Chapter 27 Muntik na akong ma-late kinabukasan. Buong gabi ko’ng pilit binubuhay ang alaga ko, pero lupaypay talaga ito. Kahit anong maisipan ko ay walang naitulong para magising siya. Kinabukasan, pag-upo ko sa aming puwesto ay pinalibutan agad ako ng apat ko’ng kaibigan. “Nathan, hindi ka na pumasok sa afternoon class natin kahapon. Anong nangyari sa `yo?” tanong ni Jewel. “Akala namin kasama mo si Jaydie, pero mag-isa siya’ng dumating sa next class natin na namumula ang mga mata.” ani Crystal. “So? Sawa ka na ba sa kanya?” tanong naman ni Queen. “Something like that.” naghikab ako at yumuko sa aking mesa. Dumagan naman si Naomi sa likod ko. ”Good. Buti naman at sa wakas may oras ka na uli sa amin!” sabi n’ya. ”Oo, nga, sobrang nakakamiss na ang bonding natin!” sabi ni Jewel

