Chapter 26 ”May classes ka pa, di ba?” Kasalukuyan ako’ng nasa mahaba niyang couch, suot ang polo at pants na pinahiram sa akin ni Sir Go. Buti at magkasing-katawan lang kami. “At sino naman kaya ang may kasalanan kung bakit nangangatog ang mga binti ko ngayon?” sumbat ko sa kanya. “Hayaan mo muna ako magpahinga.” Natawa pa talaga ang loko! Nilingon ko siya sa pagkakadapa at tinignan ng masama. “Ano? Balak mo ulit mangagat?” pang-asar n’ya sa akin. “Kinagat mo rin naman ako, ha?” balik ko, ”Nag-iwan ka pa ng mga marka sa dibdib ko!” “Para `yan hindi ka na maghabol ng iba.” sabi n’ya. “Para alam nila na may nagmamay-ari na sa `yo.” Kinalibutan ako sa sinabi n’ya. ”S-sinong nagmamay-ari kanino!?” pilit ako’ng bumangon at napapikit sa gumuhit na sakit sa aking lower back papun

