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay wala parin si Leila. Wala parin siyang text saakin kaaya naman tinext ko siyang muli at tinawagan pero wala kaya naman nagtaka ako kung nasaan na siya. Siguro ay natraffic lang siya kaya hanggang ngayon ay wala parin siya.     Nag-order na ako ng isang large na hot white chocolate mocha para hanggang mamaya ay may-maiinom ako. Ilang minuto lang ay dumating na rin iyong order ko kaya nag-simula na akong mag-aral para pagdating ni Leila ay matuturuan ko siya kaagad. 24/7 bukas ang café na ito kaya naman kahit hanggang bukas pa ako umuwi ay ayos lang. Sikat rin ang café na ito dito sa espanya dahil halos lahat ng college students ay dito minsan tumatambay para mag-review. May mga mapapansin kang law students, accountancy students at iba’t ibang estudyante from different universities.     7:49 pm       “Ang tagal naman ni Lei. Nasaan na kaya iyon?”         Biglang bumukas ang pintuan sa entrance ng café at kahit na gusto kong si Leila ang makita ko ay hindi iyon si Lei. Isang matangkad at may pagka-mestizo na lalaki ang pumasok doon. Nakasuot siya ng shorts na kulay itim atsaka hoodie na kulay gray na may nakaburda na Radeon tapos may eroplano sa dulo. Ang linis niyang tingnan kaya ang gwapo niya sa paningin ko. Grabe, Lord, isa po ba siyang anghel na pinadala mo? Bakit po sobrang gwapo? Ilang minuto ko siyang tinitigan kaya nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa gawi ko. Nag-iwas naman ako agad ng tingin dahil baka isipin niyang tinititigan ko siya. Tss, Ano ba, Clarke!       Itinuon ko na ang mata ko sa laptop ko atsaka naman nagbasa na ulit. Focus, Clarke! Tinuloy ko na ang pagbabasa tungkol sa Philippine Architecture dahil marami itong kakabisaduhin lalo sa mga different places dito sa Pilipinas. Mga bahay palang, madaming na uri ang meron tayo dito sa Pilipinas. Nawala ang pokus kong muli nang biglang may tumapat sa table ko.         “Excuse me, Miss?” boses nang lalaki ang narinig ko kaya naman iniangat ko ang tingin ko at nagulat ako nang Makita ko ang lalaking kaninang pumasok sa café. Teka, anong ginagawa niya dito? Napansin ba niya na tinititigan ko siya?         “A-ah bakit po?” nauutal kong sabi sabay ayos sa suot kong salamin. Grabe, sobrang gwapo niya lalo sa malapitan.       “Pwede ba ako maki-share ng table? I promise I’ll transfer when some table is available.” Pati pagsasalita niya ang gwapo. Ang lalim ng boses niya. Napansin ko rin na wala nang available seats.       “May kasama kasi ako. Iniintay ko lang siya.” Pagpapaliwanag ko. Magsasalita sana siya nang biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong si Leila iyon. Sinagot ko naman iyon kaagad.       “Hello? Lei, nasaan ka na?” pag-aalala kong tanong sakaniya.       “Clarke! I’m sorry something came up. Si Dad kasi sinundo ako kasi mag-dinner daw kami ng family niya.” Pagpapaliwanag nito. Bakas sa boses nito na ayaw niyang sumama. Panigurado ay napilitan na naman siyang sumama sa Daddy niya. Broken family kasi si Lei at ang mommy niya ang kasama niya dahil ang Dad niya ay may bago ng pamilya.       “Ganoon ba? Sige. Kahit bukas nalang tayo mag-kita.” Sabi ko naman sakaniya. Pagkatapos non ay nagpasalamat lang si Lei dahil hindi ako nagalit sakaniya. Wala naman talagang dapat ikagalit doon dahil pagdating sa ganoong bagay ay dapat lang na iniintindi. Pagkababa ko ng phone ay dahan dahan kong inangat muli ang tingin ko at mukhang nag-iintay parin itong si kuya sa seat na nasa harapan ko.     “Pwede ba?” pag-aalinlangan niyang tanong saakin. Dahan-dahan naman akong tumango at hinawi ang damit ko para magkaroon din siya ng space para mag-aral.   “Thank you. By the way, I’m Louis. And you are?” pagpapakilala niya na ikinagulat ko at naglahad pa ito ng kamay. Sa gulat ko ay itinuro ko pa ang sarili ko at tinanong pa kung ako ba ang kausap niya. At ako nga talaga dahil saakin siya nakatingin.     “I’m Clarke.” Sabi ko atsaka ko inabot ang kamay ko sakaniya. Ngumiti siya saakin at ginantihan ko rin iyon ng ngiti.   *    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD