Chapter 67 Maayos ko naman nasagutan ang mga exams ko for that day. Piece of cake. I’m an alpha after all. Feeling ko nga, nagsayang lang ako ng oras sa pag-aaral kung ganoon lang kadali ang exams. But then again, excuse `yun para `di ako laspagin ni Reubert araw-araw. “Ah, one more to go...” sabi ni Jewel na mukhang drained na. “Kung bakit kasi ngayon din ang schedule ng exam ni sir Go, hindi pa ginawang bukas na lang.” Hindi ko masabi na balak naming mag-date bukas. “Okay lang, tatlo lang naman ang exam ngayon, bukas apat.” sabi ni Crystal. “Buti ka pa, Nathan, `di mo na problema si sir Go!” ngawa ni Jewel sa akin. “Anong hindi, eh kasama ko siya sa bahay araw-araw.” natawa ako. “At next year, uulitin ko pa ang subject niya.” “Pero, mukhang `di ka na asiwa sa kanya tulad ng dati,

